1
-Daniella
"Sure, I'm on my way." I ended the call then walked out of the house. Napabuntong-hininga ako dahil nang makarating ako sa kanto, nadaanan ko na naman iyong mga tambay na laging nag-aabang sa akin para makita ako kapag papasok na ako sa school.
Narinig ko ang sabay-sabay na pagpito ng mga ito kaya naiikot ko ang mga mata ko kasi natatangahan ako sa kanila. They have no life. From day to night, all they do was to just hangout on the exact same spot where they are sitting nang madaanan ko sila — sa staircase ng health center. Paano ko nalaman? Dahil kapag aalis ako, naruon sila at pagkauwi ko, nanduon pa rin sila. At kapag walang pasok, nakikita ko sila ruon palagi kahit tanghaling tapat.
Look, I'm not assuming or whatever. Hindi ako feeler because I know that they like me – in a not so pleasant way. I wouldn't even be surprised if each and every one of them had raped me numerous times inside their dirty minds.
Boys are really disgusting.
But not him, of course.
A smile crept up to my face when I pictured his face in my mind. I covered my face with both of my hands while walking to hide my hyena-like smile. Gosh. Why can't I help but smile when I think of him? Do I really love him this much?
Oh, you know what the answer is, my dear Daniella.
I dismissed the thought by shaking my head and headed to the bus stop. Stop smiling like an idiotic hyena, Daniella. Baka mapagkalaman ka na namang baliw ng mga makakasabay mo sa bus. Calm your hormones, okay? Hintayin mo na makauwi ka bago ka tumili nang tumili.
Pagkapasok ko sa gate ng school, nakita ko kaagad si Gian, or Ian kung tawagin ko — minsan. Binuksan ko ang bag ko para sa inspection na gagawin ng guard and then after that, nilapitan kaagad ako ni Gian habang nakangiti kaya nginitian ko rin ito.
He kissed me on the cheek then looked at me in the eyes. He really has cool eyes. "Okay ka na?" As I've heard him asked that, napansin ko na napatingin ang ibang nakarinig sa tanong niya nang madaanan kami kaya mas lalo akong napangiti kasi mukha silang tanga. Tumango ako saka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang free hand ko. "Sigurado ka? Baka mamaya, masama pa pakiramdam mo."
"Don't worry, I'm okay," nakangiting sagot. Napansin ko na medyo nabawasan ang pag-aalala niya dahil parang nagliwanag ang mukha niya. Not literally, okay? "My fever went down since yesterday kaya I assure you, I'm a-okay." Inilibot ko ang paningin ko para i-scan kung may pamilyar bang mukha pero medyo nadismaya ako kasi ang nakita ko lang, iyong mga taong nakatingin sa amin. Some of them are obviously jealous and most of them, specifically the girls, halatang naiirita sa eksenang ginagawa namin rito sa gilid ng lobby.
Insecurity nga naman. Palibhasa, mga pangit.
"Glad to know that." Kinuha niya sa akin iyong isang book na dala ko tapos iyong isang kamay niya, ipinang-ayos niya sa pagkakasabit ng bag sa balikat niya bago niya hinawakan ang kamay ko. "Let's go. Baka maunahan ka na naman ng mga classmate mo sa favorite seat mo."
I nodded bago ko pinisil ang kamay niya. Napangiti lalo siya bago naglakad kaya napasunod na ako. Napabuntong-hininga ako habang umaakyat kami. Good thing naman at hindi niya narinig kasi naka-focus siya sa pag-akyat.
"Daney!" Napatigil ang lalakeng papasok pa lang sa room dahil sa pagtawag ko saka ito tumingin sa direksyon ko pagkaayos nito sa suot na reading glasses. I beamed at him saka ko isinway iyong kamay ko na hawak ni Gian kaya pati iyong kamay nito, nadamay. Ngumiti naman ito saka humarap sa direksyon namin para hintayin ako makalapit. "Good morning," nakangiting bati ko pagkalapit namin rito.
"Dan," Napatingin ako kay Gian nang tawagin niya ako pero iyong tingin niya, nakay Dane. Itinuon niya rin naman kaagad sa akin ang atensyon niya kaya nagkatinginan kami. Ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo bago niya ibinigay sa akin iyong libro ko na binuhat niya kanina. "Balik na ako sa room namin, okay? May oras ka pa naman para magpahinga since mamaya pa iyong first subject mo kaya magpahinga ka kung hindi pa okay iyong pakiramdam mo. At kapag kailangan mo ako, tawagan mo lang ako." Hinawi niya iyong buhok na humaharang sa mukha ko saka bumuntong-hininga habang nakangiti pa rin. "I love you."
I can say that he really loves me. By way his eyes sparkle when he's looking or talking to me? Malalaman talaga kaagad na mahal niya ako. There's no doubt about that.
"I love you, Ian. Now, you better get going. Baka ikaw naman ang ma-late dahil sa paghatid mo sa akin. Sa kabilang building ka pa naman." Tumango siya saka kami tinalikuran at naglakad papalayo.
Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang masamang tingin na itinapon niya kay Dane kaya hindi ko maiwasang mapailing. Nagseselos na naman siya. Napakaseloso talaga niya. May lumapit lang na lalake sa akin, sasamaan niya na ng tingin.
"DC, how many times—"
Alam ko na iyong sasabihin niya kaya I immediately cut him off. "Times have you told me to stop calling you Daney?" Umarte ako na parang nag-iisip at nagkunwaring naisip na iyong sagot matapos ang ilang segundo kaya nag-snap ako. "Since we were third year high school pa?" Sinimangutan niya ako kaya kinuha ko iyong glasses niya pero hinablot niya iyon pabalik. "Oh, come on, Daney. How many times have I told you rin ba na hayaan mo na lang ako? Ang cute kaya ng Daney kasi para pangbata. It really suits you." I couldn't fight the urge to pinch his cheek nang mag-pout siya kaya ginawa ko. "You know that I love you a lot kasi best friend kita, right? And you love me as well kaya hayaan mo na ako."
He's really an Eru. Ang cute-cute niya. Kamukha niya si Tito kaya nagtataka ako kung bakit tinatawag siyang pangit, eh, ang guwapo-guwapo kaya ni Tito. He's an artist and a model for Pete's sake. With Tito and Tita's genes, it's impossible na pangit siya kaya nagtataka talaga ako kung bakit ganuon na lang siya asarin ng iba.
Is it because he's thin? Kasi ang katawan niya, parang isang bulate na lang ang kailangang pumirma para bumigay na. Bakit kasi ayaw niya kumain ng healthy foods? Lagi namin siyang pinagsasabihan pero wala pa rin. He's such a hard-headed guy.
He grunted then turned his back on me. "Fine."
Sumabay na ako sa kaniya papasok habang nakangiti and we settled on our favorite seat. Ako, sa tabi ng bintana sa pinakadulo at siya naman, sa tabi ko. Good thing naman at kami pa lang ang tao kasi kung nagkataong may naunang pumasok sa room, baka may pumwesto na sa puwesto ko. And it is way too early kaya alam kong wala pang papasok ngayon.
Nang makaupo na kami, inilagay ko sa armchair iyong bag ko saka ko kinuha iyong reading glasses ko na walang grado – faux glasses. Isinuot ko ito saka ko siya kinalabit habang nakangiti kaya napatingin siya sa akin. "Do I look okay? Bagay ba?"
Iyong kilay niyang salubong, naghiwalay habang unti-unti siyang ngumingiti. "Buti ka pa, ang cute mo tingnan kapag may glasses." He reached for my glasses saka niya ini-adjust para maayos na ang pagkakasuot ko. Nang maayos na ito, umayos na ulit siya ng upo pero nakaharap pa rin siya sa akin.
"Anong pinagsasasabi mo na buti pa ako? Hello? Mas cute ka kaya."
"I'm not cute. Gwapo ako," nakasimangot na sinabi niya saka humalukipkip.
Hindi pa siya cute sa itsura niya ngayon, ha? Para siyang batang nagtatampo kaya ang sarap-sarap kurutin ng magkabilang pisngi niya. He really reminds me of Tito Uno. Kapag nagtatampo kay Tita Aira, ganiyang-ganiyan rin ang itsura.
"You're both. Cute and guwapo. Naks." Sinundot-sundot ko iyong pisngi niya but still, hindi pa rin siya ngumingiti. Hindi bale, mapapangiti ko rin siya.
"Yeah, guwapo ako pero cute? I'm absolutely not. Hindi mo ba alam that the word cute is addressed for animals? What am I? Some sort of an animal?" he asked, sarcastically.
Sinabi niya kanina, cute ako so ano rin ako? Hayop? Ang kulit niya talaga.
"Hayop sa ka-cute-an." I answered then laughed. Unti-unti, iyong simangot niya, napalitan ng ngiti habang umiiling siya. Kinuha niya iyong suot kong reading glasses saka niya isinuot pagkaalis niya ng kaniya. He even made funny faces kaya napangiti ako. "Hindi ka pa rin marunong mag-ayos ng buhok." sermon ko nang makita ko iyong buhok niya saka ko inilapit sa upuan niya iyong inuupuan ko tapos sinimulan kong ayusin iyong buhok niya gamit lang ang mga kamay ko. After a few strokes, tumigil ako sa pag-aayos nito nang may marealize ako. "But you know what?" Ginulo ko ulit ito kaya kinunotan niya ako ng noo. "Mas bagay sa iyo iyong ganiyang style since singkit ka. Bed hair style. You look good." He just smiled at me, faintly, saka ibinalik sa akin iyong salamin ko. What's his problem?
Kukulitin ko sana siya at tatanungin kung may problema siya pero pumasok na iyong grupo ng mga babae na lagi akong pinaparinggan. Their pack consist of four bitches pero kahit na apat sila, wala naman akong pakielam kasi hindi nila ako magawang inisin kahit minsan.
At saka, bakit ang aga nila? Binalak na naman siguro nilang agawin itong puwesto ko.
"Tignan mo nga naman," entrada ni Shaina pagkalapag niya ng bag niya sa upuan na malapit sa pintuan. "Hanggang ngayon, silang dalawa pa rin ang magkasama." Tinapunan niya muna ako ng tingin saka umupo habang nakangisi. "And it looks like na naglalandian na naman sila behind someone's boyfriend's back."
Talk all you want. As if naman na may pakielam ako.
"Yeah. Mga malanding freaking loner," matawa-tawang sinabi ni Dana saka umupo sa tabi ng pack leader na si Shaina.
"May mga tao talagang sayang kasi sa maling tao nakikipagkaibigan," maarteng pagkakasabi ni Kathleen bago umupo sa harapan ng pack leader.
"I super agree. Like, what the hell, hindi ba? That person is pretty popular sa buong univ pero sa isang lame-o pa sumama," mas maarteng pagkakasabi ni Kayla. "Oh, I don't know. Maybe she's milking him kasi sikat ang parents."
"I don't even get it kung bakit pinatulan siya ni Gian." Shaina wore a disgusted face then shivered, which I know was only an act. "Oh, my god."
"What?" sabay-sabay na tanong ng tatlong niyang kasama.
"Daney," pagkuha ko sa atensyon ni Dane dahil napansin ko na natahimik siya. Nakakaramdam na naman siya ng discomfort na madalas niyang makuha sa ibang tao pero ngayon, I know it's because of these bitches. "Did Tito Uno cook for us? Nagugutom na ako." I clutched on to my stomach dahil seryoso, nagugutom na ako. Hindi kasi ako nakapag-breakfast dahil ayokong kumain sa bahay.
I prefer Tito Uno's cooking than my own mother's.
He looked at me saka bahagyang ngumiti. Akmang kukuhanin niya na iyong pagkain sa bag niya pero natigilan siya nang marinig namin iyong sinabi ni Shaina.
"Baka kasi magaling sa kama."
Sabay-sabay na oa na reaksyon ang ginawa ng tatlo then threw me a look.
I should be the one who should throw them a look dahil by the way they talk and act, baka sila pa ang magaling sa kama. But since I'm cool, I wouldn't bother. Wait. Cool people don't label themselves cool; it's should be the others so I'll stop labeling myself cool because that's not cool.
"Who knows?" nakangising sinabi ni Dana saka ako hinead to foot kahit pa nahaharangan ng mga upuan ang halos kahating parte ng katawan ko dahil nakaupo ako at nasa malayo sila. "Baka nga. Bali-balita pa man rin sa buong na univ na lahat ng nagiging girlfriend ni Gian, ikinakama niya."
"Like eew," eksena ni Kayla. "Super eww kasi marami na siyang naikama pero hindi eew si Gian, ha? I haven't tasted him pero I know na super yummy niya."
Nang tignan ko sila, nagtagpo ang mga mata namin ni Kathleen. Nakangisi siya while me, straight-faced lang dahil wala naman akong mapapala kung papansinin ko sila.
"Siguro kaya super friends sila kasi they can't get enough of each other since they're friends... with benefits."
Okay, I've had it. Now, I'm pissed. This is the first time they got me pissed and I'm going to give them a reward I'm sure they will never forget. Sobra na. They crossed the line dahil hindi komportable si Dane kapag mga ganiyang bagay ang pinag-uusapan. Kung hindi niya binanggit iyon, hindi mapuputol ang police tape sa utak ko pero dahil binanggit niya, parurusahan ko sila.
"Grabe! Super eew!" I stood up, ignoring Kyla. "I can't believe na papatol na lang siya, sa loser pa na iyon. He's so not yummy, right? Kitang-kita naman." Then she threw Dane a disgusted look. "Hindi ko ma-imagine kung paano siya naging anak ng mga taong iyon. Those people are like, super perfect at siya naman, super wrong."
I took a step forward pero hinawakan ni Dane ang kamay ko kaya napatigil ako't napatingin sa kaniya. Umiling siya and he's looking at me, pleading na huwag ko nang patulan. Alam na alam ko na talaga kung anong gusto niyang sabihin, sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata niya, kahit hindi pa siya magsalita.
"Yeah, para siyang iyong cracker na Super Thin."
"And unlike Super Thin, he's so not in."
I softened my expression and smiled at him then fetched my bag. "Daney, let's go." He hesitated at first but he got up and took his bag. Hindi ko binitawan iyong kamay niya hanggang sa makalabas kami. At nang makalabas na kami, binitawan ko iyong kamay niya kaya napatingin siya sa akin. "Gusto kong tumayo ka lang riyan—"
He cut me off because he knew what I was thinking. Ganuon talaga kami ka-close. "DC, they're not worth it."
Pumikit ako at huminga ng malalim dahil sa pagpipigil ko ng inis. Kung ano-ano kasi ang patuloy na naririnig ko sa loob ng room namin. Mabuti sana kung ako lang ang pinariringgan nila ng mga bagay na walang namang katotohanan. Okay lang sa akin iyon pero idinadamay na nila si Dane.
Wala akong masamang ginawa o ginagawa, ha? Pero ever since first year college, wala na silang ibang ginawa kung hindi ang magparinig nang magparinig sa akin but what did I do? Hinayaan ko lang kasi alam ko naman kung ano ang totoo, at sinasabi ni Dane na huwag ko nang patulan, na I don't have to stoop down to those bitches' level dahil insecure lang ang mga iyon sa akin. Sa tatlong taon na nagdaan na namalagi kami rito, hindi nila isinali si Dane pero ngayong idinawit nila, hindi ko na palalagpasin iyon.
Hindi ko rin kasalanan na iniwan sila ng mga syota nila para sa akin dahil maganda ako at pangit sila. Ang galing nga, eh. Parang nabuo pa ang samahan nila dahil lang sa galit nila sa akin; galit dahil ang mga lalake sa school na ito, sa akin nagkakagusto at hindi sa kanila.
Puwede nilang laitin iyong ibang taong malapit sa akin pati na ako dahil wala namang akong pakielam pero ibang usapan na kapag si Dane na ang ginulo nila.
"I know," sinabi ko pagkamulat ko sa mga mata ko. I smiled at him then handed him my bag. "But you're worth fighting for." Itinulak ko siya kaya napaatras siya saka ako dali-daling pumasok sa classroom. At bago pa man siya makapasok sa loob, ini-lock ko na iyong pintuan kaya ang nagawa niya na lang ay ang tawagin ako mula sa bintana habang kinakatok iyong pintuan.
"DC, lumabas ka riyan," pakiusap niya pero hindi ko na lang inintindi.
I looked at the pack of bitches and they're all raising a brow while looking at me. "Alam niyo," I turned my back on them then sat on the teacher's desk in front. "Hindi niyo na sana siya isinama."
"DC, please!"
"Bakit?" Tumayo si Kathleen pati si Shaina pero nanatiling nakaupo iyong dalawa pa. "Tama ba kami?" Ngumisi siya saka ako nilapitan. "Siguro nga, ikinakama ka ni Gian kasi girlfriend ka niya. And everybody knows that Gian always does all the girls he had a relationship with. And oh," She acted shocked saka itinapat iyong kamay sa bibig niya. "Tama rin ba ako? Totoo ba na you and that thing over there are friends with benefits?" tanong niya habang nakaturo kay Dane, na mukhang hindi na alam ang gagawin at kabadong-kabado na habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. "Oh, my god." Nilingon niya iyong tatlong kaibigan niya saka tumawa. At saktong pagkabalik niya ng tingin niya sa akin, tumama sa mukha niya iyong sapatos na hinubad ko dahil sa ginawa kong paghampas nito nang lingunin niya ang mga kaibigan niya kaya natumba siya.
Sayang, hindi tumama iyong takong sa mata niya. Bakit sa noo lang?
"Kath!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo tapos nilapitan nila si Kathleen, na hawak na ngayon ang mukha.
"DC, ano ba?! Please, stop! Baka mahuli ka ng prof natin, eh!"
Huwag mo munang pansinin si Dane, Daniella. You're here to avenge him kaya ignore him for a while dahil tuturuan mo pa ng leksyon ang mga gagang ito.
"How dare you?!" sigaw ni Shaina habang nakatingin ng masama sa akin.
Hindi ko siya pinansin saka ako bumaba sa table pagkasuot ko ng sapatos ko then, like a happy little kid, I skipped my way at the back of the room, where the brooms are located. Kumuha ako ng isa saka ko hinawakan iyong base para magamit ko sa kanila iyong hawakan nito. Nang iniangat ko ang ulo ko para tignan sila, napangisi ako kasi lahat sila, parang nagtataka kung bakit may hawak akong walis.
Stupid bitches.
Then again, I skipped my way and sat at the teacher's desk.
"DC, please naman, oh?" mahina at parang maiiyak na pakiusap ni Dane kaya napatingin ako sa kaniya. May ilan na ring estudyante na nakasilip sa bintana, siguro dahil nagtaka sila kung bakit ganuon umakto ang kaibigan ko.
Dane, please don't cry.
"This'll be over in a minute," nakangiting sinabi ko sa kaniya saka ko ibinalik iyong tingin ko sa mga parurusahan ko. Pero saktong pagkatingin ko, nakita kong palapit na si Shaina kaya inihampas ko sa balikat niya iyong hawakan ng walis.
She's lucky at mabait pa ako dahil kung hindi, baka sa ulo ko pinatama iyon. Kating-kati pa naman ako na basagin iyong bungo niya.
"DC!"
Ignore him, Daniella. Ignore him. Para sa kaniya itong ginagawa mo so ignore him. These bitches deserve to get their reward for being a b***h so you have to give it to them.
"So, who's next? Girls?" kalmadong tanong ko habang tinitignan iyong tatlong nagkukumpulan sa gilid ng pinto dahil iyong isa, nakaupo na sa pinakagitna ng room. "C'mon, don't you guys want to get your prizes?" tanong ko na may bahid ng pang-aasar sa tono. Napabuntong-hininga ako dahil hindi man lang sila umimik saka ako bumaba para lumapit sa kanila. "Ang dapat talaga sa iniyo, pinarurusahan. You bitches are naughty."
"DC!"
Napahinto ako sa paghampas ng walis kay Dana nang marinig ko ang pagkabasag ng boses ni Dane nang tawagin ako. Pagkatingin ko sa kaniya, kahit nakasalamin pa siya, napansin ko na malapit na siyang umiyak kaya nanglambot ako. I hate it when he cries. Binitawan ko iyong walis saka ko isinuklay iyong kamay ko sa buhok kong nagulo tapos tinignan ko ulit sila. "Sa susunod, huwag niyo na siyang isama sa mga kagagahan niyo, ha? And you bitches should thank him because if it wasn't for him, I might have beaten the hell out of you, you makeup sissies." I shrugged, walked towards the door then opened it.
Nilapitan kaagad ako ni Dane pagkalabas na pagkalabas ko saka niya hinawakan iyong kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti kasi alam ko na natakot siya dahil pinag-alala ko siya. "Hindi mo dapat ginawa iyon."
"They deserve it, Daney." Gamit iyong free hand ko, dinukot ko iyong panyo sa bulsa ng pants ko tapos tinanggal ko iyong salamin niya, with the same hand, then placed it to my uniform saka ko pinunasan iyong gilid ng mga mata niya. "You are such a crybaby," matawa-tawang sinabi ko.
Kinuha niya sa uniform ko iyong salamin tapos isinuot niya ito. Kinuha niya rin iyong panyo sa akin saka pinunasan iyong gilid ng mga mata niya bago niya tinignan iyong mga estudyanteng nanunuod sa amin at iyong mga babaeng naiwan sa room. Nang matapos niyang tignan ang gusto niyang tignan, ibinalik niya na sa akin ang atensyon niya. "Paano kung mapatalsik ka dito dahil sa ginawa mo? DC, you shouldn't have done that. Graduating tayo; baka matanggal ka pa."
"I just wanted to defend you—"
"Hindi na kailangan." Bumuntong-hininga siya saka isinuklay iyong kamay sa buhok. "Paano ka na ngayon niyan kapag nalaman ng—"
"Walang mangyayari sa akin. Promise. Kaya tara na," Tinignan ko iyong wristwatch niya and saw that we still have 20 minutes bago mag-first subject. "Kainin na muna natin iyong pagkain na iniluto ni Tito." Lumapit ako sa bag namin na iniwan niyang nakasandal sa pader bago ko tinignan iyong mga estudyanteng kanina pa nanunuod sa amin, or sa akin. "Anong kailangan niyo?" I asked, without showing any signs of emotion. Isa-isa silang umiling saka nag-alisan. I faced Dane then flashed a smile. "Let's go?" Iniabot ko sa kaniya iyong bag niya tapos hinawakan ko iyong free hand niya saka ko siya hinila pababa dahil nasa ground, apparently, ang cafeteria.