RAINNE'S POV*
One week later
"HAHAHAHA! Naalala ko na naman yung kagabi na nagkagulo tayo at nagtakbuhan dahil sa takot!" pagtawang malakas ni Bryan. Nag stay kasi silang lahat sa bahay including Adrian and Caleb. Ewan ko ba sa mga yan kung anong trip at bakit nag overnight sila kagabi samin.
"Oo nga eh kaso naalala ko si Ethan nakaupo lang at tinitignan lang tayo!" kunwaring nagtatampo na saad ni James. Lumapit naman sa kanya si Shiela at yumakap. Muntik ng msibuga ni James ang iniinom niyang Milktea dahil sa biglaang pagsulpot ni Shiela.
"Hoy Shiela! Umalis alis ka nga sa tabi ko! Dikit ka ng dikit saken!" pagtataboy ni James matapos makabawi sa pagbuga ng iniinom. Lalo pang isiniksik ni Shiela ang kanyang sarili kay James at halos matawa naman kami ng makita namin si James na namumula na at paiyak na.
"Ehh kasi naman bebe James ko nakita kitang may kasamang babae eh! Nakayakap ka pa sa kanya samantalang sakin nagagalit ka." pagtatampo naman ni Shiela. Patuloy lang sila sa pagtawa at napangiti ako.
"Rainne, free ka ba mamaya?" napatingin ako sa lalaking biglang nagsalita. Halos kapusin naman ako ng hininga ng malaman kong si Adrian ito. Naalala ko na naman yung kahihiyan na ginawa ko sa kanya nung nahimatay ako noon. Napaiwas ako ng tingin at lihim na humawak sa mukha dahil sa biglaang pag init nito.
"A-ahm, wala naman akong gagawin kaya f-free ako." nauutal na wika ko. Natanaw ko si Caleb na nakatingin sa aming dalawa. Ngumiti siya sa akin ngunit nakitaan ko ito ng pilit at lungkot. Hindi ko alam kung bakit ang nakita ko sa kanya.
"Sige samahan mo naman ako mamaya bumili ng pang regalo sa bunso kong kapatid. Birthday niya kasi bukas eh." nahihiyang bigkas nito sa akin. Tumango naman ako at sinabi sasamahan ko siya.
"By the way, bakit hindi ko na nakikita si Timothy?" takang tanong ko rito. Nakita ko naman na nag iba ang mood niya kaya nagsalita ulit ako.
"You know kaibigan naman natin siya, ang pinagtataka ko lang is parang hindi ko na siya masyadong nakikita." dugtong na saad ko. Napabuntong hininga naman siya at nagsalita.
"Alam mo sa totoo lang, He's my bestfriend nung grade 1 hanggang grade 8. Pero ayaw ng daddy niya na maging kaibigan ako ng anak niya so kahit ayaw namin ay lumayo kami at hindi nagpansinan." pag kukuwento ni Adrian sa akin. Napatango naman ako.
"Pero nitong last last week nagkausap kami at yun na ang huli." pagsasalita ni Adrian at ngumiti ng malungkot.
"Kinuwento niya sa akin na gustong ipahandle sa kanya ng Daddy niya ang kumpanya nila. I don't know why, pero alam mo may tiwala ako doon kay Timothy. Mabit yon at hindi yun gumagawa ng masama. Ang Daddy niya lang ang masama pero hindi ko alam kung anong klaseng pagiging masama siya." mahabang lintanya ni Adrian. Napaisip ako.
"Anong pangalan ng Kompanya nila?"
Tanong ko.
"Gracias Company." maikling wika niya.
Tumango naman ako. Naalala ko isa pala siyang Gracias so ipinangalan nila yung kompanya nila ng Apelyido nila. Muling nagsalita si Adrian na ikinapukaw ng atensyon ko.
"Balita ko hindi naman daw ganoon si Mr. Gracias yung daddy ni Tim. May naging kapartner daw ito sa isang kompanya noon na sobrang sikat talaga at maasenso. Ang kaso si Mr. Gracias ay nahulihan ng mga documents na nagtatransfer ng malaking pera sa sarili niyang bangko at galing yung pera sa kompanya nila.Balita ko rin na matalik silang magkaibigan noon nung kapartner ni Mr. Gracias." pagkukwento nito.
" Anong pangalan nung kompanya nila noon at sino yung kapartner niya doon?" tanong ko rito. Curious na curious talaga ako at hindi ko alam kung bakit. Halos kapusin ako ng hininga ng nagsalita ito at nagkaroon ng idea ang utak ko.
"'Fortunato e Amore' ang pagkakaalam ko pero hindi ko alam kung sino ang kapartner ni Mr. Gracias sa kompanya na yon. Wait Rainne bakit bigla kang namutla?" saad nito nag alalang tumingin sa akin. Umiling ako ng mabagal. Matapos malaman ay nag paalam ako sa kanya na may gagawin lang ako. Nandito kami sa School ngayon pero mukhang mapapaaga akong umuwi. I need to check something para ma confirm ko ang mga bumubuo sa isip ko.
****
KYLE ADRIAN'S POV*
Tumayo ako matapos ang last subject namin. Lumingon ako sa mga kaibigan ko ng tawagin nila ako including Rainne's friend.
"Uhm Kyle where's Rainne pala?" Angelica asked. Napatingin ako kay Ethan and I saw him looking into Angelica's direction. Napangisi ako ng bahagya itong ngumiti. Humarap ulit ako kay Angelica at nagsabi.
"Umalis siya kanina. Sabi niya may gagawin lang daw siya pero magkikita kami mamaya." napakagat ako ng labi upang pigilan ang aking pag ngiti sa naisip. Narinig ko namang naghiyawan sila Shiela at napatingin pa ako sa mga studyante na nakikinig sa gawi namin at tumitili. Napailing na lang ako at muling humarap sa kanila.
"Magpapasama lang ako sa kanya bumili ng regalo para sa kapatid ko. Diba birthday ni Kyla bukas?" saad ko sa kanila. Alam ko naman na nagdududa sila sakin eh hahaha!
"Sus! Noon pa man tayo na nagsasamahan sa isa't isa? Tapos ngayon kay Rainne ka magpapasama? Wag kami brader!" pang aasar ni James sakin kaya't hinagisan ko ito ng papel na kinusot ko.
"kaya nga eh idedat–araaay ko! Bakit ka namamato!" nagkakamot sa ulo na saad ni Bryan dahil binato ko ito ng pambura. Ang iingay kasi eh. Napahinto kami ng magsalita si Caleb.
"Mauna na ako sa inyo, may gagawin pa kasi ako at nagmamadali ako." saad nito sa amin at pilit na ngumiti. Tumango naman sila Xandie at kumaway naman ito sa amin. Tumingin pa ito sa akin at ngumiti ng bahagya. Katahimikan ang namuo sa amin kaya't binasag ko ito.
"Mauna na rin ako sa inyo baka malate pa ako sa meeting place namin ni Rainne. Ingat kayo ha." pagpapaalam ko sa kanila at nagsigawan naman sila Bryan at sinabing galingan ko daw. Nagtawanan naman ang mga babae at nag goodluck sa akin kaya't nginitian ko sila.
*****
Nagmamadali akong tumakbo ng matanaw ko si Rainne nakasandal sa pader at nakatingin sa malayo. Tila malayo ang isip nito dahil hindi niya man lang naramdaman na nasa tabi na niya ako.
"Hey Rainne!" pagpukaw ko sa kanyang atensyon at kumaway kaway pa ako sa harap niya ngunit parang hangin lang ako sa paningin niya.
Tinignan ko ito at nilapit ang mukha ko sa kanya.
"Rainne!" sigaw ko sa mukha niya at nakita kong nagulat siya at biglang napatayo ng maayos at nagdikit ang ilong naming dalawa.
Bigla na lang ako nakaramdam ng kaba at pagbilis ng t***k ng aking puso. Nakakaduling ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa ngunit namumuo pa rin sa akin ang saya dahil nakita ko ang kanyang mukha sa malapitan.
"H-hala s-sorry! Kanina ka pa dyan?" nauutal na bigkas ni Rainne at lumayo ng bahagya. Napaayos naman ako ng tayo at umiwas ng tingin.
"A-ahm. . . Kanina pa kasi kita tinatawag kaso mukhang malalim yata ang iniisip mo." pagsaad ko at bahagyang kumamot sa batok.
Napalayo naman siya ng tingin kaya't hinila ko na ito.
***
"Haaay! Sa wakas makaka kain na rin tayo." saad ko kay Rainne at tumingin pa ako sa kanya. Medyo malayo pa rin ang iniisip niya pero sumasagot naman ito pag tinatanong ko.
"Saan mo gustong kumain Rainne?" tanong ko dito at huminto ako saglit. Tumingin naman ito sa akin at tila nagulat sa pagsalita ko.
"A-ah kahit saan na lang." utal na bigkas nito at bahagyang ngumiti. Pinagmasdan ko ito at tinignan ang kanyang mga kilos dahil mula ng mapag usapan namin ang tungkol kay Timothy ay naging ganito na ito.
"Saan ka nga pala pumunta kanina?" tanong ko dito at bahagyang nagulat ulit ito.
RAINNE'S POV*
"Saan ka nga pala pumunta kanina?"
Tanong ni Kyle sa akin. Kanina pa niya nahahalata na malayo ang iniisip ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya.
Hindi naman masama kung sasabihin ko na sa kanya diba?
"Mamaya ko sasabihin sayo Kyle, kain muna tayo? Sa Jollibee na lang." pagsaad ko dito at ngumiti. Nagdadalawang isip pa itong tumingin sakin ngunit tumango rin ito.
***
Lumapit si Kyle na dala ang number namin para sa inorder namin. Umupo ito sa tapat ko at inilagay ang number.
"Wala ka pa bang ipapadagdag? Pwede pa akong pumila kung gusto mo." pagsaad ni Kyle. Umiling naman ako dito at ngumiti.
"Oo nga pala Rainne punta kayong lahat bukas sa Birthday ni Kyla. Nagsabi na ako kay Mommy na iinvite ko kayo." Kyle said.
"Oo punta kami bukas. Buti na lang pala bumili na ako ng gift para sa kapatid mo." ngiti ko dito at tinignan ang regalo na nabili ko.
Inilapag na sa lamesa namin ang 2 piece Chicken, spaghetti, french fries at yung Coke float na pinabili ko. Napangiti ako dahil sa mga pagkain at hindi ko maiwasang humawak sa aking tyan dahil kumukulo na ito.
Pumikit muna ako at nagpray. Pagdilat ko ay halos di ako makagalaw dahil sa pagtitig sa akin ni Kyle. Ngumiti naman ito sakin kaya't ngumiti rin ako pabalik. Napainom ako ng Coke at halos mangalahati ito.
HABANG kumakain ay tinanong na niya ako kung bakit ako umalis kanina kaya't sinabi ko na sa kanya. Halos maibuga naman niya lahat ng kinain dahil sa nalaman. Nakitaan ko ito ng pag kagulat at may halong inis. Nangangalahati na kami sa pagkain ng napatingin ako sa kanya. Tila malalim ang iniisip ni Kyle dahil halos hindi niya na ginagalaw ang pagkain niya. Napabuntong hininga ako at sumandal. Tinignan ko ito at nagsalita.
"I trust you Kyle. Sana hindi na ito makaabot sa iba." tinignan naman niya ako ng matagal at tumango.
Ipinagkrus niya ang kanyang braso at tumingin sa akin ng diretso.
"If that's what you want then, I'll gladly keep it."
****
KYLE ADRIAN'S POV*
Inihatid ko na si Rainne sa kanilang bahay. Kumaway naman ito sa akin at pumasok na. Saglit pa akong nanatili doon sa labas nila at maya maya'y napagpasyahan ko ng umalis na. Habang nagmamaneho ay iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Rainne. Gustong gusto ko tumulong sa kanya kaya't may naisip akong paraan upang tulungan siya. Iniliko ko ang aking sasakyan papunta sa kaliwa dahil may pupuntahan ako na kakilala ko na makakatulong sa akin.
* * *
SOMEONE'S POV*
". . . Ah yes pa follow up ng mga documents para mapirmahan ko na."
"Oo, as soon as possible mafollow mo na yun. Okay sige, bye." ibinaba ko ang telepono at bumuntong hininga.
Kinuha ko ang tasa at ininom ang tsaa na medyo mainit pa.
Knock knock!
Tumingin ako sa pinto at nagsalita na pumasok na. I saw my son looking at me intently.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap ito.
"Son, Finally! Pumunta ka na ulit dito. I've been waiting for you." masayang banggit ko dito. Bahagya naman itong lumayo at nagsalita.
"Alam mong napilitan lang ako na pumunta dito dahil binantaan mo si Mommy." matalim na titig nito.
Humalakhak naman ako ng malakas. Wala pa rin pinagbago ang anak ko!
"Anyway, after 1 week nandito na ang mga documents na kailangan mo na rin pirmahan para mapasa ko na sayo ang kompanya ko." nakita ko itong kumuyom ang kamao ngunit nginisian ko lamang ito.
"Sa ayaw at sa gusto mo, you need to sign the documents or else, your mom will be in danger." ngising saad ko dito. Kinuha ko ulit ang tasa at bahagyang uminom ng tsaa.
Bumuntong hininga ito at nagsalita na ikinangiti ko.
"I'll promise I will sign the documents pero wag na wag mo ng gagalawin si mommy." saad nito at tumingin sa akin ng masama. Umalis na ito at padabog na isinarado ang pintuan.
Napangisi ako at uminom ng tsaa. Malapit ng mangyari ang mga gusto ko.