NAGISING ako ng maaga at ginawa ang aking Daily routine. Matapos ay masayang bumaba ako at nakitang nagluluto si Mama kaya't agad kong niyakap ito. "Maaaa! Ang lambot mo hahaha!" yakap yakap na saad ko dito. Narinig ko naman na tumawa ito ng mahina at humarap ito sa akin at niyakap ako pabalik. "Asuus ang anak ko naglalambing, may masaya bang nangyari sayo Darling?" lintanya ni Mama at hinaplos haplos ang ulo ko. "Opo! Syempre gising na si Dad tapos nakikita ko na ulit na masaya ka pati si kuy–ay wait lang ma, Nasaan pala yung oppa ko?" nagtatakang tanong ko at sinilip silip pa ito kunwari sa sala. "Hoy ulan! Aga aga nag iingay ka! Natutulog pa yung kuya mong pogi eh!" saad nito. Napatawa ako ng malakas ng makita itong nakapikit pa at nakapogi sign. Magulo rin ang bagsak nitong buho

