BLOOD 3: Montgomery Town

2295 Words
NAKASANDAL si Jett sa gawing kanan ng pintuan ng 1993 Ram Van na kanina lang ay ipinarada niya sa gilid ng daanan. Ang sasakyang ito ay ipinahiram pa sa kanila ni Mr.Buenaventura para sa kapakanan ng tatrabahuin nila. Nakasuot siya ng denim shorts, long sleeve fitted shirt kung kaya't bakat ang medyo may kalakihan niyang katawan. The boat shoes and the sunglasses were even added his good-looking guise. Hindi pa naman katagalan ang patayo-tayo niya sa lugar na iyon at nakuha niya pang sumipol. Mayamaya mina-obra niya ang kaniyang cellphone at nag-type ng mensahe. Bahagya pa siyang napangiti habang nakatingin sa screen ng aparatus na nag-se-send na ng kaniyang mensahe. Matapos ay ibinalik niya ito sa kaniyang bulsa at muli itinuon ang sarili sa isang daan na may hinihintay. Sa 'di katagalan, natatanaw na nga niya ang kanina pa niyang inaasahan dumating. Napataas ang magkabilaang gilid ng labi niya saka tinanggal ang sunglasses. Nakikita na niya ang palapit na babaeng naka-ripped boyfriend jeans, white tee, lace-up boots at checkered jacket na nakapulupot sa beywang nito. Hila-hila din nito ang 'di kalakihang maleta habang ang kabilang kamay ay abala sa pagpipindot ng hawak-hawak na cellphone. Tantya niyang tinitingnan marahil nito ang mensaheng isinend niya. Ngunit ang mas nagpalawak ng ngiti niya ay ang napaka-natural na kulay ng buhok nitong Crimson. 'Yon ang namumukod tangi sa mga mata niyang kahit malayo pa ito ay alam na niya kung sino subalit mukhang may kakaiba yata ngayon. Habang lumalapit ito na paabante ay napagtanto niyang nakatirintas ang buhok nito. It was arranged into voluminous french braid that placed on her left-side shoulder and it really suits her. Natuwa na naman siya dahil ito ang pangalawang pagkakataon na nakita niyang ganito ang itsura ng babae. Madalas kasi nitong ilugay lang ang buhok at gustong-gusto iyon ni Jett. Lalo pa't kapag malapit siya dito ay amoy na amoy niya ang mabangong shampoo nito. Ngayon, isa na rin ito sa mga paborito niyang looks ng dalaga. "Hindi ka naman niyan masyadong ready? Ipinasok mo na din yata ang bahay mo diyan ah" Agad niyang pang-aasar sa babaeng nasa-harapan na niya. "Sira ka talaga Otis. Tigil-tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo. Kung alam mo lang, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa pang-iisturbo ng tatay kong makulit at talagang ginawa niya 'yon habang nag-iimpake ako." Nakabusangot na balik sagot niya kay Jett habang ipinatong ang braso sa holder ng maleta na prenting nakatayo sa gilid niya. "Kaya kung ayaw mo 'yang adam's apple mo ang mapagbuntungan ko ng galit, tumigil ka." She added while the other hand was on her waist. "Paminsan brutal ka din noh? Idadamay mo pa ang mansanas ko," Ani ni Jett. Hinihimas-himas niya pa ang kaniyang bahaging lalamunan dahil nakikita niyang tumitingin doon ang kaibigang babae. Unti-unti namang gumuhit ang ngiti sa mukha ni Shana. How could she possibly do that? When in fact she was just mocking her friend. It was merely her habit out of Jett's comical face. Ang sarap kasi nitong loko-lokohin. "Joke lang noh. Ayoko ngang magalit 'yong someone mo" She teased and left a light beam on her face; giving a very familiar indication. Oh, geez. Can't this woman stop? And why is it always so appealing to me? Why everything she does is seems so alluring to me? He supposed. Kinabahan tuloy siya sa mga salita ni Shana. Napapadalas na yata ang ganitong pakiramdam niya. Marinig niya lang ang salitang 'SOMEONE' napapatigil na yata ang kaniyang pag-hininga. Pasalamat siya ngayon at nabigyan niya din ng palusot ang tungkol kahapon. Dahil sadyang mausisa talaga si Shana tungkol sa kaniya, nagkunwari na lang siyang nagtanong tungkol sa turn offs ng kababaihan. Ito namang dalaga, ay walang anu-ano nagbigay ng mahabang listahan. Napakunot na nga lang siya t'wing maaalala niya ito na para bang naghihinayang siya sa pagkakataong iyon. Now then, there's a lot of room for chances and I'll be taking one of it in due course. Besides I'm reasonable enough to take and make this slowly, right? He believed to himself. "Hoy! Otis! Naririnig mo ba ako? Natutulog ka bang dilat ang mga mata? O nag di-daydream ka? Anu, tuluyan ko na lang kaya 'yang adams apple mo?" Napakurap si Jett ng makailang beses bago namalayang kanina pa pala siya kinakausap ni Shana at nagsarili na pala siya ng mundo kanina. 'Yon lamang siya bumalik sa diwa. "A-ano?" Tanong niya sa dalaga. "Sabi ko tara na alis na tayo. O baka gusto mo magpaiwan. Tch. Anu ba ang nakain mo sa linggong ito at madalas kang lutang?" Kunot noo at naka-crossed ang braso nito sa dibdib. "'Yan na ba 'yong epekto galing sa someone mo?" She mocked and chuckled. The irritation on her face were rubbed out with her own assumption. She's doing it again. Inaasahan niya na magiging busangot o mamula ang pagmumukha ni Jett. 'Yon kasi ang ikinatutuwa at minsan ikinatatawa niya pa sa lalaki. "A-ah sorry. Hindi ko ba nasabi? I haven't sleep well last night, too." Umakto-akto pa siyang humihikab. Mga bagay at palusot na ginagawa niya sa 'twing kinakabahan siya. At ngayon mismo'y ramdam na nga niya. Seeing this, Shana's notion fell down. Hindi niya nakuha ang gusto niyang makita sa mukha ng lalaki. Naghanda pa naman siya sa ibibigay niyang halakhak. Gayunpaman, nagkibit balikat na lang siya at nag-angat ng kabilang gilid ng bibig. Kinuha na ni Jett ang maleta niya at inilagay sa compartment ng kotse. Ipinagbukas na rin siya ng pintuan ng kaibigang lalaki. She consented the man with a smile before entering the car. Agad naman bumawi si Jett; dali-daling sumakay ng driver's seat at pinaandar ang makina. Ito ang araw na mag-to-towntrip sila ayon sa kagustuhan ng boss nila at alang-ala sa gagawing ikalawamg libro. Mananatili sila sa napiling destinasyon---ang Montgomery Town---sa loob ng iilang linggo. MATAPOS ang apat na oras mahigit ng kanilang pagbabyahe, narating din nila ang Montgomery Town. Isang maliit na bayan sa isang probinsya. Hindi karamihan ang mga tao sa lugar at kahit mga bahay ay kukunti rin. Merong iilang establishments ngunit hindi maikakaila na hindi pa ito well-developed. Lantad pa rin ang pagka rural nito. At dahil hapon na din silang nakarating, napagdesisyunan nila na tumungo sa isang hotel. While on their exploration, napansin nilang unti-unting tumatahimik sa daan. Mas lalong kumukunti ang mga tao. Napansin din nila ang bawat tahanang madaanan ay nagsisitiklupan ng mga bintana at pintuan. Sa isip ni Shana ay isang katanungan subalit nahulaan niya ito at iyon ang ikinataas ng isang sulok ng labi niya. She was unusually grinning because she knew that there's something strange about the place. And she wasn't wrong in choosing the location. This is where she's going to find out more. Napadpad sila sa ka-look-alike ng Balch Hotel---isang three story at 'di kalakihang inn na yari sa brick at italianate style. Ganunpaman, halatang may kalumaan na din ito. Pumasok na sila upang mag-check-in nang pareho silang napataas ng dalawang kilay sa interior design nito. Maliit ito tingnan sa labas ngunit may kalawakan at mala-modernized victorian ang loob. How awesome is this? An externally Italianate style yet Victorian in its innermost, Shana rumored to her mind as she walked through the footpath of the hotel. May pagka antigo din ang iilang muwebles kahit pa nabago na nito ang loob. The wall was coated with cream paint and the surface were in shining burgundy wood. There were also a two perfectly-sculptured, large and towering pillars that lined each other; resting against the ceiling and the base that divided the room. The not-so-huge chandelier that look like a bit massive of a rose-cut diamond was also impending on its position. Truly, this place is splendid regardless of being a little aged. They resolved themselves and march their feet to the living-area that has a thick-floor covering and a set of sculpted Victorian-style chairs; that serves as the waiting corner for the customers. There were also few people around and so they took a seat both on the long-chair. Katabi lang ni Shana si Jett sa kaliwa at sa kanan naman niya ay dalawang matanda na tingin niya'y mag-asawa at nanatili din sa lugar na iyon. She was peacefully waiting for their turn when she suddenly heard two middle age women having a speculation nearby. "Alam mo na ba ang balita? Iyong kagabi?" Untag ng babae sa katabi niya na katulad niyang naka-daster habang pumapaypay. She was tilting her head towards the other woman whom she's talking with. Nagpakita din ng interes ang kaniyang kausap. She even cover her mouth acting like she's whispering but it could actually overhear by someone. "Meron na naman? Bakit parang napapadalas na yata?" "Naku sinabi mo pa. Nakita ng ilang tao dito iyong wasak-wasak na katawan. Hindi daw malaman kung anu o sino. Ang sabi halimaw daw 'yon na pakalat-kalat dito sa bayan. Ni hindi nga nila nakita ang ulo. Grabe, para daw 'yong tuyong ugat ang itsura at parang sunog na hindi maintindihan." Anya ulit ng babae. Namimilog pa ang mga mata niya habang diin na diin ang pagkukwento sa katabi. "Aba'y nakakatakot. Pinaninindigang balahibo yata ako sa pinagkukwento mo. Sa'n na naman nila nakita?" Niyayakap niya pa ang sarili nang maisabi ito. "Katulad ng dati, sa paanan ng Block 13. Kaya ibig sabihin sa Block 12 na naman nangyari iyon" Sagot naman agad ng babaeng may pamaypay. "Talaga? Naku! Parati na lang ganyan. Buti na lang at may pumapatay sa mga impakto na iyan!" "Mas nakakatakot nga iyon kasi ibig sabihin halimaw din ang pumapatay sa kanila, hindi ba?" Itiniklop niya ang kaniyang pamaypay at itinuro-turo ito sa kausap. Sandaling natulala si Shana matapos marinig ang pag-uusap ng dalawang babae. Napaisip siya lalo. Isang kababalaghan ang mismong hinahain na sa kaniya. Ang swerte naman yata niya at mukhang mas napapabilis ang kaniyang trabaho. Subalit, papanu naman niya kaya ito mapapakinabangan? Eh hindi naman halimaw ang hinahanap niya. Napapitlag siya bigla at nahinto sa sariling diskusyon nang hawakan siya ng katabi niyang matandang lalaki sa braso. Tiningnan niya ito ng gulat at may pagtataka. "'Wag na 'wag kang pupunta sa Block 13" Sambit nitong nakakatitig ng malalim sa kaniya. The old man had the most petrifying pair of glare as if it was an eyes of a raven. He's eyeball were sunken to its socket and not even blinking. Magsasalita sana si Shana nang agad namang tumunog ang bell sa front desk (counter). Hudyat na sila na ang sunod. Kinalabit siya ni Jett at wala sa isip na tumayo at sumunod sa kaibigan habang lilingon-lingon sa matanda; na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang mangilabot at mapaisip; ngayon lang ito nangyari sa kaniya. What was that? What does that old man saying? And what's with the Block 13? NAPUKPOK yata siya ng napakalaking maso nang maibalik sa sarili matapos mapag-alaman na tanging isang bedroom with two beds ang nakuha niya para sa kanila ni Jett. Nag-oo lang kasi siya no'ng oras na tinatanong siya ng staff sa kwartong kukunin nila. Wala sa anu-ano niyang pinirmahan ang papel, kinuha ang susi at naunang umakyat ng kwarto. Anak ng kamalasan! Kahapon pa ito. Kung bakit kasi isip ng isip ako sa matandang iyon. Napapikit siya ng mariin at iminulat ang mga mata at bumuntong hininga. Wala na silang magagawa at mas lalong wala na SIYANG magagawa. Kasalanan niya ito. Kaya't gagawin na lamang niya dahil nakasalalay dito ang kanilang trabaho. "Is this alright to you?" Jett asked. Alam niya kasing hindi naman talaga papayag itong kaibigan niya na sa iisang kwarto sila mananatili. Alam din niyang wala ito sa sarili ng sumangayon sa kausap na lalaki sa counter. Papanu pa siya makakapag-angal kanina eh mabilis pa sa alas-kwatro si Shana. "I guess we have no choice but to take this. Ito lang naman talaga ang natitirang kwarto sa second floor. Mas mahal kapag napunta tayo sa third floor kaya ayos na din itong na mali ako" Ngumiti siyang tila wala na talagang mapagpipiliian. Isinuksok na niya ang susi at binuksan ang wooden door. Kahanga-hanga ang interior ng kwarto. Tunay na elegante ito sa kabila ng kalumaan ng hotel. The wall was covered with garnet and another dark color paint while the two beds were silvery white alone. There were also a living-area that had a touched of Victorian-themed along with the sculpted-cushioned chairs, a wooden center table and patterned carpet beneath. Dali-dali namang pumunta doon si Shana, inilatag ang laptop at isinuot ang reading glasses niya. Samantalang si Jett naman ay naka-distansya sa kaniya. Inaayos-ayos nito ang dala nilang mga bagahe at dahil na rin sa kinakabahan na naman ito. "Shana, aren't you tired? Trabaho ka na naman agad diyan" Pagtatanong ni Jett sa dalaga. "Not really and we got no time to waste here" She retorted without facing her friend. She was attending her laptop completely. At abala sa pagtitipa-tipa. "Great! I've found a sort of roadhouse here" She exclaimed. She even raised her two arms and gigling while putting her back on the rearmost of the seat. "So, gutom ka na pala?" An inward laughter came from Jett. Nilingon siya ni Shana at naghalumbaba itong magkasalubong ang kilay; sa may armchair ng upuan. "We're going there for a double purpose you know" And from that, was an insolent smile roll up from her fine-looking face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD