Mahigpit na yakap ang iginawad ni Harrieth kay Yaya Lumeng nang ihatid siya nito sa sasakyan. Kalat pa ang dilim sa paligid at tanging silang apat lamang ang gising. Hindi niya kayang umalis ng hindi nagpapaalam sa matanda kaya naman inabisuhan niya ito sa balak niyang pag-alis. "Hindi ka na ba talaga papipigil, anak? Paano kung hanapin ka ni Stefano?" naluluhang wika ng matanda. "Ayoko na pong magtagal pa rito 'nay. Masyado nang masikip ang mansion para sa amin ng mga tunay na apo ni abuelo. Mas makakabuti sa lahat ang pag-alis kong 'to," sagot niya. "Pero paano ang pagbasa ng last will ng don? Hindi mo na ba talaga ito hihintayin? Ang balita ko ay kailangang naroon ka sa pagbabasa nito." "Hindi po ako interesado sa kayamanan ng abuelo, sapat na sa akin ang mga bagay na ibinigay niya

