bc

HMSS: The Ex-con's Counterattack

book_age18+
1.0K
FOLLOW
6.8K
READ
revenge
possessive
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
bxg
humorous
mystery
like
intro-logo
Blurb

HOT MEN SOCIETY SERIES: THE EX-CON'S COUNTERATTACK

Written by IthinkJaimenlove

DESCRIPTION

Bartholomew Vanidestine was once a prisoner dahil sa maling pambibintang sa kaniya. Nang makalaya siya pagkatapos nang mahigit dalawang taong pagkakakulong. He gave his best to be on top and to be part of the organization. Ginawa niya lahat ng ito para lang makapaghiganti.

Nais niyang makaganti sa mga taong nagpakulong sa kaniya. That's not only the reason why he's doing this, dahil ang mga ito rin ang kumitil sa buong angkan niya.

Ngunit papaano kung makakilala siya ng babaeng susukatin ang katatagan niya? Babaeng galit sa mga mamamatay tao. Makakaya pa kaya niyang magpatuloy?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
THIRD-PERSON POINT OF VIEW Malakas ang ulan sa labas ngunit hindi ito alintana ni Bartholomew. Patuloy lang siyang nagmamaneho ng kaniyang kotse papauwi dahil sa nabalitaan nitong may masamang nangyari. “Fck!” May bahid ng takot sa kaniyang mga mata. Kaya mas binilisan pa niya ang pagmamaneho. Ilang sandali lang ay narating niya ang mansion ng mga Vanidestine, kung nasaan ang kaniyang mga magulang. Nagmadali siyang pumasok sa loob at naabutan niya ang mga sirang gamit, mga basag na paso, at ang higit sa lahat ay ang mga taong nakahandusay at nagkalat ang mga dugo. "Ma! Pa!" tawag niya sa kaniyang magulang. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso dahil sa takot sa mga posibleng mangyari. "Well... Well..." Mabilis siyang napalingon sa gawi ng taong nagsalita sa kaniyang likuran. May hawak itong baril na nakatutok sa kaniya. "You're finally here, Barth. The last Vanidestine standing." Nakakakilabot ang tawa nito ngunit hindi takot ang naramdaman ni Barth sa mga oras na ito. Anger. Galit ang una niyang naramdaman. Masama siyang nakatingin dito dahil iyon lang ang tangi niyang nagagawa, may hawak itong baril habang siya'y wala. Dehado ang buhay niya kung susubukan niyang lumapit sa lalaki. "What do you want, Owen?" tanong niya. "Everything!" sigaw niya. "I want to take everything from you!" Hindi siya sumagot. Tanging ang masamang tingin lang ang nagagawa niya. May awa na rin sa mga mata ni Barth dahil hindi siya makapaniwala na ganito pa lang klase ng tao ang kinilala niyang matalik na kaibigan. Simula pagkabata ay magkasama na silang dalawa. Kung ano ang mayroon si Barth ay mayroon din si Owen. Tanging ang pinagkaiba lang nila'y ulilang lubos si Owen at sa tulong ng pamilya ni Barth ay nabuhay siya. "You're heartless! W-Wala kang utang na loob!" Tumawa si Owen dahil sa narinig. "May awa pa nga sa 'yo dahil hindi pa kita tinutiluyan." "Where's my family?!" tanong ni Barth. Tumingin siya sa mga nakahandusay na bangkay sa sahig at wala roon ang pamilya niya. Mga katulong at bodyguards ang mga iyon. Pumalakpak si Owen kaya nahulog ang tatlong bangkay mula sa taas. "MAA! PAAA! RONAN!" sigaw niya't mabilis na tinungo ang pamilya niyang wala ng buhay. Niyakap niya ang ina na naliligo sa sariling dugo. At, nag-unahan sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. "There they're. Nasa taas lang pala sila," natatawang sabi ni Owen. "Fck you, Owen! P-Pagbabayaran mo lahat ng ito!" Tumawa lang si Owen at saka sunod-sunod ang pagpasok ng mga pulis sa loob na hinding-hindi niya inaasahan. Kilala niya ang mga iyon, matataas ang rango ng mga ito sa kapulisan. Ngunit bakit sila nandito? Wala siyang maalala na tumawag siya para huliin si Owen. "Siya po. Siya po ang suspect sa pag-m******e ng mga tao rito." Nagulat si Barth dahil sa biglang sinabi ng dating kaibigan. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na niya maalala ang lahat-lahat. Ang tanging natatandaan lang niya'y ang mga mukha ng lahat nang naroroon sa gabing iyon. –– As he wake in the morning. Napahawak siya sa kaniyang mga mata dahil sa mga luhang lumandas doon. Panaginip lang pala. "A dream? No. A nightmare." Umiling siya't agad nang bumangon. Dumeretso sa banyo at naligo. Paglabas ni Barth sa kaniyang kuwarto ay nakasuot na siya ng kaniyang three pieces suit na kulay itim. Dumeretso siya sa kusina para mag-almusal. Ganito lang ang routine niya tuwing umaga, pagkatapos kumain ay agad nang sasakay sa kaniyang kotse't pupunta na sa kompanya. Pagdating niya roon ay sumalubong sa kaniya ang kaniyang sekretarya, Caroline Silva. "Good morning, sir." "May I know my schedule for the day?" agad niyang tanong sa babae nang makaupo siya sa kaniyang swivel chair at agad ding binuksan ang laptop na nakapatong sa mesang kaharap niya. Binuksan naman ni Caroline ang dala-dala niyang tablet kung saan naglalaman ang mga schedules ni Barth. "You have an appointment with Ms. Dean Evangelista at 10.30 am, sir. And the rest was free as you have said yesterday," sagot ng sekretarya. Tumingin si Barth sa kaniyang sekretarya na biglang namula ang mga pisngi. Alam ni Barth na ganoon ang epekto niya sa bawat babaeng nakakaharap niya. "Cancel my meeting with her. I have an important things to do," aniya at muling ibinalik ang tingin sa laptop. "Noted, sir Veterano." Agad namang nagpaalam si Caroline upang makipag-usap kay Ms. Dean na cancelled na kanilang meeting. Naiwan namang mag-isa si Bartholomew Vanidestine o mas kilala sa pangalan niyang Barry Veterano. Inikot niya ang inuupuang swivel chair at humarap sa glass wall na kita ang syudad. Dahil nasa pinakamataas na parte siya ng kaniyang kompanya, kompanya na iilan lang ang tao dahil sa higpit nito. Tumayo siya't naglakad papalapit dito. Ang taas na ng kaniyang narating. Hindi na niya maalala ang araw kung kailan siya nakalaya sa kulungan dahil tulong ng isang tao ngunit hindi naalala pa rin niya kung papaano siya pinagmalupitan ng tadhana. Nang mga taong tumapon sa kaniya sa madilim na parte ng mundo. Tandang-tanda niya't gagawin niya ang lahat, maipaghiganti lang ang kaniyang pamilya. "You'll pay for everything. Higit pa sa ipinaranas niyo ang ipaparanas ko sa inyo." May butil ng luha ang bumuhos sa kaniyang kulay asul na mga mata. Mabilis niyang pinunasan iyon. Hindi dapat siya maging mahina sa ngayon dahil marami pa siyang mga trabahong dapat na tapusin. Mabilis siyang tumalikod sa glass wall at naglakad papalabas ng kaniyang pinto. Lahat ng mga bumabati sa kaniyang empleyado ay hindi niya pinapansin, maging ang secretary niya'y hindi na niya tinapunan pa ng tingin. Lumabas siya ng kompanya at agad na sumakay sa kaniyang itim na kotse. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan niya, ang taong tumulong sa kaniyang marating kung nasaan siya ngayon. "Barry." "Have you found him?" agad niyang tanong. "Yes. Same location. We're waiting for you, son." Hindi na siya muling sumagot pa't mabilis nang pinatay ang tawag. Nagmaneho siya nang mabilis nang sa ganoon ay mabilis siyang makarating sa lokasyon kung saan niya dinadala ang mga taong may kasalanan sa kaniya. Tatlo na ang kaniyang nahuhuli. Tatlo na ang kaniyang napatay, kung papaano pinatay ang mga katulong at ang pamilya niya ay ganoon din ang kaniyang ginawa. Kung papaano siya pinahirapan ng mga ito hanggang sa unti-unting sumusuko ang katawan niya at muntikan pa niyang ikamatay. Gagawin niya iyon sa mga taong may kasalanan ng lahat. Narating niya ang mansion, ang abandonong mansion ng mga Vanidestine. Rito nangyari ang lahat, dito nagsimula ang galit na mayroon siya, at dito niya mismo ipinapaalala ang hirap at sakit na pinagdaanan niya. Pumasok siya sa loob at natagpuan sa first floor, sa kanilang living room na bahid pa ng mga dugo ang nagkalat sa sahid. Naroroon ang kanilang mga tauhan, ang lalaking nagngangalang Gideon Veterano, ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan niya at kaibigan ng kaniyang ama. Naroroon din nakatali ang isang naka-unipormeng puli at nakatakip ng sako ang kaniyang ulo. Lumapit ang dalawang tauhan ng kanilang grupo at hinawakan ang lalaking may takip ang ulo. Nagpupumiglas ito ngunit walang nagagawa kundi ang manahimik dahil alam niyang sa oras na manlaban siya'y ikamamatay rin niya. "SINO KAYO?!" sigaw nito nang tanggalin ang nakabalot sa kaniyang ulo. Tumingin siya sa harapan niya kung saan nakatayo si Bartholomew Vanidestine o mas kilala na sa pangalan niyang Barry Veterano. "Remember me?" tanong ni Barry. Umigting pa ang kaniyang panga habang masamang nakatingin sa pulis na kasama noon sa pagpaslang sa kaniyang mga magulang. "B-Bartholomew?" "Yes, Chief Ethan Bermudes. Are you happy that you're in your position now? Masaya ka ba na kaya ka napunta sa position mo ngayon ay dahil sa pagpatay sa mga magulang ko at pagpapahirap sa akin?!" Nag-unahan sa pagbuhos ang mga luha ni Chief Ethan. Natatakot siya dahil wala siyang kalaban-laban. Higit na nasa isang daan ang nandito sa mansion habang mag-isa lang siya't nakagapos pa. "M-Maawa ka, Bartholomew. N-Nagawa ko lamang iyon dahil malaki ang ibinigay na pera sa amin. M-may sakit noon ang anak ko kaya ako kumag–" "Shut up! Ayokong marinig ang paliwanag mo. Natatandaan mo pa ba kung papaano nagmakaawa noon ang mga pinaslang niyo?!" Mabilis na binunot ni Barry ang kaniyang baril at itinutok sa pulis. "You're a f*cking heartless! Makarinig lang kayo ng pera ay nanlalaki na ang butas ng inyong mga tainga! I will never have mercy on you!" Isang mabilis na pangyayari. Sunod-sunod niyang pinaputukan ang pulis, mula sa ulo nito hanggang sa kaniyang puso. Naubos ang bala ng baril bago siya tumigil. Pumalakpak si Gideon na kanina pa nanonood. Lumapit siya kay Barry at tinapik ang kaniyang balikat. "You're finally improving, son. Huwag kang mag-aalala. Unti-untiin natin silang uubusin. They will pay for everything they've done."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook