MULING PAGKIKITA

2221 Words
Nasa kasarapan pa ng tulog si Harrieth ngunit naririnig niya ang malakas na boses ng kaibigang si Rose, hula niya ay may kausap ito sa telepono. Ngunit ang ipinagtataka niya, bakit parang umiiyak ito? "Ito namang si Rose, akala mo laging nakikidigma kapag may kausap sa telepono, ang lakas ng boses, inaantok pa nga ako..." maktol niya. Napuyat siya sa kakabalik-tanaw kaya naman kulang siya sa tulog at pahinga. "Harrieth, please wake up..." tawag sa kanya ng kaibigan kasabay nang marahang pagyugyog nito sa kanyang balikat.  "Hmmm?" ungol niya. "Please give me five more minutes, Rose... I'm still sleepy," dugtong niya. "No, you can't. You have to go back to Cagayan, right now!" sagot nito sa garalgal na tinig. "Mamaya pa ang flight ko," sagot niya. Hinila niya ang kumot at itatalukbong sana ngunit hinila iyon ng kaibigan. "I'm sorry Harrieth, but, Don Modesto passed away a few hours ago, and you have to go back there as soon as possible." pagtangis ng kaibigan. Nang marinig ang mga salitang binigkas ng kaibigan ay awtomatikong lumipad ang antok ng dalaga. Tama ba ang narinig niya? O nananaginip lamang siya? Bumalikwas siya ng bangon at kinurot ang kaliwang braso, and it hurts, a lot. "W-what did you say, Rose?" gitlang tanong niya. Parang magigiba ang puso niya sa lakas ng pintig niyon. "He passed away, Harrieth. Stefano just called me to inform us about your lolo's passing. You might need to go home as soon as possible for his wake." "No, that's not true, he's still alive. He's waiting for me, right? He's not gonna leave this world without seeing me first!" umaagos ang mga luhang sambit niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng mga oras na iyon. Mas masakit pa sa paghihiwalay nila ni Stefano ang nararamdaman niya ngayon. "I'm sorry, Harrieth. But, he's really gone. And if you want to see him for one last time. You have to go now. They are preparing his body now for his wake." sagot ni Rose. "You don't have to wait for your flight. Stefano's private chopper will be arriving soon. They will pick you up, para makarating ka roon nang mas maaga." dugtong ng kaibigan.  "Rose... Rose..." pagtangis niya. "Rose, si abuelo... Totoo bang wala na si abuelo?" umiiyak niyang dugtong. Mahigpit siyang niyakap ni Rose bilang pakikiramay. Marahan nitong hinahaplos ang likod niya habang patuloy siya sa pagtangis sa balikat nito. "You have to calm down, they'll gonna pick you up in a bit. Hindi ako makakasabay sa'yo pag-uwi mo doon dahil birthday ni Briggs sa sunod na araw. But, I promise you, susunod ako sa'yo kapag okay na ang lahat dito," "Rose, hindi ko kaya... Why? Bakit hindi niya ako nahintay? Bakit?" aniya habang patuloy ang pagtangis. "Ang sakit-sakit, Rose..." hilam ang kanyang mga luha habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng yumaong matanda. She was never ready to face the reality that her lolo has already left her. Bakit ngayon pa kung kailan malapit na siyang umuwi. Bakit hindi siya nito hinintay? "Sige lang, iiyak mo lang 'yan. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Ang totoo, no one is ever ready to embrace the reality that no one is gonna live forever." "Abuelo..." saad niya. Muli siyang humiga sa kama at ipinagpatuloy doon ang walang humpay na pag-iyak. Wala na ang kaisa-isang tao na nagmahal sa kanya at tumanggap ng buong puso.  Hinayaan siya ni Rose na umiyak nang umiyak. Ang kaibigan niya ang nag-impake ng ilang pirasong damit na dadalhin niya sa pag-uwi ng Cagayan. Pagkatapos nito ay inalalayan siya na ayusin ang sarili dahil dumating na ang chopper na pag-aari ng pamilya Contreras. Durog na durog pa rin ang puso ng dalaga at namumugto ang kanyang mga mata.  Biglang sumikdo ang kanyang dibdib nang mapagsino ang piloto ng chopper. Kahit nakatagilid ang binata ay kilalang-kilala niya ito. She will never forget how Stefano sends shivers down to her spine sa tuwing makikita niya ang kagwapuhan nito. Ni hindi siya kumurap pagkakita muli sa binata, that man was used to be hers, but not anymore. She felt a sudden pain on her chest realizing that they already broke-up long time ago. "Ma'am Harrieth, alalayan ko na po kayo." untag ng isang lalaki na kasama ni Stefano. Nakalahad ang kanang kamay nito sa kanya, habang bitbit nito sa kaliwa ang maliit niyang luggage. Iniabot niya ang kamay nito at siniguro ng lalaki na maayos siyang makakasakay sa chopper. Palihim niyang sinulyapan ang dating kasintahan, ngunit hindi niya alam kung nakatingin rin ito sa kanya dahil hindi man lang ito lumingon sa kinaroroonan niya. Isa pa may suot rin itong sunglasses kaya hindi niya maaninag ang mata nito. Ni hindi nagsalita ang binata para batiin siya, nanatili itong blanko sa harapan niya. He seems to be so distant and cold. Which is odd, dahil sa pagkakatanda niya, si Stefano ang may atraso sa kanya at hindi siya. Hindi ba dapat siya itong nagtataray dapat ngayon? Gayunpaman, nagpasya na lang siyang manahimik dahil hindi iyon ang tamang oras para isipin niya ang sarili. Kakamatay lamang ng kanilang lolo at naroon siya para magluksa. Nagpasya ang dalagang ipikit ang mga mata habang nasa biyahe. Ayaw niyang makita si Stefano dahil mas lalong nadadagdagan ang sakit sa kanyang dibdib. Samantala, palihim naman na nakasulyap si Stefano sa dating nobya. Pagkakita niya pa lang sa dalaga ay gusto na niyang sugurin ito ng yakap at halik, ngunit nagpigil siya. God! He missed her so much! Her scent, her smile, her everything!  After all those years na sa TV at magazine lang niya ito nakikita ay ni minsan, hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Mas lalong tumingkad ang kagandahan ni Harrieth, kaya hindi niya maitatanggi na sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon pa rin ang pagtatangi niya para rito kahit limang taon na mahigit mula nang magkahiwalay sila. Nakasuot ang dalaga ng long sleeve white polo na tinernuhan ng above the knee na itim na palda. Sa pagkakaupo nito ay nakalantad ang maputi at makinis nitong mga hita na kung sinuman ang makakakita ay tiyak na maglalaway. Pasimpleng napalunok si Stefano sa nakita, biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Maka ilang ulit niyang ipinilig ang ulo para maitaboy ang masidhing atraksiyon niya sa dalaga na lumulukob sa kanyang pagkatao. Mahina niyang tinapik ang hita ng kasamahan nang mapansin niya na nakatitig rin ito sa hita ng dalaga. "I'm sorry, Sir!" hinging-paumanhin nito sabay ayos ng upo. Sinenyasan niya ito na tumingin sa harap at huwag istorbohin ang nagpapahingang dalaga. After more than three hours of travel, ay nakarating na sila sa mansion ng mga Contreras. Maingat na inilapag ni Stefano ang chopper sa kanilang helipad na nasa rooftop lamang ng kanilang mansion. Inutusan niya ang kasama na gisingin si Harrieth sa malalim nitong pag-idlip. "Ma'am Harrieth, narito na po tayo." untag ng lalaki. "Okay, thank you!" sagot ng dalaga. Iginala niya ang paningin para hanapin si Stefano ngunit hindi na niya ito nakita pa sa paligid. Parang umiiwas sa kanya ang lalaki kasehadong lumayas kaagad ito pagkalapag nila. "Ang sabi po ni Sir Stefano ay dumiretso muna kayo sa kwarto mo at magpahinga. Ipapatawag na lang daw po kayo kapag narito na po si Don Modesto." bilin ng lalaki. Tumango siya rito at sumunod sa paglalakad habang iginigiya siya nito patungo sa dati niyang kwarto. Inikot niya ang kanyang paningin, parang walang gaanong nabago sa mansion. Kaunting retouch lang ang ginawa sa bahay na iyon, naroon pa rin ang dating ayos ng mga muwebles at iba pang mga display. "Delfin nga po pala, hardinero po ako rito at bagong pasok pa lang po. Magdadalwang-taon pa lang po ako rito sa bahay," nakangiting sambit ng lalaki. "Ako naman si Harrieth," pagpapakilala niya. "Opo, kilala ko po kayo Ma'am. Noong nabubuhay pa si Don Modesto ay madalas ka niyang ikwento sa amin, palagi ka niyang ipinagmamalaki dahil may modelo raw siyang apo." masiglang kwento nito. "Talaga, pinagmamalaki ako ni abuelo?" malungkot niyang tanong. "Ay, opo! Sobra! Sayang nga lamang at hindi ka na niya nahintay pa..." malungkot nitong sabi. Parang kinurot muli ang puso ng dalaga sa narinig. Hindi na siya nagsalita pa habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Baka kapag patuloy sa pagkukwento si Delfin ay bigla na lang siyang pumalahaw ng iyak. Nasa ikatlong palapag ang dati niyang kwarto at mula roon ay pwede niyang matanaw ang living room sa baba. Parang may kung anong bumulong sa dalaga upang tumingin sa ibabang bahagi ng bahay, kaya naman pasimple siyang sumilip doon. Laking pagsisisi niya dahil nakita niya na naroon si Stefano habang nakaupo sa sofa. Habang sa kandungan nito ay may nakaupong babae na halos lantad na ang kaluluwa dahil sa suot nitong revealing dress. Mukhang naglalambutsingan pa ang dalawa na animo'y walang namatay. "Iyan naman si Ma'am Greta, ang fiancee ni Sir Stefano. Kadarating lang din niya galing States at dito na siya dumiretso para damayan si Sir." bulong ng lalaki. "I see." malamig niyang tugon. "Ang sabi nila ay ikakasal na dapat silang dalawa ngayong taon, pero mapopostpone yata dahil sa kamatayan ni Don Modesto. Pabor sa amin na mga tauhan ng mga Contreras." patuloy na daldal nito. Napatitig siya sa lalaki at hindi niya napigilang magtanong. "Bakit mo naman nasabi?" "Naku Ma'am, masyadong primadonna 'yan si Ma'am Greta. Hindi pa man sila kasal ni Sir Stefano ay akala mo sinong donya kung umasta. Bagay na bagay nga sa kanya ang kasabihan ng matatanda noong araw eh," daldal nito. "Anong kasabihan naman 'yon?" tanong niya. "Na mas mataas ang tingin ng tagak keysa sa kalabaw. Samantalang nakikitapak lang naman siya sa likod nito." Hindi niya napigilang masamid sa sariling laway nang marinig ang sinabi nito. "Tara na nga sa kwarto ko. At kailangan ko pang mag-ayos ng gamit." aniya. "Ay oo nga pala!" sagot ni Delfin. Ilang hakbang pa ang ginawa nila bago nakarating sa dati niyang kwarto. Muli na naman siyang nakaramdam ng matinding pagkalungkot. Walang nabago sa hitsura nito. Naroon pa rin ang mga paborito niyang stuff toys na nakahilera sa kanyang malambot na kama. Tumingin siya sa malaking bintana na nasa gilid ng kanyang kwarto. Naroon pa rin ang malaking puno ng mangga at ang sanga na malapit sa kanyang bintana ay mas lalo pang lumaki. Doon umaakyat si Stefano kapag gusto nitong maglambing sa kanya sa gabi. Naging instrumento ang sanga ng manggang iyon noong unang beses niyang ipagkaloob ang sarili sa dating kasintahan. Lumipad ang tingin niya sa ibabaw ng kanyang vanity table, naroon pa rin ang litrato nila ng abuelo niya noong nagdiwang sila ng kaniyang ika labing-walong kaarawan.  Dinampot niya ang larawan na iyon at masuyong hinaplos ang litrato ng matanda. "Abuelo, narito na po ako..." aniya kasabay ng muling pagpatak ng kanyang mga luha. Niyakap niya ang litratong iyon at naupo sa kanyang kama. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung kaya niyang humarap sa matanda mamaya pagdating ng katawan nito. "Sino 'yan?" aniya nang makarinig ng tatlong mahihinang katok mula sa pintuan. "Ako ito anak, si Yaya Lumeng. Nabanggit kasi ni Delfin na narito ka na raw, dinalhan kita ng chamomile tea." sagot ng ginang. "Yaya Lumeng?" sagot niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nakangiting matanda. Si Yaya Lumeng ang yaya ni Stefano at sa kabila ng edad nito ay nananatili pa rin ito sa mga Contreras upang magsilbi. Sobrang close sila ng matanda at saksi rin ito sa pag-iibigan nila noon ni Stefano. "Kumusta ka na anak? Ang tagal nating hindi nagkita!" anito. Pumasok ang butihing ginang at maingat na inilapag ang mainit na tsaa sa kanyang table. "Yaya Lumeng," umiiyak niyang sabi sabay takbo papalapit rito na kaagad naman siyang sinalubong ng yakap. "Ssshhh, tahan na anak... Kung nakikita ka ni Don Modesto ay papagalitan ka noon," ani ng ginang. "Yaya Lumeng, ang sakit-sakit po!" umiiyak niyang sumbong. "Alam ko anak... maging kami rin ay hindi matanggap ang pagkamatay ng iyong lolo. Ngunit sa kabilang banda, hindi ba dapat tayong magpasalamat dahil makakapagpahinga na siya? Wala na siyang sakit na mararamdaman, makakasama pa niya ang kanyang esposa sa langit." wika nito. "Ang daya niya, hindi niya ako nahintay." patuloy niyang pagtangis. "Ni minsan ay hindi ka nawala sa isip ng iyong lolo... At mahal na mahal ka niya, anak... Kung nasaan man siya ngayon ay tiyak akong masaya siya sapagkat nakauwi ka na rin dito sa mansion sa wakas!" ani ng ginang. Gamit ang mga kamay nito ay pinalis ng matanda ang luha sa kanyang mga mata. "Inumin mo na ang tsaa habang mainit pa. Para kumalma ka kahit papaano, parating na ang lolo mo. Ayaw mo naman sigurong humarap sa kanya na ganyan ang hitsura mo, hindi ba?" pagpapakalma ng matanda. "Opo," sumisigok-sigok niyang tugon. "Oh siya, maiwan muna kita at hahatiran ko rin si Stefano at Greta ng tsaa sa kwarto nila." paalam ng ginang. Tumango-tango siya bilang pag sang-ayon rito. Lihim siyang nasaktan at nakaramdam ng selos pagkarinig sa sinabi ng matanda. Magkasama pala sa iisang kwarto ang dalawa. Marahil ay mayroong  ginagawang milagro ang dalawa ng mga oras na iyon. Napakagat-labi siya sa naisip. "No, Harrieth. Stop it! You're being stupid again! You have no rights to feel that way!" saway niya sa sarili nang mapansin ang matinding kirot sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD