CHAPTER 21

2252 Words

CALLIE's POV Malalim akong nagbuntung-hininga pagkarating ko sa tapat ng isang nitso sa cemetery na aking pinuntahan ngayong araw. Dumaan muna ako rito bago dumiretso sa trabaho. Gusto ko lang dalawin ang puntod ng aking pinakamamahal na kaibigan. Maraming taon na rin ang lumipas mula nang lisanin ng aking kaibigan ang mundong ito. Ngunit hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa aking puso. Binasa ko ang pangalang nakalagay sa lapida ng nitso ng aking best friend. Bernadette Valeriana. Wala sa loob na napatingala ako sa kalangitan at payak na ngumiti. Animo'y nakikita ko sa itaas ng mga ulap ang mukha ng aking kaibigan at nginingitian niya ako mula roon. Muli akong huminga ng malalim bago ko muling itinuon ang aking paningin sa nitso ng aking kaibigan. Inilapag ko ang aking dalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD