NASA KUSINA kami at naghahanda ng kakainin ng may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako dito at nginitian.
"Gising ka na pala kuya." Ngiti ko dito. Pinigilan kong maging emosyonal sa harap nila. Lumapit ito sa akin at yumakap.
"I miss you li'l sis." Bulong nito at naramdaman kong nabasa ang balikat ko kaya hinagod ko ang likod nito.
"Mas namiss kita kuya." Nakapikit na saad ko dito. Lumayo ito sa akin at ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako. Di pa rin talaga nagbabago.
Nakita kong nakangiti si Xandie at Angelica sa amin kaya nginitian ko din sila.
Matapos ang niluluto, naghanda na kami sa lamesa at kumain. Napatingin kami kay kuya ng matapos ito at tumayo palabas ng bahay. Nagkibit balikat na lang ako at kumain.
*****
Matapos maghanda sa pagpasok, isa isa kaming bumaba at nagpaalam kay kuya na papasok na kami. Nakakunot noo itong tango.
Nginitian ko lang ito at naglakad na. Narinig ko pa ang huling sinabi nito na ikinahinto ko.
"Be careful. Enemy will attack anytime." Makahulugan na sabi niya.
Hanggang sa pagpasok ay naging palaisipan sa akin iyon. Nabalik lang ako sa reyalidad ng may magsalita sa tabi.
"You're Spacing out." Rinig kong sabi ni Timothy kaya napatingin ako dito. Seryoso itong nakatingin sa akin at sinusuri ang mabuti ang kilos ko.
"What's bothering you?" Taas kilay na tanong niya kaya napangiti ako dahil sa itsura niya. Nawala ang seryosong mukha niya at napalitan ng ngiti.
"Suuus! Gusto mo lang pala na kausapin kita para ngumiti ka." Ngiting saad nito. At natawa talaga ako dahil naging bulate siya na animoy kinikilig.
"Yan! Tumawa ka. Hindi yung nag iisip ka nang kung ano ano." Ngiti nito at pinisil ang mukha ko.
"Pwede ka naman mag isip kung ako yung iisipin mo!" Kinikilig na saad nito. Sinapak ko ang balikat niya at tumawa.
"Ang swerte mo naman kung iniisip kita!" Natatawang saad ko. Pinisil niya ulit ang mukha ko at diniinan ng pagkalakas lakas kaya napadaing ako.
"Wengya ka Tim! A-araaaaay! Mesekeeet!" Nagmamakaawa kong sabi. Hindi niya pa kasi binibitawan yung mukha ko.
Tinignan ko ito ng pagkasama sama dahil sa ginagawa niya. Tawa lang siya ng tawa. Ako naman ay nakahawak sa kamay niyang nakapisil sa mukha ko.
"Huuyy Tim! Bitaw na!" Pagmamakaawa ko dito. At ang loko ay tinawanan lang ako.
"Di ako susuko! Di kita bibitawan!" Kahit na nahihirapan na ako ay naririnig ko pa rin ang bulungan ng mga studyante.
"asaan na ba si Caleb? Paligpit na natin si Timothy."
"Huuyy! Bagay rin pala sila hahaha!"
"Hala namumula na pisnge ni Raine!"
"Humanda talaga to si Timothy kay Caleb!"
"Halaa nandyan na sila Adriaaan!"
"Oh shems! Ang gagwapooo!"
"Wala na talaga tayong pag asa dre. Mahirap kalabanin yang BIA eh."
"Pati yung Caleb at yung Timothy mahirap kalabanin hahaha!"
Napabitaw lang si Timothy ng may tumapik sa kamay niya.
Kahit busy ako sa paghaplos ng pisnge ko dahil sa sakit ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa lalaking seryosong nakatingin kay Tim.
Kyle
"Pinakilala kita sa kanila." Seryosong sabi ni Kyle kay Tim na nakakunot noo na. "Pero hindi ko sinabing LANDIIN mo siya." Madiin na sabi nito na nakaturo sa akin.
Medyo lumayo ako dahil sa kaba. Shemay! Ako na naman!
Napatingin ako kay Tim na bahagyang tumawa. Nakayuko pa ito at umiiling iling.
Sumandal si Tim sa pader at inilagay ang isang kamay sa kanyang bulsa.
"Hindi ko naman siya nilalandi," nakangiting tugon nito kay Kyle na animoy papatay dahil sa matalim na mga mata ang nakapukol sa kanya.
"Pinapatawa ko lang naman siya. Masama ba?" nakangising saad nito.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
Aamba na sana si Kyle ng suntok ng bigla akong humarang. Napatigil ito at tumingin sa akin ng nagulat.
"Raine. . . ."
"Please stop. . ." malungkot na saad ko. Tumingin muna ito kay Timothy ng masama bago ibaba ang nakakuyom niyang kamay.
"Leave before I punch your face." May diin na sabi ni Kyle sa nakangising si Timothy.
pinandilatan ko ito ng mata na para bang sinasabi kong umalis ka na.
Kumindat muna ito sa akin bago tuluyang umalis ng room.
Agad naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa mabigat na tensyon.
Sumenyas ako kay Kyle na umupo na. Lumapit na rin ako sa pwesto ko at naupo.
******
Matapos ang klase ay iniligpit ko ang aking gamit upang makaalis ako agad. Pupunta ako ng Ospital para bisitahin si Dad at si Mang Jun.
Ilang araw ko ng hindi nakikita si Caleb. Hindi ko alam ang dahilan niya dahil una sa lahat, hindi ito nagsabi sa akin at hindi siya nag rereply sa mga message ko.
Ng matapos sa pagligpit ng mga gamit, lumabas na ako at tumungo sa gate upang maghintay ng taxi.
Nakarating agad ako sa ospital. Nakita ko agad si mama na may kausap. Pamilyar ang katawan ng lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ito.
"Caleb..." Mahinang saad ko. Napansin ko na may kasama itong babae. Hindi ko mamukhaan dahil nakatalikod ito.
Kulot ang buhok nito na kulay brown.
Nagsimula akong maglakad ng mabagal patungo sa kanila. Nakikita ko ang ngiti sa labi ng aking mama habang kausap si Caleb at ang babae.
Nakangiting napatingin sa akin si mama at agad akong tinawag.
"Rainne! Darling." Natutuwang lumapit ito at niyakap ako. Yumakap ako pabalik at hinagod ang likod ni mama.
"Kamusta po kayo? Si dad, how is he?" Tanong ko ng maghiwalay kami sa pagyakap.
Napalitan ng malungkot na ngiti ang kaninang masayang mata.
"D-darling huwag ka ng masyadong mag isip at mag-alala, okay naman ang Dad mo at si Mang Jun, ako ng bahala dito okay?" saad ni Mom. Napabuntong hininga naman ako at napatingin kay Caleb at ngingiti sana ako ng napansin ko ang babaeng nasa gilid niya. Halos kumulo ang dugo ko dahil nakangisi ito sa akin.
"what are you doing here Angela?" inis na saad ko sa babaeng kasama ni Caleb. His Childhood friend. Hindi ko alam kung bakit nandito siya, I hate her attitude. Napataas ang sulok ng labi ko sa inis.
"Well you know naman itong si Babe Caleb hindi ako matiis kaya he pick me up on the Airport nung Monday and nagstay siya ng ilang araw sa house namin hihihi! I'm so lucky to have him!" saad nito sa matinis ns tono.
Napatingin ako kay Caleb at sinuri ito. Siya ba ang dahilan kaya hindi siya nagrereply? Nakita kong umiwas ito ng tingin sa akin at lumunok na animo'y kinakabahan.
" Ah okay, will you excuse me? Bibisitahin ko lang muna si Dad and Mang Jun. Bye." saad ko dito at nginitian ng peke. Tumingin din ako kay Caleb at nginisian.
"Wait Rainne! Sasam–" saad ni Caleb ngunit pinutol ko na agad ito.
"Wag na, samahan mo muna yung Childhood FRIEND mo at ilibot sa Ospital. Baka kasi curious siya tsaka pakita mo na rin yung mga Hospital Beds baka may magustuhan siya doon, ibibigay ko." saad ko at ngumiti.
Pagkatapos ay umalis na ako at dumiretso sa Room ni Dad.
Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang kamay.
" D-dad, gusto kong gumising ka na." pigil luhang saad ko. Pinag masdan ko ito at niyakap. Hindi ko mapigilan na umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Humiwalay ako ng yakap at tumingala upang hindi ns bumagsak pa ang aking luha.
Tumayo ako at aalis na sana ng biglsng may humablot sa aking kamay. Napatingin ako at nagulat sa nakita.
"D-dad. . ."
"Darling. . ." nanghihinang saad nito sa akin. Halos manginig ako at manghina kaya bago pa ako mapaupo at tinawagan ko na agad si Mama at sinabing gising na si Dad. Narinig kong mapaiyak ng malakas si Mama sa kabilang linya kaya naiyak na rin ako.
*******
Nakaupo ako ngayon sa labas ng kwarto ni Dad at nakayuko. Si Mama ay kanina pa palakad lakad at nandito rin ngayon si Caleb at Angela. Gusto ko man paalisin sila ngunit hindi ko na lang sila pinakelaman. Narinig kong bumukas ang pinto kaya't agad akong napatayo at lumapit sa Doctor.
"Doc, anong lagay ng Dad ko?"
"Kamusta ang asawa ko Doc?" saad ng aking ina na namumula ang mata sa kakaiyak. Sobra akong nasasaktan na nakikita kong ganyan ang Mama ko.
"Okay na ang pasyente, pinatulog muna ulit namin siya dahil mabibigla ang katawan niya. Sa ngayon, hintayin na lang muna natin magising ang Asawa niyo Misis." lintanya ng Doctor at nagpaalam.
Nakita kong napaupo ang Mama ko kaya't niyakap ko ito ng mahigpit.
"Mama, everything will be alright." saad ko dito at ngumiti.