SHARED KISSES

2119 Words

Naging abala si Stefano ng mga sumunod na oras, tumulong kasi ito sa pagha-harvest ng mga mangga at iba pang mga prutas at root crops. Naiwan siya sa kubo na hindi malaman kung ano ang gagawin. Tsansa na niya sana iyon na tumakas at ituloy ang balak niyang pagbalik sa Manila ngunit hindi niya malaman kung bakit ayaw sumunod ng katawan niya sa dinidikta ng isip niya. Sa totoo lang, nag-eenjoy siyang pagmasdan ang dating nobyo na nakahubad baro at pawisan mula sa paghahakot ng mga naaning prutas.  Sa sobrang aliw ng dalaga sa panonood  ay hindi na niya namalayan ang isang batang babae na lumipat sa kanya. Hinawakan nito ang suot niyang damit at bahagyang hinila para kunin ang atensyon niya. "Ate Harrieth?" tawag nito. Lumingon siya at biglang napangiti pagkakita sa paslit. Sa tingin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD