Ika-limang araw na ng burol ng matanda at ang araw ding iyon nakatakda ang cremation nito. Lahat ng kamag-anak, kakilala at mga malalapit na kaibigan ay naroon upang magbigay ng respeto sa namayapang don. Lahat ay nakasuot ng puti tanda ng paggalang sa yumao. Hindi maampat ang luha ni Harrieth sa tuwing maiisip niya na iyon na ang huling raw na masisilayan niya ang abuelo. Namumugto ang kanyang mga mata habang hinahaplos ang salamin ng ataul nito. "I will forever miss you, abuelo. Thank you for making me feel loved, thank you for all your kindness. I will never forget your words of wisdom and encouragement, you will forever in my heart." bulong ng dalaga habang patuloy ang kanyang pagluha. Buti na lamang at dumating na rin si Rose upang damayan siya. Hindi na siya mag-isang iiyak sa su

