CHAPTER 17

2237 Words
THIRD PERSON POV Malakas ang mga ungol ni Mitchie habang ninanamnam ang pagbulusok ng malaking alaga ng kanyang driver na si Braxton sa loob ng kanyang yungib. Nakakapit na si Mitchie sa headboard ng malaking kama na naroon sa loob ng master's bedroom. Muli na namang pinagtataksilan ni Mitchie ang asawang si Santi habang nagpapakapagod ang kanyang mister sa pagtatrabaho bilang manager ng isa sa mga branch ng pagmamay-aring restaurant ng pamilya Laguarte. At ginagawa ni Mitchie ang pagtataksil sa mismong kwarto nilang mag-asawa. Walang kaide-ideya ang mister ni Mitchie na nagpapasok ito ng ahas sa loob ng kanilang bahay nang i-hire nito bilang driver ng misis nito ang matalik na kaibigang si Braxton. Walang kaalam-alam si Santi na sa tuwing nasa trabaho ito ay halos buong araw na magkasama sa loob ng kwarto nito at ng asawa sina Mitchie at Braxton. Minsan ay tumawag si Santi kay Mitchie habang nasa kalagitnaan ng pagtatalik ang babae at ang kanyang kalaguyo. Ganoon na lamang ang pagpipigil ni Mitchie na huwag umungol ng malakas dahil habang nagsasalita ang kanyang asawa mula sa kabilang linya ay pabalik-balik namang pinapasadahan ng dila ni Braxton ang maliit na hiwang nasa pagitan ng mga hita ni Mitchie. May mga pagkakataon ding nasisira ang bed sheet ng marital bed nina Mitchie at Santi rahil sa sobrang bagsik ng pagtatalik nina Mitchie at Braxton. Agad na pinapalitan ni Mitchie ang bed sheet kapag nangyayari iyon at itinatapon naman niya ang napunit na bed sheet para hindi na makita pa ni Santi. Muntik na ring matuklasan ni Santi ang pagtataksil ni Mitchie nang minsang umuwi ito galing trabaho ay hindi pa tapos mag-shower sina Mitchie at Braxton sa loob ng en suite bathroom ng master's bedroom dahil napasarap ang kanilang pagtatalik nang araw na iyon. Agad na lumabas ng master's bedroom si Braxton nang marinig nila ni Mitchie ang pagdating ng sasakyan ni Santi. Kabadong-kabado si Mitchie nang araw na iyon ngunit nakahinga siya ng maluwang nang hindi napansin ni Santi ang mga bakas ng basang talampakan ni Braxton sa sahig sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Nainis pa si Mitchie kay Braxton dahil hindi man lamang ito nagpunas ng mga paa bago lumabas ng kanilang kwarto ni Santi. Kaya naman mula nang araw na iyon ay naging mas maingat na sina Mitchie at Braxton. Sinisigurado nilang tapos na silang magtalik isang oras bago umuwi si Santi mula sa trabaho. Hindi na rin nagsha-shower si Braxton sa loob ng en suite bathroom ng kwarto ng mag-asawa. Maliban doon ay sinusubukan din ni Mitchie na maging attentive kay Santi sa tuwing nakauwi na ito galing trabaho. Minsan din ay pinupuntahan niya ito sa branch ng restaurant na pinagtatrabahuan nito para samahan itong mag-lunch. Ginagawa ni Mitchie ang mga bagay na ito para hindi magduda o maghinala sa kanya ang asawang si Santi. Hindi hahayaan ni Mitchie na mahuli siya ng kanyang asawang nagtataksil dito rahil paniguradong hihiwalayan siya nito kapag natuklasan ang kanyang mga kalokohan. At iyon ang hindi gustong mangyari ni Mitchie, ang hiwalayan siya ng kanyang asawa. Kailangan ni Mitchie si Santi para mabuhay. Dahil sa trabaho ni Santi kaya hindi niya kinakailangang magtrabaho lalo pa nga at wala pa naman silang anak kaya siya lang ang kailangang buhayin ni Santi. Hindi rin naman gustong magkaanak ni Mitchie rahil hindi siya mahilig sa bata kaya walang magiging problema pagdating sa bagay na iyon. Nitong huli ay nagpaparamdam si Santi na parang gusto na nitong magkaanak silang dalawa ngunit laging iniiba ni Mitchie ang usapan. Gusto pang mainis ni Mitchie sa pamangkin niyang hilaw na si Mavie rahil ito ang dahilan kung bakit parang nahihilig si Santi sa mga bata. Close si Santi sa anak ng stepbrother nito kaya minsan ay naiisip ni Santi na siguro ay mas magiging masaya ang kanilang tahanan kung may sarili na rin silang anak ni Mitchie. Maisip pa lamang ni Mitchie na masisira ang kanyang figure dahil sa pagbubuntis ay parang gusto na niyang dumuwal. Maliban doon ay hindi rin nakikita ni Mitchie ang sarili bilang isang ina lalo pa nga at lumaki siyang walang inang gumagabay sa kanya. Hanggang maaari ay hindi gusto ni Mitchie ang magkaroon sila ng anak ni Santi kaya kung kinakailangang iwasan niya nang iwasan ang pag-uusap tungkol sa pagkakaroon ng supling ay kanyang gagawin. Tumirik ang mga mata ni Mitchie nang isagad ni Braxton ang pagkakabaon ng malaking alaga nito sa loob ng kanyang hiyas mula sa kanyang likuran. Liyad na liyad ang katawan ni Mitchie habang nakasabunot sa kanyang buhok ang kanang kamay ni Braxton at ginagamit naman nito ang kaliwang kamay para salit-salitang paluin ang dalawang pisngi ng pang-upo ni Mitchie. Si Mitchie ay halos habulin na ang kanyang paghinga rahil sa sobrang bilis ng ginagawang pagbayo ng matabang alaga ni Braxton sa loob ng kanyang yungib. Si Braxton ay nakatingala na sa kisame ng master's bedroom habang kagat-labi inaabot nito ang rurok ng katiwasayan. Ilang mabilis pang pagsugod ng mahabang alaga nito sa loob ng hiyas ni Mitchie ay sumabog ang napakaraming likido sa loob ng yungib ni Mitchie. Kasabay ng pagragasa ng nag-iinit na mga katas ni Mitchie ay ang matinding panic na bumalot sa kanyang buong sistema. Nanlaki ang mga mata ni Mitchie nang ma-realize na nagpaputok ng likido sa loob ng kanyang yungib si Braxton ngayong araw. Hindi naman sana ito magiging problema kung hindi nakalimutan ni Mitchie na i-take ang kanyang birth control pill nang nagdaang gabi. Nawala sa isip ni Mitchie ang uminom ng pill kagabi rahil sa sobrang pagod na kanyang naramdaman matapos ang naging pagtatalik nila ni Braxton kahapon. Pagsapit ng gabi ay parang gusto na lamang ni Mitchie ang magpahinga kaya agad siyang nakatulog matapos mag-shower at tuluyan nang nawala sa isip ang pag-take ng pill. Hindi sana kakabahan ng ganito si Mitchie kung combination pill ang kanyang iniinom ngunit hindi. Progestin-only birth control pill ang kanyang iniinom na kapag nalimutan niyang i-take ng isang araw ay maaari siyang malagay sa at risk for pregnancy kung m************k siya ng hindi gumagamit ng anumang proteksyon. Hindi gumagamit ng protection si Braxton sa tuwing nagtatalik silang dalawa ni Mitchie kaya naman malayang pumapasok sa loob ng yungib ng babae ang malapot na mga likido nito. Wala namang problema kay Mitchie iyon dahil kampante siyang araw-araw niyang naiinom ang kanyang pill. Sadyang nakalimutan lamang niyang mag-take ng isang pill kagabi. Kinakabahan si Mitchie ngunit umaasa pa rin siyang hindi magbubunga ang ginawa nilang pagtatalik ni Braxton ngayon. Agad na tumayo si Mitchie mula sa pagkakahiga sa kama at nagpunta sa en suite bathroom ng kwartong iyon para mag-take ng isang birth control pill. Basta na lamang nilunok ni Mitchie ang pill gamit ang tubig mula sa gripo ng bathroom sink. Matinding kaba at takot ang nararamdaman ni Mitchie ngayon dahil sa posibilidad na maaari siyang magdalang-tao at wala sa plano ni Mitchie iyon. Hindi niya gusto ang magkaanak lalo pa nga at mula sa lalaking hindi naman niya asawa. Oo nga at sa tuwing nagtatalik sina Mitchie at Braxton ay palaging sinasabi ng babae sa lalaki na bigyan siya nito ng anak habang nagbubuntis ang misis nito ngunit pareho nilang alam na hanggang salita lamang ang mga iyon para mas pag-initin ang kanilang pagtatalik. Wala silang planong seryosohin ang bagay na iyon. Malaking problema sa kani-kanilang mga asawa kung magkakaroon ng anak sina Mitchie at Braxton. Paniguradong hihiwalayan silang dalawa ng kani-kanilang mga asawa at hindi lamang iyon kundi maaari ring makulong sina Mitchie at Braxton dahil sa ginawa nilang pagtataksil at kung sakaling magbubunga ang ginawa nilang kataksilan ay isa iyong matibay na ebidensya para silang dalawa ay mabilanggo. Naramdaman ni Mitchie ang presensya ni Braxton sa loob ng en suite bathroom na iyon. Sumunod pala ito sa kanya nang tumakbo siya roon. Kumunot ang noo ni Braxton nang makita ang panic at pag-aalala sa magandang mukha ni Mitchie. Braxton: M-may problema ba, babe? Nagulat si Braxton nang bigla na lamang lumuha si Mitchie sa harapan nito at dahan-dahang napaupo sa sahig ng banyo. Agad na tinabihan ni Braxton si Mitchie at niyakap ang babae. Hinayaan lamang nito na umiyak nang umiyak ang babae sa malapad na dibdib nito. Mitchie: N-natatakot ako, Braxton. B-baka mabuntis ako? Sa sinabing iyon ni Mitchie ay nanlaki ang mga mata ni Braxton at dahil nakayukyok sa matigas na dibdib ng lalaki ang mukha ni Mitchie kaya hindi niya nakita ang ngising sumilay sa mga labi ni Braxton. ---------- Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Rob kung ano ang kanyang gagawin dahil sa natuklasang pagtataksil sa kanya ng asawang si Callie. Sobrang nasasaktan si Rob dahil hindi niya inakalang magagawa siyang pagtaksilan ng babaeng pinag-alayan niya ng kanyang apelyido at pinangakuang mamahalin magpakailanman. Maliban sa sakit na nararamdaman ni Rob ay nagagalit din siya sa kanyang sarili rahil kahit natuklasan niyang nagtaksil si Callie ay hindi niya magawang lubusang magalit dito rahil mahal na mahal niya ito. Maliban sa ginawang pagtataksil ni Callie ay narinig pa ni Rob ang kanyang asawang may kausap sa phone kahapon at base sa kanyang pagkakaintindi ay kausap nito ang lalaking kasama nito sa ginawang pagtataksil sa kanya at plano ng kanyang asawa na huwag sabihin sa kanya ang ginawa nitong kasalanan. Gustong sundin ni Rob ang ipinayo ni Roxy sa kanya na pag-usapan nilang mag-asawa ang problema ngunit paano iyon gagawin ni Rob kung wala naman palang balak ang kanyang asawa na aminin ang ginawa nitong pagkakamali sa kanya. Hindi lubos maisip ni Rob kung ano ang kanyang ginawang mali para pagtaksilan siya ni Callie ng ganito. Naging mabuti naman siyang asawa rito at sa abot ng kanyang makakaya ay iniwasan niya ang lahat ng tuksong dumating sa kanyang buhay. Ginawa ni Rob ang lahat ng paraan para hindi na muling maulit ang ginawa niyang pagtataksil kay Callie bago ang araw ng kanilang kasal noon. Kahit muling pumasok sa buhay ni Rob ang babaeng naging dahilan ng kanyang pagtataksil noon ay hindi iyon naging dahilan para muli siyang magloko kahit alam niya sa kanyang sariling nabubuhayan ang kanyang alaga sa tuwing naaalala ang gabing iyon na kapiling niya si Roxy sa isang mainit na pagtatalik. Kahit unti-unti nang nagiging malapit sa isa't isa sina Rob at Roxy ay hindi lumagpas si Rob sa linyang iyon na magiging dahilan para muli siyang magtaksil kay Callie. Ngunit si Callie, ano ang iginanti nito kay Rob? Hindi lamang nagtaksil si Callie kay Rob kung kailan kasal na sila at may isang supling kundi nakipagtalik din ang misis ni Rob sa lalaking nagkaroon ito ng relasyon dati. Para kay Rob ay tinamaan ng matindi ang kanyang ego sa kaalamang iyon. Nagtaksil si Callie kay Rob kasama ang lalaking dati nitong nakarelasyon bago sila maging magkasintahan. Ngayon ay iniisip ni Rob kung totoo bang minahal siya ni Callie sa loob ng mga taong pinagsamahan nila bilang magkasintahan at mag-asawa o naging panakip-butas lamang siya ng napakaraming taon dahil ang totoo ay mahal pa rin ni Callie ang dating karelasyon. Ang hirap tanggapin sa parte ni Rob ang ideyang mahal pa rin ng kanyang misis ang dati nitong kasintahan kaya may nangyari sa mga ito. Sobrang sakit isipin na sa loob ng mga panahong minahal ni Rob ang asawa ay maaaring ibang lalaki ang nilalaman ng puso't isipan nito. Parang mababaliw na si Rob sa halo-halong emosyong kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Parang gusto niyang sumabog sa sobrang sakit, galit, at inis na kanyang nararamdaman. Gusto ng makakausap ni Rob. Nais ni Rob na maglabas ng kanyang mga hinaing. Isang tao lamang ang naiisip ni Rob nang mga sandaling iyon. Iyon ay ang kanyang matalik na kaibigang si Waldo. Akma na sanang tatawagan ni Rob ang kanyang kaibigang si Waldo nang makatanggap siya ng isang chat message mula kay Roxy, ang isa sa mga guro ng kanyang anak na si Mavie. Binasa ni Rob ang mensahe mula kay Roxy. "Hi, Rob. How are you? Nag-aalala ako sa 'yo. Medyo hindi ka mukhang okay nang huli tayong mag-usap. If you need someone to talk to, I'm just a chat away." Hindi alam ni Rob pero napangiti siya nang mabasa ang chat message na iyon mula kay Roxy. Sino ba ang mag-aakalang ang kinaiinisang teacher ng asawa ni Rob ay siya pang handang makinig sa kanyang problemang kinakaharap ngayon na may kinalaman sa kanyang misis? Ang babaeng naging dahilan kung bakit nagtaksil si Rob kay Callie noon. Gustong umiwas ni Rob sa tuksong hatid ni Roxy pero base sa ilang beses nilang pagkikita ay mukhang tinupad ni Roxy ang usapan nilang kalilimutan na ang mga naganap sa pagitan nilang dalawa. Kung may balak si Roxy na tuksuhin si Rob ay sana rati pa nitong ginawa ngunit ang tanging ginagawa lamang ni Roxy mula nang muli silang magkita ay ang makipagkaibigan sa kanya. Si Rob lang naman ang hindi napipigilan ang kanyang sariling mag-init ang katawan sa tuwing naaalala ang makasalanang gabing pinagsaluhan nilang dalawa ni Roxy. Kaya naman naisip ni Rob na wala naman sigurong masama kung makikipagkita siya kay Roxy ngayon para maglabas ng sama ng loob. Kailangan lamang pigilan ni Rob ang kanyang sariling matukso sa babaeng kinaiinisan ng kanyang asawa. Muling bumalik sa isipan ni Rob ang kagustuhang makaganti sa kanyang asawa. Hindi niya sigurado kung kakayanin ba ng kanyang konsensya ang gumanti kay Callie sa paraang kanyang naiisip. Magagawa nga ba ni Rob na muling pagtaksilan ang asawang si Callie? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD