20

2077 Words
Masakit man ang katawan at kahit mahilo hilo pa ay pinilit niyang binuksan ang kanyang mga mata at agad sinuri ang kinalalagyan niya. Isang kwarto, napakagandang kwarto. Labis niyang iginuguhit sa kanyang ala-ala kung nasan siya, pinilit niyang umupo pero sadyang kumikirot talaga ang kanyang katawan. Sakto naman sa pag pasok ang isang babae na may dala dalang pagkain. "hi dear, kamusta ka na? Masakit pa ba ang katawan mo?" tanong ng babae at agad naupo ito sa tabi ng lalaki sa gilid ng kama. "sino ka? Anung ginagawa ko dito? Pano ko napunta dito?" mga tanong na labis gumugulo sa isipan ng lalake. "Huminahon ka, wag kang mag alala dahil ligtas ka dito sa lugar ko, ako nga pala si veronica, pasensya ka na kasi bigla ka nalang tumawid ng kalsada tapos bigla kang nawalan ng malay at bumagsak ka nalang, buti kamo at ako ang nakakita sayo, pero dont worry, minor damages lang naman ang nakuha mo" paliwanag ni Veronica. "salamat po sa pag asikaso sa akin pero kelangan ko na pong umalis" pagpilit ng lalaki ngunit napigilan siya agad ni Veronica. "ikaw naman, masyado kang nagmamadali, you need to rest, pwede ka naman na magpahinga muna dito, tamang tama kasi mag isa lang naman ako dito sa bahay na ito, at least kahit pansamantala ay may makakasama ako, buti pa ay iwanan na muna kita, kainin mo na yung pagkain tapos pahinga ka na okay?" si Veronica at inayos ang dala niyang pagkain. "salamat po, mam Veronica" tugon ng lalaki at agad kinuha ang pagkain. Agad naman lumabas si Veronica ng kwarto. 'mukhang magiging interesante ang lahat, humanda ka cecilia, pumapanig ang lahat sa plano ko, ahahaha, ang tanong lang eh, ano ang kailangan sayo ni Cecilia?' sa isip ni Veronica. ************* Dismayado naman si Cecilia sa pagkawala ng suspek na maaaring makapagturo sa kanya kung nasaan ang kanyang kapatid na si Martha. "paano na ngayon Raul? Ang tanging susi ko para mahanap ang kapatid ko at ang aking kambal na anak ay nakatakas pa" si Cecilia na labis na nakadama ng kalungkutan. "patawad mam Cecilia at nagkulang ako sa pagbabantay at naging pabaya, pero wag po kayong mag alala dahil hindi pa din po ako titigil sa paghahanap, tiyak na hindi po makakalayo ng lubusan ang lalaking yun dahil sa sugat niya" si Raul at agad dinamayan si Cecilia. "salamat Raul, di mo din naman kelangang sisihin ang sarili mo, sadya lang talagang mapaglaro siguro ang tadhana para sa amin ng mga anak ko" si Cecilia na pilit tinatatagan ang kalooban. "pero ma'm ngayong nakalabas na ang Ramon na iyon sa kulungan ay dapat tayong mag ingat sa mga hakbang natin hindi po ba? Matanong ko lang po, bakit po ba ganun kahalaga kay Ramon na makuha ang inyong kambal na anak?" si Raul. Naging seryoso si Cecilia sa tanong ni Raul, hangga't maaari ay ayaw niya na sanang balikan pa ang nakaraan, pero may karapatan din naman si Raul na malaman ang ukol dito dahil labis niya din itong pinagkakatiwalaan. "si Ramon ay isa sa mga pinaka mapanganib na tao na makikilala mo, kaya niyang magpapatay o pumatay kung gugustuhin niya, si Ramon ay naging isang drug dealer at sumali sa mga underground businesses kahit pa napakayaman na ng kanyang pamilya, tumaliwas siya sa negosyo ng kanyang mga magulang. Dahil doon ay dumami ang kaniyang koneksyon maging sa ibang bansa at di maitatanggi na napakalakas ng kanyang impluwensya, pero kahit ganun pa man, tinanggap ko pa rin siya at minahal ng buong puso, pinilit ko siyang magbago alang alang sa aming mga anak, ngunit habang tumatagal ay unti unti siyang nagbabago at masasabi kong hindi ko na siya nakikilala pa. madalas na niya akong saktan at madalas na din siyang nambababae. Nalaman ng mga magulang niya ang mga ginagawa niya sakin kaya tinakwil siya ng mga ito. Bago ko mapagpasyahan na hiwalayan si Ramon ay kinausap ako ng kanyang ina bago ito mamatay. Ipinangalan ng ina ni Ramon lahat ng kayamanan, kalupaan, mga negosyo at iba pang mga ari-arian sa kambal kong anak. Di nagtagal ay nabalitaan kong nagkaka problema si Ramon sa kanyang underground business kaya lalong gumulo ang utak nito. Mahirap man sa akin na iwan si Ramon nung mga panahon na iyon dahil labis ko siyang minahal at nagbabakasakali akong magbabago pa siya, pero naisip ko na sobra na, kailangan ko na siyang iwan, at para na din sa kaligtasan ng mga anak ko. Masakit man para sa akin, ay inihabilin ko ang kambal kong anak sa aking kapatid na si Martha, at nung gabi din na iyon ay agad akong bumalik sa bahay para kumuha ng naiwang mga gamit subalit sa pag aakala kong wala pa si Ramon ay nagkamali ako. Tila sabog ito sa droga, na tila wala na ito sa sariling katinuan, nanlilisik ang mga mata, at hawak ang kasulatang iniwan ng kanyang yumaong ina. Nakaupong naghihintay si Ramon na tila alam niyang babalik pa ako sa lugar na iyon. Agad niya akong sinaktan, sinuntok, sinipa, at talagang nagwawala siyang hinahanap ang aming mga anak, muntik na niya akong mapatay nung gabing yun, buti nalang at nakatakas ako at doon ay may mga sumaklolo sa aking mga pulis. Inaresto si Ramon at simula noon ay inilaban ko ang kaso sa kanya at nabulok siya sa bilanguan. Walang wala ako ng panahon na iyon kaya di ko nabalikan ang kambal kong anak, kaya ginawa ko ang lahat para umangat sa buhay, hanggang sa nakilala ko si Shiro at tinulungan niya ako" pagkwento ni Cecilia. "pero ma'm, hindi po ba makukuha ni ramon ang mga yaman na iniwan sa kambal niyong anak?" tanong ni Raul. "kahit gaano pa siya kaimpluwensya o kahit ilang attorney pa ang iharap niya ay balewala, dahil mahigpit yun na ipinagbilin ng kanyang ina, at siniguro niya na pagsapit ng tamang edad ng kambal na anak ko lang makukuha ang mga yaman na iyon, di ako nag sisisi sa ginawa ko, mas maatim ko pang malayo sa anak ko na alam kong ligtas sila kaysa mapunta sila sa masamang kamay ng kanilang ama, walang pakialam si Ramon sa mga anak namin, at yung yaman lang ang habol niya" si Cecilia na naluluha sa pagsariwa ng kanyang nakaraan. ************* Sa bahay ng mga dela Merced, ay hindi pa din makapaniwala si Brix sa biglaang pag uwi ng kanyang mga magulang. "ano nanaman ba itong nabalitaan ko tungkol sa inyo ni Vanessa? At sino yung babaeng ipinalit mo sa kanya? Di mo ba alam ang ginawa mo Brix?" pagbungad ng kanyang ama. "dad? Malaki na ako, i know what im doing, bakit ko kailangang ipilit ang nararamdaman ko sa babaeng yun kung wala naman talaga? i dont love Vanessa, i hope you'll understand" paliwanag ni Brix. "for godsake Brix! For almost three years with Vanessa? That's ridiculous! This is a big mess and scandal, sino ba yung babaeng yun at ipinagpalit mo si Vanessa ng ganun ganun na lang?" dagdag pa ng kanyang ama. "Marcelo, huminahon ka nga, malinaw na pinag usapan natin na mahinahon nating kakausapin si Brix tungkol dito, (agad na humarap kay brix) hijo. . . SINO BA KASI YUNG MALANDING BABAE NA IPINALIT MO KAY VANESSA?! ALAM MO PA BA YUNG PINAGAGAWA M0?! YOU MADE A BIG SCANDAL NOT ONLY IN SHOWBIZ BUT ALSO IN OUR FAMILY! HINDI MO NA KAMI INISIP! ANG BUSINESS NATIN, ANG ATING REPUTASYON!" biglang histerical ng ina ni Brix. Nanlaki naman ang mata nila Brix at Marcelo na agad bumulong sa kanyang asawa. 'akala ko ba mahinahon kakausapin si Brix? Eh ba't mas malala ka pa sa akin?' bulong ng ama ni Brix sa asawa nito. 'wala lang, gusto ko lang gamitin yung acting skills ko' bul0ng din ni Luisita sa kanyang asawa. . "mom? Dad? Pwede ba? wala naman pupuntahan tong pag uusap natin" si Brix at dali daling umalis ng bahay sakay ng kanyang sasakyan. "tignan mo kung anung ugali meron ang anak natin! Iwanan ba tayo bigla? Di man lang muna tayo tinulungan mag akyat ng gamit?" si Marcelo na napapailing na lang. "sobrang effective ata ng acting skills ko, mag audition kaya ako" saad naman ni Luisita. Agad naman na lumabas si Dianne sa kanyang kwarto dahil sa ingay na kanyang narinig. "oh my gosh! Mommy! Daddy!" si Dianne at agad kumaripas ng takbo para mayakap ang kanyang ina. "ang pinakamaganda kong anak sa balat ng lupa, pero siyempre mas maganda pa din ang mommy" si Luisita habang yakap ang kanyang anak na si Dianne. "teka mommy, ano ba yung nangyari sa inyo ni kuya? Mom hayaan na natin si kuya sa desisyon na gusto niyang gawin, his life is miserable with that Vanessa kung alam niyo lang" si Dianne at pilit kinukumbinse ang kanyang mga magulang. "hay nako, isa ka pa Dianne, masyado mung kinukunsinte yung kuya mong iyon, buti pa eh tsaka na natin pagtalunan yung tungkol dyan at gusto na muna namin magpahinga ng mama mo" tugon ng kanyang ama. "well, hon, may point naman si Dianne, i guess we should let Brix, choose his path, (tinignan siya ng asawa) pero gaya nga ng sabi mo, at saka nalang natin ito pag uusapan" si Luisita na nakuha sa tingin ni Marcelo. "ok, pero wait, may ipapakilala po pala ako sa inyo, si Rylie" biglang naalala ni Dianne. "yun ba yung kaninang nagluluto? Akala kasi namin kung sino kaya pinaalis na namin" tugon ng daddy ni dianne na siya namang ikinagulat nito. "what?!! Mom?! Dad?! Bakit niyo ginawa yun?!" pag histerical ni Dianne at agad nagmadali para habulin si Rylie pero agad naman siyang napigilan ng mga magulang nito. "uy eto naman, joke lang, di ka na mabiro, may pinabili lang kami ng mama mo" pahabol ng kanyang daddy. "dad? Hay nako, hindi magandang biro, hmph!" pagkainis ni Dianne habang natatawa ang kanyang mga magulang. Samantala, matapos makabili ni Rylie ng ipinabili sa kanya ay tinatahak niya ang daan pabalik sa mga dela Merced ng bigla nalang may humintong sasakyan sa kanyang harapan. "sir Brix?" pagtataka ni Rylie. "sakay!" maikling utos ni Brix, halatang mainit ang ulo nito. Napalunok nalang si Rylie at walang tanung tanong ay agad niyang sinunod ang utos ni Brix. **************** Di naman maipinta ang pagmumukha ni Precious dahil sa konsumisyon na natatangap sa mga tauhan nito. "mga inutil talaga kayo! Mga bwiset! Natakasan nanaman kayo? Kailangan makita niyo yung kasamahan niyo, dead or alive!" si Precious na lalong sumasakit ang ulo. "eh ma'm, hindi nanaman namin siguro siya kailangang patayin kasi hindi nanaman siya hawak ng mga pulis" tugon ng tauhan nito. "aba eh natural! gamitin niyo nga yang kokote niyo! Mga peste! Hay nako! Umalis na nga kayo sa paningin ko! Mga palpak!" si Precious na sobrang irita. Agad naman na umalis ang dalawang tauhan nito, at pagkaalis ng mga ito ay agad may kumatok sa pintuan, na agad namang pinagbuksan ni Precious. Laking gulat niya ng makita ang kanyang bisita. "h-h-hi mister. . . . C-c-chan" biglang kinabahang bati ni Precious. Lumantad kay precious ang isang matandang lalaking nakaitim, (siguro ay nasa late 60 na ito) kasama ang apat na tauhan nito na nasa kanyang likuran. "kamusta ka na Precious? Maganda at seksi ka pa din ah, mukhang alagang alaga ka ni Ramon, siguro naman ay alam mo na kung bakit ako nandito" saad ni Mr.Chan at agad naupo sa malambot na sofa, feeling at home. "p-p-pasensya na Mr.Chan, p-p-pero hindi pa po nakakauwi si Ram0n" tugon ni Precious na labis kinakabahan, at nagulat nalang ito ng basagin ni mr.chan ang isa sa mamahaling vase ni Ramon. "alam mo ba kung anung petsa na? Petsa na para magbayad!" si mr.Chan at agad ginapos si Precious sa mga kamay nito. Naluluha man at nasasaktan ay pinilit magpakatatag ni Precious para makatugon kay Mr.Chan. "p-please, Mr.Chan, bigyan niyo pa po kami ng pagkakataon, nahanap naman na po ni Ramon ang isa sa mga anak niya, malapit na po kaming makapagbayad" nahihirapang paliwanag ni Precious. "aba eh, bilis bilis! Sayang ang panahon! Asikasuhin ang dapat! Bibigyan ko pa kayo ng palugid, pero siguraduhin niyo lang ang lahat" si Chan at agad itinulak si Precious sa may sofa. Agad naman na nilisan nila Mr.Chan ang lugar at naiwan si Precious na nakalugmok at naluluha sa may sofa. "bwiset! Kailangan mahanap na ng Martha na yan yung isa pang anak ni Ramon!" nasambit ni Precious habang inaayos ang sarili. Itutuloy. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD