"you know what guys, pansin ko lang kay Rainne na nangangayayat siya."
"teka! Diba nag take out naman siya kanina ng pagkain sa Cafeteria?"
"you're right Xandie! We buy foods kanina and i think hindi niya ito nakain because pumasok na ang teacher natin diba?"
Napamulat ako dahil sa ingay na aking narinig. Dahan dahan akong tumayo ngunit agad akong inalalayan ni James at Adrian upang makaupo ng maayos.
Napahawak ako sa aking ulo dahil nananakit ito.
"Nahilo ka kanina at nahimatay Rainne kung sakaling hindi mo matandaan." saad ni James sa nag aalalang tono.
"Ako nga pala ang bumuhat sa isang paa mo, napakabigat sobra hays." iling na asik naman ni Bryan kaya't natawa ako ng mahina.
"ako rin pala ang bumuhat sa kabila mong paa, hindi naman mabigat eh! Talaga tong si Bryan! Ang gaan gaan parang isang sako ng bigas." bigkas naman ni Amiel na animoy proud na proud pa. Agad agad naman silang binatukan ni Kyle Adrian.
"yun na nga lang ambag niyo kay Rainne ganyan pa kayo? Tsk." asik ni Kyle at umiling iling. Tawang tawa na talaga ako kaso napatingin ako kay Ethan. Nakataas ang kilay nito sa akin at umirap.
"Why are you looking at me? Do you think gagawin ko rin ang ginawa nila? No way." malamig na saad ni Ethan kaya't imbis na mainis ay natawa ako. Lagi na lang kasing galit sa mundo ang lalaking yun eh.
"loser ka talaga Ethan, hindi ka naman talaga tumutulong eh at never kong nakita na may ginawa kang mabuti samin." Angelica said at halos mapanganga kaming mga girls dahil sa narinig. Hindi ko alam kung saan ba ako magugulat, sa pagsalita niya ba ng straight na tagalog o sa pagsalita niya ng masama kay Ethan.
Tumingin ng masama si Ethan kay Angelica at pagsasalitaan sana ng unahan siya ni Adrian.
"Guys wait! Hindi oras ng pagtatalo okay? Si Rainne kakagising lang at kailangan niya ng katahimikan pwede?" halos natahimik naman ang lahat sa pagsalita ni Adrian but of course ang itsura ni Ethan ay hindi pa rin maipinta. Tahimik naman na nakamasid si Caleb at panay tingin nito sa akin.
"By the way, salamat pala sa pagtulong at pagbuhat sa akin dito. Pasensya na kung naistorbo ko kayo." nakayukong saad ko sa mga kaibigan ko.
"Ano ka ba Rainne okay lang yon, tsaka si Ca-hmmp!" pagsasalita ni Charm ngunit naputol ito ng takpan ni Caleb ang bibig ni Rainne. May ibinulong si Caleb kay Charm at nanlaki ang mata nito at tumango tango.
Naramdaman kong sumasakit ang tyan ko kaya't hinanap ko ang aking bag.
" Shielaaa, paabot ako ng bag please? Nandoon yung pagkain ko kanina eh." agad naman tumango ito at kinuha kay Caleb ang aking bag. Lumapit sa akin si Shiela at inabot ito. Bago umalis ay binulungan ako nito.
"Ganda mo girl, Sana all." Ngiting pang asar nito sa akin. Napakunot noo naman ako dahil sa kanyang sinabi. Ano daw?
Habang ngumunguya ay kinuha ko ang aking phone. Itetext ko sana si Mama ngunit naalala ko ang message na sinend sa akin. Palihim kong inopen ito at nagmasid sa mga kaibigan ko kung nakatingin ba ito sa aking gawi. Nang mapansin kong busy na sila sa kani kanilang ginagawa ay inopen ko ito at binasa.
From: 09********2
Mukhang masaya ang pinaka mamahal ko ah? I have been stalking you all the time and I can see and I can feel that may mga asungot na umaaligid sayo? Nagagalit ako mahal ko, sinong uunahin kong patayin sa kanila?
Napahigpit ang hawak ko sa aking Phone dahil sa muling nabasa. Wala akong idea kung sino ang nagttext sa akin. Tinignan ko ang numero ng nag text at sinave ito sa aking contacts.
Nagulat ako ng biglang may magsalita sa tabi ko.
"uhm Rainne, pwede ba akong pumunta mamaya sa bahay niyo?" diretsong tanong ni Caleb. Ngumiti naman ako dito at tumango.
"Oo naman, lahat ng kaibigan ko welcome sa bahay." pilit kong ngiti dito. Bigla ko kasing naalala yung sa Childhood friend niya. Bahagyang kumirot ang puso ko ng maisip ko ulit ang nangyari.
Napakamot naman ito sa batok. Magsasalita na sana siya ng putulin ko ito.
"Guys nasaan pala si Timothy?" pag iiba at pag iwas ko sa sasabihin ni Caleb. Alam kong iniisip ngayon ni Caleb na iniiwasan ko yung topic na yon kaya't nanahimik na lang siya.
Tumingin sa akin si Adrian at nag pout.
"Bakit mo hinahanap ang lalaking yon? Nandito ako Rainne na palaging nasa tabi mo." saad nito sa nagtatampong tono. Bakit ang cute ni Adrian?
Lumapit ako dito at pinisil pisil ang mukha. Sobrang cute talaga ni Adrian at hindi ko mapigilan na pisilin ang kanyang mukha.
Nakatingin pa rin ito sa akin at nag papaawa. Nakanguso pa rin ito at ewan ko ba kung ano ang sumapi sa akin ng biglaang hinalikan ito sa labi.
Nakatulalang nakatingin ito sa akin at unti unting namula ang kanyang mukha at tenga. Nailayo ko agad ang aking mukha at umiwas ng tingin.
Biglang nag init ang mukha ko. Nakahawak lang ako sa aking pisnge ng makarinig ako ng kalabog. Halos mapatingin kaming lahat sa upuan na nasira. Doon ko lamang napagtanto na doon pala nakaupo si Caleb.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko at halos gusto ko ng magtago dahil sa mga mata nilang mapanuri.
Nakita ko si Charm na nakangisi at umiiling iling. Pumapalakpak pa ito na animo'y nanalo siya sa pustahan.
"May nanalo na guys, hahaha!" saad ni Des at nakipag apir kay Shiela.
"nakatulala sa isang tabi~" rinig kong kanta ni Charm at tumatawang nakisabay si Xandie.
Nakita ko naman sina Amiel na hinahagod ang likod ni Adrian.
"Magiging okay din ang lahat Kyle, kaya mo yan." nagpipigil na tawa ni Amiel. Halos mamula naman ang mukha nito dahil sa pagpipigil ng tawa.
"tibay at lakas ng loob lang bebe Kyle, babalik ka rin sa ulirat." natatawang saad ni Bryan. Napatingin ako kay Kyle na nakahawak sa kanyang labi.
Nahihiyang kinuha ko ang unan at tinaklob ito sa aking mukha.
Arggh! Ito na ata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko!
Pagkausap ko sa aking sarili at muling humiga.
********
Hinatid ako nila Adrian kasama sila Bryan, James at Amiel. Kasama rin namin sina Xandie at Charm. Noong nakaraan kasi ay si Angelica ang naki sleep over samin kaya't si Charm naman daw muna. Si Xandie naman ay gustong mag sleep over ulit sa amin kaya't nagpaalam siya kay Tita at pinayagan naman siya nito.
Nang makalabas sa sasakyan ay agad na sumalubong sa akin si Mama at niyakap ako. Ngumiti ako at niyakap rin ito ng pabalik.
"Darling naman, wag mong pabayaan sarili mo okay? Kayo na lang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin ngayon." naiiyak na saad sa akin ni Mama. Hinawak hawakan niya ang mukha ko at sinuri.
"Nangayayat ka anak oh, tsaka dumaan dito si Caleb may iniwan lang siya at umalis na." saad ni Mama at niyakap ulit ako. Naisip ko na naman yung kanina. Isinawalang bahala ko naman ito agad.
"Ma okay na po ako, kulang lang talaga ako sa kain kaya nangyari yung kanina." pag aasure ko kay Mama. Humiwalay ako sa kanyang yakap at tumingin kina Adrian.
"Ma sila pala yung mga bago kong kaibigan, sikat po yang mga yan sa School." Ngiting sambit ko. Lumapit naman si Adrian kay Mama at nagbless. Nagtilian at nagkantyawan naman ang kanyang mga kaibigan ganon din sila Xandie at Charm.
"Good Afternoon po Tita." magalang na saad ni Adrian at nahihiyang kumamot sa kanyang batok.
"pareng Adrian, Napaka bilis mo! Tita agad?" mahinang asik ni James kay Adrian.
"Bebe Kyle, mahina ka, dapat Mama agad!" saad naman ni Bryan at sumuntok pa sa hangin.
Ngumiti si mama sa kanila. Niyaya niya kaming pumasok upang Maghapunan. Hapon na rin kasi ng makarating kami sa bahay. Pagtapos kumain ay nagpaalam na ang magkakaibigan na sina Adrian.
"Tita salamat po sa pag bake samin, sa uulitin na pagpunta ulit namin." saad ni Adrian at nagmano ulit. Napaubo si Amiel at nagsi sunuran naman sila James at Bryan.
"*cough* ehem! Uulit ka pa talaga pareng Kyle ha?" saad ni James at umiling.
"Real quick ka bebe Kyle, by the way Salamat po Tita sa pagpapatuloy at pag papakain samin." lintanya naman ni Bryan at nagmano na.
Napangiti na lang ako sa mga inasta nila. Napahinga ako ng malalim. Ang swerte ko dahil nakilala ko sila at naging kaibigan ko sila. Ngumiti ulit ako at hinatid sila sa gate.
Humarap sakin si Kyle at humawak sa kanyang batok.
"A-ah Rainne salamat pala ulit, at mag-iingat ka ha? Kumain ka ng marami para bumalik yung lakas mo."
Saad ni Kyle at nakita kong nag mistulang bulate si James.
"Fafa Kyle! Kinakagat na ako ng langgam oh!" lintanya ni James at ginawa pang babae ang kanyang boses.
Tumawa naman ng malakas si Bryan at ginaya rin ang ginagawa ni James.
Binatukan naman sila ni Kyle at humarap ulit sakin.
"Sige na mauna na kami. Papainumin ko lang ng gamot tong mga to." nakangiting saad ni Kyle sa akin at ngumiti rin ako.
"Sige ingat kayo ha? Magtext kayo o tumawag kapag nakauwi na kayo." pagpapaalala ko sa kanila at nakita kong namula ang mukha ni Kyle. Di ko alam pero napangiti ako ng palihim sa inaasta niya.
Nagpaalam naman sila at natawa ako dahil si James ay hindi pa rin tumitigil sa pagiging bulate niya hanggang sa makasakay sila ng sasakyan. Kumaway ako sa kanila bago makitang papaalis na ito. Matapos maisara ay nakita kong tumatakbo si Charm papunta sa akin.
"Beshy Rainne! Dali! Tignan mo yung binigay ni Caleb sayo!" excited na wika ni Charm.
"Ano ba yung binigay niya?" takang tanong ko dito.
"Ehh basta! Alam kong magugustuhan mo yun hihihi!" kinikilig na saad ni Charm. Tumawa na lang ako at pumasok na sa loob.
******
Nakatulala ako sa harapan. Feeling ko patulo na ang laway ko dahil sa nakikita.
"I told you Beshy Rainne magugustuhan mo talaga yan hahaha!" tawang saad nito.
Nasa harapan ko lang naman ang pinaka paborito kong ulam. Adobong Manok na maanghang. Nagniningning ang mata ko dahil sa nakikita. Lalantakan ko na sana ng biglang pinalo ni Xandie ang aking kamay. Nakanguso naman akong tumingin sa kanya.
"Wait lang! Picturan muna natin pang IG lang hehe!" ibinalik ko ang aking kamay at ngumuso.
"Tapos na ba Xandie? Nagugutom na ako." saad ko dito at naririnig ko ng tumutunog na ang aking tyan. Matapos niyang kunan at sinabi niyang okay na ay masayang kukuha na sana ako ang tinapik naman ako ni Mama.
Halos manghina ako dahil may humadlang na naman sa akin. Tinignan ko si Mama na naiiyak na.
"Mama naman ehh! Gutom na akooo!" naiiyak na saad ko dito. Nakahawak na rin ako sa aking tyan at hinihimas ito.
Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Hindi po tayo nag ppray diba? Darling, wag kakalimutan na magdasal sa mga blessings na natatanggap okay? At sa araw araw dapat lagi kang nag ppray." pagsesermon niya sa akin kaya't tumango ako. Nalimutan ko ng magpray dahil sa sobrang nagugutom na ako. Sabay sabay na nagpray kami. Pagtapos ay agad kong nilantakan ang kanina pang nakahain na Adobo.
**
Matapos sa aming pagkain ay siyang pag dighay ko ng malakas. Tumingin naman sa akin si Xandie.
"Busog na busog lang beh? Sarap ba?" pang aasar na wika nito sa akin.
"Oo naman, actually kulang pa nga eh tsaka nagugutom pa ako." seryosong wika ko dito. Tumingin naman si Charm at Xandie sa akin na hindi makapaniwala. Narinig kong tumawa si Mama kaya't nagtaka ako.
"Oh anyare sa inyo Charm? Bakit gulat na gulat?" tanong ko sa kanila at kinuha ang kaunting manok sa plato ko at kinain ito.
"Nevermind." wika ni Charm.
"Wala." saad naman ni Xandie.
Nagkibit balikat na lang ako. Matapos kumain ay nagligpit na kami at nag ayos. Niyaya ko na rin umakyat ang mga kaibigan ko upang mag ayos na sa aking kwarto.
Habang nag aayos ng bed sheet ay nakita kong may kinuhang papel si Xandie sa aking study table kaya't tinanong ko kung ano ito.
"Iniwan ata ito ni Caleb kanina para sayo. Tignan mo na lang." wika ni Xandie at ibinigay sa akin. Bumalik na ulit siya sa pag aayos ng kanyang gamit.
Binuksan ko ang papel at binasa.
Hello Rainne! Alam kong magugustuhan mo yang Adobo na niluto ko para sayo. I hope na magkabati na tayo and sorry na kung hindi ako nakapag reply sayo nun. I miss you Rainne ko! Naiiyak na ako dahil hindi mo ako masyadong pinapansin eh, sorry na please?
- Caleb ?
Napangiti naman ako. Hay! Hindi ko talaga matiis ang bestfriend ko kaya tinext ko ito. Nagpasalamat na rin ako sa binigay niya at sinabing miss ko na rin siya.
Matapos kong magtext ay naghanda na rin ako. Sabay sabay kaming nahiga nila Xandie at Charm at natawa. Nagkwentuhan lang kami at maya maya ay nakatulog na.