THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 16 THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW. Nagtaka si Mr. Robles nang makita ang anak lulan ng isang itim na kotse, kaya agad siyang lumabas ng kanilang gate at pinuntahan si Amara na kakalabas lang nito sa kotse. Naghintay siya hanggang sa makalapit ang anak sa kaniyang puwesto. “Saan ka galing at sino ang kasama mo?” agad nitong tanong gamit ang seryosong boses. Tumingin siya sa likuran ng anak kung saan lumabas din sa kotse si Mr. Veterano, na kanilang suki sa shop. “Si Sir Barry po, ‘Pa.” “Good afternoon, sir,” pagbati ni Mr. Veterano sa kaniya at tinanguan lang ito ni Mr. Robles. “Mara, pumasok ka na muna sa loob,” seryosong niyang saad habang nakatingin kay Mr. Veterano. Nagpaalam lang si Mara sa lalaki at agad nang pu

