THE EX-CON’S COUNTERATTACK - CHAPTER 38 AMARA’S POINT OF VIEW Pagkatapos naming mamili ng mga gamit ko sa Mall, niyaya ako ni sir Barry na kumain sa isang fancy na namang restaurant. Tatanggi na sana ako dahil mas makakatipid na kami kung sa bahay na lang kami kumain. Ngayon ko lang din kasi na-realize ang mga pinaggagagawa ko, ang dami kong binili na siya ang lahat nang nagbayad, at iyong kanina sa National Bookstore. Ayoko nang balikan pa, nag-iinit lang ang pisngi ko kapag naalala ko iyon at baka pati ulo ko’y mag-init din. Hindi ako makatingin sa kaniya nang maayos dahil sa kahihiyan. Magkaharap kaming nakaupo at hinihintay ang mga inorder niyang pagkain. Hinayaan ko na siya sa bagay na iyon dahil para akong nasa nakatayo sa pinakamataas na building at nakating

