Chapter 18

1272 Words
NAPAMULAT ako ng aking mata ng biglang tumama saking mukha ang sinag ng araw. Kinusot kusot ko muna ang aking mata bago umupo. Napatingin ako sa aking higaan at napangiti. Si Xandie ay naririnig kong humihilik pa. Nakapatong din ang kanyang paa sa akin. Si Charm naman ay nakalaylay na ang kamay sa baba ng higaan at bahagyang nakanganga kaya't natawa ako ng mahina. Dahan dahang umalis ako sa higaan at inayos sila sa pag higa. Matapos ay pumasok na ako sa CR upang mag-ayos. **** Habang hinihintay si Mama matapos magluto ay tinext ko si kuya. To: LovelyOppa? Kuyaaa! Wer r u na? Wag ka na magalit sakin please? Buburahin ko na yung pic mo pag nakauwi ka na dito. Miss ka na ni Mama at miss na rin kita kaya uwi ka na ha? Labyuuu. Matapos masend ay sumandal ako sa sofa at napabuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit iba yung nafifeel ko about kay kuya. Parang may nangyari na hindi ko alam, kasi everytime na nagtatampo o nagagalit siya sakin ay nagrereply pa rin siya ng emoji pero ngayon nakakapagtaka. Naputol lang ang pag iisip ko ng biglang tinawag ako nila Charm na kakababa lang. Sakto rin ay tapos na magluto si Mama kaya't sabay sabay na kaming kumain. **** Nandito kami ngayon nila Xandie at Charm sa labas ng bahay. May lamesa kasi dito at upuan at nasa bahay pa rin naman kasi sakop namin ito. Medyo malayo layo pa ang gate namin. Mula sa kaliwa hanggang sa kanan ay punong puno ng mga flowers at halaman. Nagpapahangin lang muna kami kasi mamaya tuturuan ko ulit sila gumamit ng dagger. Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga kaibigan kong gangster. Sa kanila ko natutunan kung oaano gumamit ng dagger at sila rin ang nagsabi sakin na pwedeng ipang self defense ko ito. Naalala ko pa na parang maliit na espada yung pinapagamit nila sakin pero sinuggest nila na push dagger ang gamitin ko para hindi daw makita. I can wear it like a necklace and I can put it on the side of my waist just like a police. They were kind to me at kapag nasa school ay ordinary students lang sila but when they're outside ay mga gangsters sila. I've known them because when I was in second year High School, Classmates ko sila. Natawa ako ng maalala ko kung paano talaga kami naging magkakaibigan. Hindi ko kasi sinasadyang masundan sila sa eskinita noon. Doon ko nakita na may binubugbog sila. Sobrang natakot ako noon kaso biglang napatingin sa akin yung isa kong classmate kaya kahit nanginginig ay tumakbo ako but in the end nahuli pa rin nila ako. Inexplain naman nila sa akin kaya naging okay kami at naging mag kakaibigan. Nabigla na lang ako ng biglang may sumigaw sa tenga ko kaya't napa aray ako. "Ano na beshy Rainne?! Akala ko ba tuturuan mo kami mag dagger?!" patanong na wika ni Charm. "Nakita mo na ngang ngumingiti yan mag isa kanina eh. Hay nako! Si Caleb ba o si Adrian iniisip mo?" pang aasar naman ni Xandie sa akin kaya't agad ko itong nabatukan sa biglaan niyang tanong. "Tara na nga! Kung ano ano na iniisip niyo eh." pag iiba ko dito at tumayo na. Ibinigay ko na rin sa kanila ang push dagger na binili ko para sa kanila. Credits to The rightful Owner  The Color of their Push dagger are plain black. Actually, sobrang liit lang nito at talagang masasabi mo na kasyang kasya ito sa bulsa. Tinuruan ko muna sila kung ano ba talaga ang pag gamit nito. Ipinakita ko sa kanila kung paano ko inilagay ang push dagger sa pagitan ng dalawang daliri ng aking kamay. Ipinakita ko kung paano ko flinip ang braso pataas sabay pwersa sa kalaban. Ginaya naman nila ako at pinag aralan nila ito ng mabuti. Nakita kong nag aaral talaga sila kung paano gamitin yon kaya't napangiti ako. Matapos nilang gawin iyon ay uminom muna sila saglit ng juice na binigay ni Mama para samin. Itinuro ko na rin sa kanila yung isa sa pinaka paborito kong gawin sa dagger. Pinakita ko sa kanila kung paano ako tumingin sa target at sabay hagis ng push dagger. Napa singhap naman sila ng tumama ito mismo sa gitna. "Wow Bullseye!" tili ni Charm dahil sa pagkamangha. "Hala Couz dali turuan mo rin kami non! Para kapag sinaktan ako ng future boyfriend ko ay ihagis ko lang to sa kanya at boom! Bullseye!" saad naman ni Xandie at sumuntok pa sa hangin. Natawa naman ako ng malakas dahil sa kanila. Hindi na lang ako umimik at tinuruan agad sila. Matapos ang apat na oras ay nagyaya na silang pumasok sa bahay kaya't niligpit ko na ang gamit ko. Nang papasok na kami sa loob ay biglang may nagtext sa akin kaya't agad ko itong inopen at binasa pero hindi na lang sana. From: Stranger Mahal ko kamusta ka na? Sorry kung may nangyari sayong masama dahil sakin. I promise di ko na uulitin pero pag may nanakit sayo I'm willing to do a mistake again by killing them. Anyway tanggapin mo ang regalo ko sayo sa labas ng gate niyo. If ever na di mo kunin, ano kayang pwedeng gawin sa mga kaibigan mo ngayon na kasama mo? Namutla ako ng mabasa ko ang huling sinabi nito. Nanghihina rin ang tuhod ko at halos matumba na ngunit nakahawak pa ako. Tumunog ang doorbell kaya't Tinawag ko naman ulit sila Xandie upang hintayin ako sa pinto ng bahay dahil bubuksan ko lang ito. Matapos makapunta sa gate ay dahan dahan ko naman itong binuksan at tumingin tingin sa labas ngunit may nakita akong box na nakalapag kaya't agad agad ko itong kinuha. Tumingin muli ako sa labas upang makumpirma kung nandoon ba ang lalakeng nag tetext sa akin ngunit ni isa wala akong nakita. Napahinga naman ako ng maayos kaya't inilagay ko na ulit sa tagiliran ko ang push dagger na hawak hawak ko. Naririnig kong sumisigaw sila Xandie at nagtatanong kung sino daw nagbigay ng box na hawak kaya't ng nakatalikod na ako ay biglang may tumawag sa akin. "Ms. Martinez." wika nito sa mababang tono kaya't napaharap ako ngunit nanlaki ang aking mata at biglang nanghina ng malaman na bigla ako nitong sinaksak sa tagiliran. "RAINNEEEE!" sigaw ni Xandie at Charm at nagmamadaling tumakbo sa kinaroroonan ko. Bumagsak ako sa lupa at pinipilit buksan ang aking mata ngunit dumadalawa ang paningin ko. Kinakabahang lumapit sa akin si Xandie at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha at bahagyang nanginginig na labi. "Please R-rainne w-wag ka muna pipikit okay? Tumatawag na kami ng ambulansya, k-k-kaya p-please w-wag kang p-pipikit." nahihirapan na wika ni Xandie dahil sa sobrang pag iyak. Hinawakan ko naman ang kamay nito at ngumiti ng nanghihina. Kahit nanlalabo na ang mata ko ay nakita kong tumatakbo si Mama patungo sa akin at si Charm naman ay may tinatawagan. Sobrang nahihirapan na ako pagpilit na buksan ang aking mata. Napasigaw ako ng biglang sumakit ang tagiliran ko. Halos yakapin naman ako ni Mama ng sobrang higpit at hindi ko maiwasan na masaktan ng marinig kong humahagulgol ito ng iyak. "D-darling a-anak. . . p-please wag mo r-rin gawin sakin t-to! p-please m-mahal na mahal kita anak ko!" pag susumamo ni Mama at pag iyak nito ng sobra. Napatingin na lang ako sa langit. Tumulo ang luha ko dahil sa nararanasan. Unti unti na rin pumipikit ang aking talukap. Narinig kong niyuyugyog nila ako upang magising ngunit nag dilim ang aking paningin at bago mawalan ng malay ay narinig ko pa silang nag sigawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD