AMARA ROBLES POINT OF VIEW
Alas-kuwatro pa lang ay gising na ako. Maaga kasi akong gumigising sa araw-araw. Kailangan, eh. Hindi kami mayaman at tanging ang flower shop lang ang negosyo naming dalawa ni Papa.
"Good morning, Papa!" pagbati ko nang makapasok ako sa kusina. Nagkakape na si Papa habang may binabasang diyaryo sa kaniyang kaliwang kamay.
Ibinaba na muna niya ang binabasa at tumingin sa akin. "Good morning, 'nak. Kumusta ang tulog mo?"
Dumeretso ako sa mga lalagyan ng mga baso at kumuha ng tasa. Kinuha ko ang puting tasa na palagi kong tinitimplahan ng kape. Kumuha rin ako ng kutsara at saka ako lumapit kay Papa.
Nagtimpla na rin ako ng kape at naupo na sa harapan ni Papa.
"Maayos naman po, 'Pa. Ang ganda nga ng panaginip ko. Napanaginipan ko na ikinakasal ako sa isang guwapong lalaki," sabi ko. Nangalumbaba ako at kumislap-kislap ang mga matang nakatingin sa kisame ng aming kusina.
Napanaginipan kong may lalaking lumuhod sa harapan ko at niyaya akong magpakasal. Ang guwapo niya dahil sa mga asul niyang mga mata tapos ang macho pa.
"Ikaw, Mara. Wala munang boyfriend-boyfriend na 'yan." Sumimangot ako at saka muling humarap kay Papa.
Binabasa na nitong muli ang diyaryo at para bang ang seryoso niya sa mga oras na ito. Ganito naman palagi itong si Mr. Robles. Simula nang mamatay si Mama ay palagi nang seryoso ang kaniyang mukha. Minsan ay malalim ang kaniyang iniisip.
"Ano po 'yang binabasa mo, Pa?" Ibinigay niya sa akin ang diyaryo kaya agad ko itong binasa. “Five years ago. m******e? Vanidestine m******e?” Inangat ko ang tingin at muling ibinalik iyon kay Papa.
"Kung saan nagtatrabaho ang mama mo noon. Sa Vanidestine mansion kung saan nangyari ang m******e. Malaya na ang suspect," sabi ni Papa.
Alam ko ang tungkol sa m******e pero hindu ko alam na malaya na pala ang suspect. Malakas ang t***k ng puso ko dahil sa galit. Mahigpit kong nahawakan ang tasa sa kamay ko't hindi alintana ang init na nagmumula roon.
Galit ako sa mga mamamatay tao. Mga wala silang puso. Hindi man lang nila naisip na may pamilya ang mga pinapatay nila? Dapat silang mabulok sa kulungan at pagbayaran ang lahat ng kanilang ginagawa.
Hanggang sa makarating ako sa flower shop ay hindi nawala sa isipan ko ang paglaya ng suspect sa m******e na iyon. Dalawang taon na rin pala itong malaya, bakit ngayon ko lang nalaman? Ang mas nagpapagulo pa sa isipan ko ay kung bakit wala man lang itong litrato nang sa ganoon ay kapag nakita ko siya'y hihilain ko siya ulit pabalik sa kulangan.
"Miss, are you okay?" Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang kaharap ko.
Mabilis akong napakamot sa aking batok nang maalala kong may trabaho pa pala ako. "P-Pasensiya na po," sabi ko at pinagtuunan na nang pansin ang mga bulaklak na ipinapa-arrange niya.
Ito ang trabaho namin ni Papa. Dito kami kumukuha sa pang-araw-araw naming pera, sa mga gastusin sa bahay at sa pagbabayad ng buwan-buwang utang namin. May utang kami sa isang mayamang kompanya para sa pagpapagamot noon kay Papa.
Noong una ay okay lang naman ang kita. Mas malaki rin ang naibabayad namin sa utang dahil nabubuhay pa noon si Mama. Malaki ang sinusuweldo nito sa mansion ng mga Vanidestine dahil mababait silang tao ngunit hindi namin inaasahan ang nangyaring iyon.
Pero dahil sa pagkawala ni Mama. Mas lalong nadagdagan ang utang namin dahil sa mga naging gastos noon. Muntikan pa ngang atakihin sa puso si Papa.
Twenty years old lang ako noon at apat na taon na ang lumipas nang mangyari ang insidente. Hindi ko aakalain na madadamay ang mama ko. Kaya malaki ang galit ko sa suspect na gumawa sa karumaldumal na krimeng iyon.
Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nakalaya ito? Dapat ay pang habang-buhay ang pagkakakulong sa kaniya. Huwag bigyan nang pagkakataon na makapagpiyansa. Pero hindi ganoon ang nangyari. Malayang-malaya na ito ngayon.
"Tapos na po," sabi ko nang matapos ko ang pag-a-arrange sa mga bulaklak. Iniabot ko iyon sa lalaki na agad naman niyang binayaran. "Maraming salamat po!"
Agad na rin siyang lumabas ng shop. Kaya naiwan naman akong mag-isa habang tumunganga't nakatingin sa mga bulaklak na naka-dislay rito sa loob.
"Hayst! Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?" tanong ko sa sarili ko nang muli ko na namang maalala ang naging panaginip ko. Isang lalaki na may kulay asul ang mga mata. Matangos ang ilong at napakaganda ng hugis ng kaniyang labi.
Twenty-four na ako ngunit hindi ko pa rin nararanasan ang pakiramdam ng may boyfriend. Lahat ng mga kakilala kong babae sa subdivision namin ay may mga boyfriend na. Iyong iba nga, fifteen pa lang ay may asawa't anak na. Samantalang ako, single at hindi pa rin pinapayagang mag mingle.
Si Papa Hector kasi ay strikto. Gusto niya na maging maayos na muna ang buhay namin bago raw ako mag-boyfriend. May iaayos pa kaya itong buhay namin ngayon? Halos buwan-buwan ay interest lang nung utang namin ang nababayaran namin? Ni hindi man lang nababawasan ang sampong milyon?
Hindi rin ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang high school lang dahil hindi na kaya ng pera namin ang pang-college ko. Gusto ko pa naman sanang maging police o hindi kaya'y flight attendant. Pero wala, nang maka-graduate ako ng high school na muntikan pang hindi mangyari dahil hindi rin namin kayang bayaran ang graduation fee. Dito na ako namalagi sa flower shop. Tinulungan ko si Papa at nag-practice maging isang flower arranger.
Umayos ako ng tayo nang marinig ko ang pagbukas ng glass door ng shop. Nang tumingin ako rito'y agad na nagtama ang paningin namin ng lalaking pumasok sa loob.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. At tila ba, lahat ng mga bulaklak dito sa loob ay nagsasaya. Nakasuot siya ng itim na three pieces suit at may itim din siyang suot-suot na sunglasses.
Napahawak ako sa counter dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Ano itong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan? Ang bilis ng t***k ng aking puso sa mga oras na ito.
"Miss?" Nakatulala lang akong nakatingin sa kaniya. Para siyang masarap na pagkain na nakakapanglaway.
"Ay shet!" Mabilis akong umayos ng tayo at kinuha ang tissue na hindi ko alam kung saan galing. Pinunasan ko ang laway na tumulo na pala sa bibig ko at tumingin sa kaniya.
Ipinalo kasi nito ang kamay sa counter kaya napabalik ako sa reyalidad. Nakakahiya! Naglalaway ako sa harapan niya na parang aso. Biggest turn off tuloy iyon sa mga lalaki.
"I thought you're a fountain. Tao ka pala," anito. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko itinapon sa basurahan dito sa puwesto ko ang tissue paper.
"Ano pong kailangan nila?" Imbes na patulan ko ito'y nagtanong na lang ako. Naniniwala kasi akong costumer is always right. Pero kung alam mong mali na ang costumer, suntukin mo ng kaliwa mong kamay.
"A bouquet of tulips," sagot nito. Nakatingin siya sa mga naka-dislay nang mga bulaklak.
"R-Right away, sir!" kinakabahan ngunit may sigla kong sabi. Lumabas naman ako sa counter at nilapitan ang mga tulips na malapit sa mga white roses. "Ano pong mga kulay ang gusto niyo?"
Lumingon ako rito. Nakatingin pala siya sa akin kaya mabilis akong humarap sa mga bulaklak. Bakit ba kasi siya nakatingin? At saka bakit ba ako kinakabahan?
"It's up to you, as long as the arrangement will be beautiful." Tumango lang ako at kumuha na ng mga bulaklak na gagamitin ko.
Nang makuha ko ang mga kailangan ko'y agad akong bumalik sa counter. Napadaan ako sa harapan niya at hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang mabango niyang amoy. Mamahalin iyon. Sa itusra pa lang kasi niya'y mukhang mayaman na.
"S-Saan niyo po gagamitin, sir?" tanong ko habang kinukuha ko ang mga gagamitin ko.
"I didn't know na hindi ka lang pala fountain. Tsismosa ka rin pala?" Dahan-dahan akong bumaling sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Para ho kasi alam ko kung anong style ang gagawin ko. Malay ko po bang sa babae niyo ibibigay tapos ang nagawa ko ay para sa patay?!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi lang ito costumer ay baka kanina ko pa nasaksak nitong hawak kong gunting, eh. Kanina pa kasi pa ako naiinis.
"Just do whatever you like. It doesn't matter what style you'll do," aniya at umiwas ng tingin.
Umirap na lang ako't sinimulan ko na ang trabaho ko. Kumuha ako ng puting pambalot sa mga bulaklak. Seryoso kong ginagawa ang trabaho ko at hindi ko na lang pinansin ang costumer na tumitingin na sa kabuuan nitong shop.
Natuwa ako nang makita ko ang finished products ng gawa ko. Maganda ang pagkakabalot ko at bagay na bagay ang ginamit kong pambalot sa iba't ibang kulay ng tulips. Nami-miss ko tuloy si mama dahil paborito niya ang bulaklak na ito.
"Done!" sabi ko at nakangiting ipinakita iyon sa lalaki.
Inalis niya ang suot na sunglasses at nagulat ako nang makita ko ang kulay ng kaniyang mga mata. Asul. Ang ganda nag kulay nito na parang isang malinaw na dagat at nag-re-reflect ang asul na langit.
"Here. Keep the change," sabi niya sabay abot ng isang libo ng pera at kinuha na ang binili niya.
"S-Salamat po," sabi ko.
Bago ito umalis ay tumingin muna siya sa akin. Deretso sa aking mga mata. At dumoble na naman ang t***k ng aking puso.
Sino ang lalaking iyon?