NAGISING ako ng Alas Otso dahil sa pagod. Anong oras na rin kasi kami nakauwi ni Kyle kagabi. Naalala ko pa ang pag uusap namin dalawa ngunit pinilig ko ang aking ulo at nagsimulang pumasok sa CR upang mag-ayos. Matapos mag hilamos at mag ayos ay bumaba na muna ako upang makakain ng umagahan. Nakita ko si Daddy na nakaupo sa Wheelchair at nagbabasa ng Dyaryo. Si Mama naman ay naghahanda na sa lamesa ng mga pagkain at si kuya Daniel naman ay nakaupo sa sofa at abala sa pagtipa sa kanyang Cellphone. Nakita ko pa ang ilan sa mga pasa niya sa kanyang katawan kaya't umiwas na lang ako ng tingin. "Oh Darling, ang tagal mong magising kaya't naisipan namin na hintayin ka para sabay sabay tayong kumain ngayon." Nakangiting saad ni Mama sa akin. Niyakap ko ito at hinalikan sa pisnge at ganun kay

