ROXY's POV Kagat-labi akong nakangiti habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Ilang oras nang nakaalis si Rob mula sa paghahatid sa akin dito sa aming apartment unit ni Fiona pero hindi pa rin nawawala ang kilig sa aking puso. Napaka-gentleman ni Rob. Inalalayan niya pa talaga akong bumaba mula sa kanyang kotse. At syempre, napakabango ni Rob. Hindi halatang galing sa work. Ang sabi pa sa akin ni Rob ay hindi na raw niya tinapos ang kanyang meeting with the branch managers ng kanilang pagmamay-aring chain restaurant nang mabalitaan niya ang nangyari sa akin at ang kanyang kapatid na ang nag-takeover sa pag-facilitate ng meeting. Agad daw siyang nagpunta sa hospital para i-check kung okay talaga ako. Ang feeling ko tuloy ay ang haba ng aking hair dahil sa ginawang iyon ni Rob. Obvio

