Sa ospital kung saan nakaconfine ang suspek na bumaril kay Nestor, laking gulat ng isang doktor at ng kasama nito ng wala silang madatnan sa kwarto ng pasyente.
"pre, mukhang natakasan tayo" pagkadismaya ng lalaking nakasuot ng pang doktor.
Agad na lumabas ang dalawang lalaking nagpapanggap na doktor upang itanong sa mga nagbabantay dito kung saan napunta ang suspek na nakaconfine sa kwarto.
Laking gulat naman ng dalawang pulis sa nangyari at agad hinalughog ang kwarto ng mabilisan.
"natakasan tayo! Tingin ko ay doon siya sa may kisame ng banyo dumaan, tawagan mo si Raul at tiyak kong di pa yun nakakalayo!" utos ng pulis at dali dali itong lumabas para halughugin ang paligid kung san pwede itong dumaan.
Wala namang sinayang na panahon ang isang lalaki na nakabihis pang doktor at ng kasama nito na makihanap din sa nakatakas na suspek.
Samantala, hirap na hirap man sa kanyang kundisyon ay pilit niyang nilalabanan ang sakit ng kanyang sugat makatakas lang sa ospital.
Ginagapang niya ang masikip na daluyan ng hangin sa itaas ng kisame.
Maingat niya itong ginagawa upang walang makadinig sa kanya.
Habang abala sa paghahanap ang iba sa nakatakas na susupek ay walang kamalay malay si Raul sa nangyayari.
Nakaupo lang ito at umiinom ng pampagising ng biglang may babaeng tumabi sa kanya.
"mukhang nag iisa ka ata? Hindi ka ba nabobored?" tanong ng babae na seksing seksi sa kanyang kasuotan.
Agad naman na dumaan sa mapanuring mata ni Raul ang babae, at talagang napalunok siya dahil kung titignan ay may kagandahan din naman ito at kaseksihan kahit na mukhang ang edad nito ay nasa early 30's.
"hindi naman, medyo nagpapahangin lang" maigsing tugon ni Raul at agad na uminom ito para malihis ang kanyang atensyon.
Napangiti naman ang babae dahil napansin nito na nahulog na ito sa kanyang alindog.
"well, by the way, im Veronica, and you are?" pagpapakilala nito.
Bago pa man ito tugunan ni Raul ay agad nag ring ang celphone nito.
Agad naman niya itong sinagot at laking gulat niya ng malaman na nakatakas ang suspect.
"sorry miss, may kailangan pa akong asikasuhin, next time nalang" paalam nito at dali daling umalis.
Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni r
Raul ay agad nilabas ni verpnica ang kanyang celph0ne at may tinawagan.
Ilang ring lang at agad din itong sinagot.
"hello mama, guess what, tagumpay ang plano, tingin ko ay kumagat yung Raul na yun sa alindog ko, ahahaha" masayang balita ni Veronica.
************
Maneho ang sasakyan ay napansin ni Shiro na tila malalim ang iniisip ni Cecilia.
"hon? May bumabagabag nanaman ba sa isipan mo?" pag alala ni Shiro sa kanyang asawa.
"ah, wala naman, medyo pagod lang siguro" palusot nalang ni Cecilia.
Agad naman na hinawakan ni Shiro ang kamay ni Cecilia.
"hon, para namang di kita kilala, alam mo napansin ko kanina na parang kakaiba ka nung makilala mo si Reya" si Shiro.
Nagulat naman si Cecilia ng banggitin ni Shiro ang tungkol kay Reya, na napansin pala nito ang kakaiba niyang kilos.
"ewan ko ba, basta parang magaan lang kasi ang loob ko sa kanya" tugon ni Cecilia.
Napabuntong hininga naman si Shiro dahil naintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang asawa.
"hon, i'm sorry, alam ko na gusto mo din na magkaroon tayo ng anak na babae, pero, di tayo napagkalooban" si Shiro.
"hon? Anu bang sinasabi mo? sapat na kayong dalawa ni Koji sa buhay ko, wala na kong ibang mahihiling pa dun, sadya lang talagang napakagaan ng loob ko kay Reya" saad ni Cecilia.
Napangiti naman si Shiro sa sinabi ni Cecilia at agad naman din siyang nakaisip ng paraan.
"alam ko na, why dont i get Reya as one of my endorser like Brix? tamang tama, dahil hot item sila ngayon, tiyak na tataas ang sales ng kumpanya" ideya ni Shiro.
Tila nakaramdam naman ng tuwa si Cecilia kaya agad niyang sinang ayunan ang kanyang asawa sa plano nito.
*********
Pagkadating nila Brix ng bahay ay masaya silang sinalubong ni dianne.
Kagaya ng dati ay nagpaalam agad si Brix sa dalawa at nagmadaling tinungo ang kanyang nito.
"si kuya talaga, sinumpong nanaman, well maiba tayo, ano? Kamusta naman? Bakit ang tagal niyo ni kuya?" pag usisa ni Dianne na halatang interesado itong malaman.
"kumain pa kasi kami sa labas ni sir Brix, pasasalamat niya daw po" tugon ni Rylie habang inaalis ang kanyang high heels.
"ah, nag date pa pala kayo ni kuya, at buti kahit papaano eh nasasanay ka na sa high heels, oh wait! Buti naalala ko, may ikwekwento nga pala ako sayo!" si Dianne na sabik na sabik at agad itong umayos ng upo gayon din si Rylie.
"grabe, totoo pala ang prince charming, akala ko sa mga fairytales lang yun pero hindi pala, alam mo rylie! I think siya na yung matagal ko ng hinihintay" si Dianne at talagang kinikilig pa at napapayakap pa sa hawak nitong unan.
"naku Dianne, nakakaintriga naman po yung lalaking yan, ano bang pangalan niya? Gwapo ba siya? Mabait? Makisig?" pag usisa ni Rylie.
"actually, gwapo siya at mas lalo pa siyang gagwapo pag naayusan, and infairness pang modelo ang katawan, mas hot pa nga ata yung katawan niya kaysa kay kuya, and super mabait at magalang, pero yung pangalan. . . My goodness! Nakalimutan kong itanong, basta alam ko letter 'S' nag uumpisa yun eh, kasi tinawag siya ng kaibigan niya nakalimutan ko lang, pero buti nalang at nakuha ko yung number niya, pag may pagkakataon eh ipapakilala ko din siya sa inyo ni kuya" si Dianne na nananatili pa ding kinikilig.
Masaya si Rylie para kay Dianne sa kung sinumang lalaki ang nagpapangiti ngayon sa kanya.
Aminin man niya o hindi, o pilit man niyang itago ang kanyang damdamin ay di maiaalis na unti unting na ding nagkakalugar sa kanyang puso si Brix.
***********
Hanap dito, hanap doon, di sumusuko si Raul sa paghahanap sa suspek na tanging susi ni Cecilia para mahanap si martha at ang kanyang kambal na anak, subalit tila napakagaling nitong tumakas at nawala nalang itong parang bula.
Sa kabilang banda ay ganun din ang dalawang lalake na ang isa ay nakabihis pang doktor, kahit san parte ng kanilang sinusuyod ay walang bakas ng kanilang hinahanap, ngunit san nga ba ito napunta?
Isang lalaking nakasuot pang nurse ang lumabas sa cr, at talagang nakasuot pa ito ng mask.
Kahit may iniindang sakit sa binti ay patuloy pa din itong naglalakad makalabas lang sa ospital na yun.
At sa wakas, matagumpay siyang nakalabas ng walang nakakakilala sa kanya.
Ilang hakbang pa at palayo na siya sa naturang ospital hangang sa isang mabilis na liwanag ang tumutok sa kanya.
******mansyon ng Dela Merced******
Dating gawi ay maagang gumigising si Rylie para magluto ng agahan.
Ngayon ay mas ganado at puno ng inspirasyon si Rylie, lalo pa't isa sa mga ipagluluto niya ay si Brix.
Pupungas pungas pa ay naghanda na siya ng mga rekados para sa kanyang lulutuin ng biglang may tumawag mula sa labas na labis niyang ikinagulat.
"Dianne?" sambit ng isang babaeng may katandaan na.
Samantala, sa kwarto ni Brix ay gising na pala ito at abala sa pakikipag usap sa kanyang kaibigan via webcam.
"pre, matanong ko lang ha? Pero wag mong lagyan ng kahulugan ha? Uhm, pre, pag ba pumatol ka or nagmahal ka or may nararamdaman ka sa gay eh masasabing bang gay ka na din?" kinakabahang tanong ni Brix sa kanyang kaibigan.
"wo-wo-woah! Dude, teka lang wag mung sabihin na di ka na lang sa chicks matinik, pati sa mga pa-chicks? Ibang level ka na talaga dude!" tugon ng kanyang kaibigan na talagang nagulat sa sinabi ni Brix.
"tignan mo to, kakasabi ko lang na wag bigyan ng kahulugan eh, pre, sagutin mo naman ng matino, para lang to sa series na inaalok sakin" pagkairita ni Brix at talagang napakamot nalang ito sa kanyang ulo.
"hahaha, cool ka lang pre, nakakapanibago ka kasi eh, well sa iba ganun ang pananaw at pag aakala nila, eh kasi meron naman talagang mga lalaking ganun na pumapatol sa kapwa bakla, pero para sakin, depende pa din kasi sa lalaki yun eh" paliwanag ng kaibigan ni Brix.
"panung depende pre?" si Brix at agad umayos sa pag kakaupo nito.
"depende kasi, may mga lalaki na kumakapit sa patalim, yun bang mga pumapatol sa bakla para magkapera, meron namang mga lalaking hopeless, mga lalaki na pumapatol sa bakla dahil naloko ng mga babae o takot ng magmahal ulit ng babae, meron ding curious at trip, yung mga lalaking naghahanap ng adventure sa buhay o yung panibagong thrill, at meron din na basta nakaramdam lang ng pagmamahal, na dun nila nakita yung hinahanap nila sa isang babae, eto yung mga lalaking nakatagpo ng magaganda or mabait na nakagaanan ng loob, pero sa iisang bagay lang naman nagkakakatalo eh" tugon ng kaibigan nito.
"saan pre?" tanong ni Brix at talagang nakatutok ng maigi sa sasabihin ng kanyang kaibigan.
"nagkakatalo lang naman kapag ang lalaki ay naghangad ng. . . Ng alam mu na" pabitin ng kaibigan niya na iningunguso ang harapan nito.
"ang alin pre?" pagtatakang tanong ni Brix.
"pre naman eh, ano tayo grade 1? Syempre pag ang lalaki ay naghangad na din ng hotdog, hay nako! Syempre ikaw ba naman gugustuhin mu bang kumain nun o pasukan nun? Mga bakla at babae lang gumagawa nun diba? di ka naman pornstar, Masasabing kong bakla ang lalaking pumapatol sa bakla kung pati siya ay kakain din ng hotdog at magpapatuhog dito, gets? Pero kung hindi naman at talagang mahal mo lang eh tingin ko ay hindi, well iexempt lang natin yung mga lalaking talagang gipit na gipit sa pera at no choice sa buhay" paliwanag ng kaibigan
"ah, parang expert ka pre pagdating sa ganyan ah" si Brix at talagang napapaisip.
"tignan mo to, tatanung tanung tapos bandang huli ipapasa pa sakin, di pa ako nagkagusto sa bakla ano? common sense lang yung sinabi ko, bahala ka na nga dyan, may lakad pa ko" tugon ng kaibigan ni Brix.
"eto naman, di na mabiro, o siya sige kelangan ko na din mag ayos, sa susunod ulit" si Brix at nagpaalam na sa kanyang kaibigan via webcam at agad na itong lumabas ng kanyang kwarto para kumain.
Ngunit nagulat nalang ito sa kanyang nakita sa kanilang living room.
"m0m? Dad?"
Itutuloy. . .