THE MIGHTY SAVIOR

2149 Words

Labis ang pag-aalala ni Yaya Lumeng sa dalaga, walang humpay ang pag-iyak nito at hindi malaman ni Stefano kung paano ito mapapatahan. Nasa sala silang lahat at naghihintay ng balita o tawag mula sa mga kidnapper. Maging sina Sebastian at Skye ay naroon din at naghihintay ng balita. "Kung alam ko lang na mangyayari ito sa kanya ay pinigilan ko sana siyang umalis. Diyos na mahabagin, iligtas niyo po ang alaga ko." ani Yaya Lumeng, hawak nito ang rosaryo sa mga palad at patuloy na nagdadasal. "Huwag po kayong mag-alala 'nay, hahanapin ko po si Harrieth sa abot ng makakaya ko at ibabalik ko siya rito." pangako ni Stefano. Bumaling sa kanya ang matanda na puno ng pag-asa ang mga mata. "Ibalik mo siya rito anak, at ipangako mong walang sinuman sa inyong dalawa ang masasaktan," ani ng matanda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD