STOLEN KISS

2071 Words
Tahimik at malalim ang iniisip ni Stefano habang nakasandal siya sa headboard ng kanyang kama. Ni hindi niya magawang tingnan si Greta na halos maghubad na sa harapan niya at kanina pa nakalingkis sa katawan niya. Alam niyang gusto ng nobya na makipagtalik sa kanya ngunit wala siyang gana. Tanging si Harrieth lang ang laman ng isip niya, at kahit anong gawin niya ay hindi ito matanggal. Hindi mawala sa kanyang isipan ang kagandahan nito na muli niyang nasilayan ng personal.  "Come on, Stefano! Didn't you missed me? We've been apart for almost five months, and since I arrived, ni hindi mo man lang ako tapunan ng tingin. Ano bang nangyayari sa'yo? Dati naman kapag dumarating ako, nasasabik ka rin sa akin. Bakit ngayon ni hindi mo man lang ako hawakan?!" nakapamaywang na tanong ng dalaga. "Greta, my grandfather just died. Anong gusto mong gawin ko? Ang makipagsex sa'yo buong araw?" sagot niya. "Iyan ba talaga ang dahilan? Oh baka naman kaya ka nagkakaganyan dahil nandito na ulit si Harrieth?" asik nito.  "Pwede ba, Greta, utang na loob! Ilagay mo sa lugar 'yang pagseselos mo! This is not the time for your jealousy! We're supposed to be mourning, don't you think so?"  "Of course, Stefano! You are making me think na kaya ka nagkakaganyan dahil sa ex-girlfriend mo! Kaya ka ba nawalan ng gana bigla sa akin ngayon dahil si Harrieth ang gusto mong kasama ngayon, ha!" giit nito. "Kung sakali ba na siya ang maghubad sa harapan mo ngayon, tatanggihan mo ba o baka naman pagkasara pa lang ng pintuan ay sinunggaban mo na siya?!" Napabuntong-hininga ang binata. "Ganyan ba talaga ang iniisip mo sa akin? Naririnig mo ba ang sarili mo, ha?"  "Oo! Dahil binibigyan mo ako ng dahilan para magselos! Alam mo ba kung bakit ha?!" singhal nito. "Galing pa ako ng States for Christ sake! Ang layo ng byinahe ko at 'yang babaeng 'yan ay nasa Manila lang. And there you are, siya pa talaga ang sinundo mo keysa sa akin na girlfriend mo!" panunumbat nito. "Pag-aawayan ba natin ang napakasimpleng bagay na 'to, Greta? Aren't you tired of all of this? Ikaw na rin ang nagsabi, sa Manila pa siya galing. Samantalang ikaw, nariyan lang sa Cagayan airport bumaba. Inutusan ko naman ang driver na sunduin ka hindi ba?" "This is not a simple thing, Stefano! You put that girl on your priority list instead of me! Ikaw ang dapat na sumundo sa akin because I am your f*****g girlfriend! I'm not expecting that stupid driver to pick me up, dahil ikaw ang gusto kong nandoon! At umaasa ako na baka nga nagkakamali lang ako at nag-oover-react lang. Papalampasin ko na sana eh, kaso hanggang ngayon, malamig pa sa yelo at para ka diyang tuod na hindi man lang sumagot sa paglalambing ko! Para ka pa ngang diring-diri na hawakan ako, porke nariyan si Harrieth!" Tumayo si Stefano mula sa pagkakaupo at akmang lalabas ng kwarto ngunit pinigilan siya ni Greta. "At saan ka sa tingin mo pupunta? Tatakasan mo na naman ako? Bakit? Nasukol ba kita?!" sita nito. "Pupunta ako sa baba, paparating na si Lolo at mas gugustuhin ko pang tabihan siya sa kabaong keysa sa makinig sa mga baseless accusation mo na wala namang mapupuntahan. Bumaba ka na lang kapag kumalma ka na at kung pwede lang, huwag kang gagawa ng eksena sa baba. Irespeto mo sana ang lolo ko sa huling sandali niya dito sa mundo." saad niya. Pagbukas ng pinto ni Stefano ay bumungad sa kanya si Yaya Lumeng habang hawak ang tray na may lamang tsaa. "Dinalhan ko kayo ng tsaa, anak..." alanganing wika ng matanda. Alam nitong nag-aaway na naman sila ng nobya at hindi na iyon bago sa yaya niya. "Please give it to Greta 'nay. Mukhang mas kailangan niya 'yan para kumalma. Pupunta na po ako sa salas." aniya. "Ganoon ba? Sige, anak." sagot ng matanda. Bumuntong-hininga muna ang ginang bago pumasok sa kwarto ng alaga. Nakita niya roon si Greta na nagsisindi ng sigarilyo habang sabog pa ang buhok. "What are you ataring at?!" bulyaw nito ng makita siyang nakatingin. "Wala po Ma'am, dinalhan ko po kayo ng tea. Inumin ni'yo raw po para kumalma kayo." sagot niya, bago iniwanan ang dalaga. "How dare you showed yourself again, Harrieth! Kung inaakala mo na makakabalik ka sa buhay nila Stefano ay nagkakamali ka! Sisiguraduhin kong lilipad ka pabalik kung saan ka mang lupalop galing!" pagdadabog ng dalaga. Sa sobrang inis ng dalaga ay nagpapadyak ito ng paa. Hindi siya makapaniwalang mas pipiliin na sunduin ni Stefano ang babaeng iyon sa halip na siya ang unahin nito. Dinampot ni Greta ang tasa ng tsaa at hinigop ang laman niyon, natigil lamang siya ng tumunog ang kanyang cellphone at gumuhit ang tusong ngiti niya sa labi pagkabasa kung sino ang caller. "Hello, Seb!" bungad niya. "Nakarating na ba riyan 'yong babaeng sampid?" sagot nito. "You guess!" "Don't worry, nasa biyahe na rin kami ni Skye. Three is better than one, right?" anito. "Who told you? Baka nakakalimutan mo ang kapatid mong si Stefano." paglilinaw niya. "Can't you tame my little brother?" tuya nito. "Come on, Seb! Si Stefano ang pinag-uusapan natin dito, parang hindi mo kilala ang kapatid mo na 'yon!" giit niya. "I guess, hindi naman ganoon kahirap palayasin ulit 'yang Harrieth na 'yan, hindi ba? Kagaya lang din 'yan noong una. Five years ago, we made it and we can do it one more time again." "That woman is not that naïve anymore, Seb." "Alam mo Greta, ang pulubi, bihisan mo man ng ginto, pulubi pa rin. Ganoon din si Harrieth, kahit ano pa ang kanyang narating, isa lamang siyang sampid sa pamilyang ito." "Whatever! Do everything you can para mapaalis kaagad ang babaeng 'yan dito sa bahay. I can't stand looking at her. Furthermore, she is a threat to my upcoming marriage with Stefano." "You sounds insecure, Greta. Huwag kang masyadong obvious, nakakahiya!" pang-iinsulto ni Sebastian. "You know what? I've had enough insults for today, huwag ka nang dumagdag pa!" gigil niyang sagot. Pinatayan niya ng telepono si Sebastian sa labis niyang inis. Ang kapal ng mukha ng hundyong iyon na laitin siya ng ganoon na lamang! Tumitig sa salamin si Greta at inayos ang magulong buhok. "Come on, Greta. You already come this far, just to suddenly stop. Ngayon ka pa ba susuko kung kailan malapit na kayong ikasal ni Stefano? You're going to be Mrs. Stefano Contreras, very soon! Held your head high, your tiara is falling," ani Greta sa sarili habang nakatitig sa salamin. Hinablot niya ang wet wipes na nakalagay sa ibabaw ng table at inayos ang sarili.  Kailangan na niyang bumaba para bantayan si Stefano, batid niyang pupunta rin sa baba si Harrieth at hindi niya hahayaang magkaroon ng tsansa na magkabungguan ng balikat ang dating magkasintahan. Stefano is hers and hers alone. She is not keen on sharing him to anyone, most specially to Harrieth! Nakagayak na si Harrieth nang katukin siya ng isang kawaksi upang ibalita na nasa baba na ang kanyang lolo. She wore tight black silk dress na never pa niyang naisuot noon. Inilabas nito ang magandang kurba ng kanyang katawan. Pinapababa na siya nito dahil nasa baba na raw ang lahat. Humugot siya ng malakas na buntong-hininga bago lumabas ng pintuan.  "I know my way down, kahit huwag mo na akong ihatid." baling niya sa kawaksi. "Sige po, Ma'am... Kung gayon po ay tutulong muna ako kay Nana Lumeng sa kusina." paalam nito. "Sige," sagot niya. Muli siyang lumunok ng ilang beses ngunit natuyuan na yata siya ng laway at pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya. Ramdam niya ang matinding pangangatog ng kanyang mga tuhod habang papalapit sa sala kung saan naroon ang ataul ng butihing matanda. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit rito. Una niyang nakita si Stefano na nakatayo sa gilid ng gintong casket ng don. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang babaeng nakangunyapit sa braso ng binata. "So, nakabalik na pala ang dakilang sampid?" ani ng isang tinig. Tiningnan niya ang lalaking nagsalita, hindi na siya nagulat nang mapagtanto na si Sebastian iyon. Dati pa man ay mainit na talaga ang dugo nito sa kanya, marahil ay nagseselos ito dahil mas close sila ng matandang Contreras keysa sa sarili nitong kadugo at apo. "Please, stop, Sebastian. Igalang mo naman ang lolo." mariing saway ni Stefano sa nakakatandang kapatid. "Oh! So sorry! I never thought, you're still her knight and shining armor! After all these years, mukhang walang nagbago sa tandem ninyong dalawa," panghahamon nito. Hindi binigyan ng pansin ng dalaga ang paghahamok ni Sebastian, dahil unang-una, hindi naman ito ang dahilan kung bakit naroon siya. Isa pa, gusto niyang bigyan ng mataas na pagrespeto ang abuelo at magagawa lamang niya iyon kung hindi niya papatulan si Sebastian. Marahan siyang naglakad sa ataul ng matanda, unti-unting nalaglag ang kanyang luha nang masilayan ang payapang mukha ng abuelo. Para lamang itong natutulog  sa loob sa ataul. Stefano ordered na huwag munang isara ang kabaong para mahawakan pa nila ang katawan nito. "Abuelo..." mahinang tawag niya sa matanda. Suddenly, regrets starts to kick in. Nakaramdam siya ng malaking pagsisisi na hindi siya kaagad umuwi para makasama ang matanda. She lost the time where she can spend it to her lovely old man. "I am so sorry for not going back soon enough to be with you... I am so sorry!" hagulhol ng dalaga. Niyakap niya ang malamig nitong katawan habang patuloy sa pag-iyak. "Anak..." alo sa kanya ni Yaya Lumeng. Lumapit pala sa kanya ito nang hindi niya namamalayan. "Nay! Si abuelo..." hagulhol niya. Labis ang hinagpis niya na hindi na niya alintana ang mga matang nakatitig sa kanya. She cannot suppress her emotions para lamang maging kaaya-aya sa mata ng ibang tao. "Tsk! What a drama queen," ismid ni Greta. "Let's go, Stefano." yakag nito sa nobyo sabay hila rito. Nagpatianod na lang ang binata para hindi na magtantrums si Greta.  Dinala siya nito sa bakanteng sofa at pinaupo roon. Sa sulok ng kanyang mga mata ay pilit niyang inaaninag si Harrieth na yakap pa rin ang kanilang lolo. Gusto niyang yakapin ang dalaga, aluin ito at ikulong sa kanyang mga bisig ngunit hindi niya magawa. "Don't even dare to give a glance at her, I am warning you, Stefano..." babala ni Greta sa kanya. Marahil ay napansin nito ang inaasal niya at hindi iyon nagustuhan ng nobya. Wala siyang balak na gumawa ng eksena kaya hahayaan niya na lang muna ito kahit pa ang sinisigaw ng kanyang puso ay damayan ang dating kasintahan. Buti na lamang at napakiusapan niya si Yaya Lumeng na alalayan si Harrieth dahil hindi siya malayang gawin iyon. Kahit papaano ay may karamay ang dalaga sa pagdadalamhati nito. "Stay strong, Harrieth... Lolo, loves you so much at hindi niya magugustuhan kung patuloy kang malulungkot sa pagkawala niya." ani ng binata sa isipan nito. Lihim na nagdadasal si Stefano na sana ay makayang malampasan ng dalaga sa lalong madaling panahon ang pamamaalam ng matanda. "Harrieth! Diyos ko!" hiyaw ni Yaya Lumeng. Pag-angat ng tingin ni Stefano ay nakita na niya lamang ang pagkabuwal ng dalaga sa kinatatayuan nito.  Stefano couldn't think much and sprinted towards Harrieth. Pinangko niya ang walang malay na dalaga at mabilis itong dinala pabalik sa kwarto nito. "Bilisan mo anak, dalhin mo siya sa kwarto niya, dali! Kukuha lamang ako ng maligamgam na tubig at bimpo." tarantang wika ni Yaya Lumeng. "Pakibilisan po 'nay!" alalang sagot niya.  Tila papel lamang si Harrieth sa binata, ni hindi ito nagreklamo sa bigat ng dalaga. Pagkarating sa kwarto nito ay maingat niyang inilapag ang dating nobya. Nalanghap niya pa ang mabangong hininga nito na tumama sa kanyang pisngi ng ayusin niya ang pagkakalagay ng unan sa ulo nito.  Ilang ulit siyang lumunok nang mapagmasdan ang natural na mapulang labi ng dalaga. Kaytagal niyang nasabik na dampian muli ng halik ang labing iyon. Tiningnan ng binata ang nakasarang pinto ng dalaga, wala pa siyang naririnig na yabag kaya naman hindi na nag-aksaya ng panahon ang binata, mabilis siyang dumukwang ang masuyong kinintalan ng halik ang labi ng dating katipan. "Anak, maiigi kung bumalik ka na kaagad sa ibaba, baka kung ano na naman ang gawin ni Greta." pukaw sa kanya ni Yaya Lumeng. Nahuli siya nito na hinahalikan ang walang malay na dalaga. "Nay..." "Naiintindihan kita at huwag kang mag-alala, walang makakaalam nang nakita ko." tila nakakaunawang sagot ng butihing yaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD