LIVE at STUDIO 4
“welcome to….. SCOOP ang Showbiz Center One Of the Philippines!! Ako nga pala ang inyong host na si ‘Sweaty’!”
“at ako naman si ‘Pia Tuscani’, good afternoon to everyone, lalong lalo na sa mga nanood sa kani-kanilang mga tahanan”
“tama ka dyan Pia! Nako umpisa palang ng ating programa ay napakadami na nating pasabog at talaga namang mainit init pang balita”
“tama ka dyan Sweaty! Tiyak na pagpapawisan ka nanaman sa sobrang hot ng ating mga showbiz scoop, at hindi lang iyon, pati ang ating mga guests for today, kaya maghanda ka na Sweaty”
“nako Pia, talagang paghahandaan ko yan, sa ating pagbabalik, makakasama natin live na live ang controbersyal na tao, ang rising star ngayon sa showbiz, napaka gwapo at super hot ng lalaking ito, ngayon palang ay pinagpapawisan na talaga ako”
“nako sweaty, maghanda ka na ng panyo mo dahil mamaya lang ay makakausap natin siya ng face to face ukol sa kumakalat na larawan kung saan ay may kahalikan siya sa naturang restaurant? OMG, at first time on television ay makikilala natin sa kung sino ang babaeng iyon, kasama natin live na live! kaya wag kayong bibitiw sa pagtutok dito sa….”
“SCOOP! Ang Showbiz Center One Of the Philippines!”
“okay Re-touch na tayo bilis!” sigaw ng director at agad na inayusan sina Pia tuscani at Sweaty.
Samantala, sa dressing room kung nasaan sila Brix, handang handa na si Rylie at talaga naman na napakaganda nitong haharap sa telebisyon.
“kinakabahan po talaga ako, baka pwede po na hindi na ako lumabas doon” si Rylie na nakaayos na bilang Reya at labis na kinakabahan habang inaayusan pa ng kaunti.
“kaya mo yan Rylie, tsaka si kuya Brix ang bahala sayo, hindi ka naman papabayaan niyan eh, okay? Pano ba yan, nukhang hindi ko na kayo mapapanood, may kailangan pa kasi akong puntahan eh” si Dianne at inayos na din ang kanyang gamit.
"aalis na po kayo? Nako po, lalo tuloy akong kinabahan” si Rylie.
“ikaw talaga, magtiwala ka kay kuya Brix, hindi ka papabayaan noon okay? May dinner date kasi ako sa isang kaibigan eh, nakakahiya naman eh nakapag sabi na ako na pupunta ako” tugon ni Dianne.
“ganun po ba? sige po, lalakasan ko nalang po ang loob ko, ingat po kayo” paalam ni Rylie.
“salamat Rylie, o pano, okay ka na ha? Una na ako, papaalam lang ako kay kuya” si Dianne at agad pumunta kay Brix para mag paalam.
***********************
Samantala, gulat na gulat si Cecilia sa pangyayari, agad naman nilabas ni Raul ang kanyang baril at sinubukang patamaan ang lalaki na nagpaputok sa kanila, kahit may kalayuan ay naasinta naman niya ito at agad niyang pinuntahan.
Agad na pinuntahan ni Cecilia ang nakahandusay na si Nestor, nagtamo ito ng tama ng bala.
“Nestor!! Magpakatatag ka, tatawag lang ako ng ambulansya! diyos ko!! Nestor kelangan kong malaman kung nasaan si Martha at ang mga anak ko, please wag kang mamamatay!” si Cecilia na hindi mapakali sa nangyari.
Hirap naman si Nestor na maigalaw ang kanyang katawan at tila anumang sandal ay bibigay na ito, ngunit kahit may iniindang sakit ay nagpilit pa din itong magsalita.
“C-c-ce-cilia…. M-m-ay, kailangan… kang.. malaman…” si Nestor na hirap na hirap sa kanyang sitwasyon.
“Nestor, ipunin mo muna ang lakas mo, please magpakatatag ka!” si Cecilia na nag da-dial sa kanyang cellphone.
“b-b-baka, hindi.. ko na kayanin.. pa, si… si.. Ramon, hawak na niya… sila Martha..” si Nestor na naghihikahos na at anumang sandali ay parang bigla nalang malalagutan ng hininga.
Labis naman na nagulat si Cecilia sa kanyang nadinig, nakalaya na ang kanyang dating asawa, at ngayon ay hawak nito ang kanyang kapatid, labis siyang nangamba dahil baka nasa kanya na din ang kanyang mga anak.
“Nestor ang mga anak ko? Nasa kanya na din ba?” pagkabigla ni Cecilia.
“Cecilia… patawarin mo.. sana kami.. ni Martha… tungkol sa mga anak mo… hindi…. Hindi pa sila….” Si Nestor at tuluyan ng nawalan ito buhay.
Pinilit na ginigising ni Cecilia si Nestor ngunit sadyang wala na talaga, agad na dumating ang isang patrol car at ambulansya para siyasatin ang pangyayari.
Agad na pinaliwanag nila Raul at Martha ang buong pangayayari, swerte naman nila dahil nahuli ang suspek sa pambabaril sa kanila na hinihilalang tauhan ni Ramon na natamaan ni Raul ng baril.
****************************
Binabaybay naman nila Steven ang ilang lugar para sa paghahanap nila kay Rylie..
“pre, anung balak mo niyan? Tiyak na hindi ka titigilan nung Ursula na iyon hanggat hindi ka natitikman” si Felix sabay kagat ng tinapay na hawak hawak.
“isa pa nga yan sa pinoproblema ko eh, nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ako o hindi, sa dinami dami naman ng matitipuhan nun bakit ako pa?” si Steven na labis namomroblema.
“hay nako pre, pagbigyan mo na kasi para matahimik na, ipasak mo yang kargada mo ng buong buo tapos wasakin mo, tignan lang natin kung hindi madala yun, ahhaha” biro ni felix sabay kain ng buo sa hawak niyang tinapay.
“loko loko! Anu ba yang naiisip mo?kung gusto mo ikaw nalang, pero ako, hindi ko kaya yun, gusto ko sa taong mahal ko lang ilalaan ang puso at katawan ko, buti pa eh bumili muna tayo ng maiinom” si Steven sabay turo sa tindahan.
“mukhang sa sinaunang panahon ka pa nanggaling ah, hindi na uso ngayon yung ganyan, sa ngayon kasi kung saan may pera, doon kakapit kapag gipit na gipit na talaga” si Felix habang binabaybay papuntang tindahan.
“ikaw talaga pre, buti pa eh bumili na tayo ng inumin, isang RC na maliit lang sa akin” si Steven sabay abot ng pera kay Felix.
Habang bumibili si Felix ay di naman niya maiwasan na makinood ng telebisyon..
“muling nagbabalik ang SCOOP! Showbiz Center One Of the Philippines!”
“at ngayon, eto na ang ating pinaka iintay, ang kontrobersyal ngayon, ang napaka gwapo at talaga naman na super ganda ng katawan na kamakailan lang eh inilabas ang kanyang underwear photoshoot sa billboard sa may EDSA, at talaga namang napapatingin talaga ako pag napapadaan doon, siyempre walang iba kundi si…. Brix Dela Merced!!” si sweaty at agad sinalubong si Brix.
Hiyawan ang mga fans sa paglabas pa lang ni Brix at talaga naman na sobrang appealing nito at gwapong gwapo kaya madami ang kanyang tagahanga.
“welcome to SCOOP, take a seat, wow grabe, napaka gwapo mo pala talaga, hindi lang sa mga sexy pictorials mo recently kundi as in sa personal pa, grabe, lalo tuloy akong nagiging sweaty, ahaha” si sweaty sabay kuha ng panyo at dampi nito sa kanyang pawisang mukha.
“thanks sweaty and SCOOP for inviting me here” si Brix na formal na tugon.
“okay Brix, siyempre alam na natin ang patungkol sa kumalat na mga litrato kasama ang isang babae na kahalikan mo pa? ang gustong malaman ng publiko ay sino siya sa buhay mo? Gayon na alam natin na you have a non-showbiz girlfriend right?”
“bago ko po sagutin ang tungkol doon ay nais kong magpasalamat sa mga fans at sa mga patuloy na sumusuporta sa akin (hiyawan at todo kumaway ang mga fans) I will admit that the girl I’m kissing in the picture was my girlfriend”
Labis na nagulat ang mga fans maging si sweaty sa pag confirm ni Brix.
“so totoo pala ang chismis, sabagay, alanganaman na friend lang kayo ng lagay na yan, well, may balita din kasi about sa paghihisterical ng ex-girlfriend mo doon sa naturang restaurant sa pagkakakita sa inyo, at ang gustong malaman ng publiko, nag two timer ka nga ba?”
“actually, I can’t say na nag two time ako, I explain to my ex that, the feeling was gone and maybe we should go on separate ways, and accidentally I fell in love with the girl in the picture who was i'm kissing with”
“so lumalabas na it is only an insecurity of an ex-girlfriend right? sabagay, kung wala ka naman na talagang nararamdaman na pagmamahal ay di naman kailangan na ipilit pa din hindi ba? At least you are honest and straight forward, hindi gaya nung ibang lalaki na go pa din ng go, well, para matigil na ang ating mga pagdududa at agam-agam, mabuti pa ay tawagin na natin ang babaeng nasa picture, grabe, wala akong masabi, napakaganda! first time appearance on the television, Ms. Reya Cruz!”
Dahan-dahan na lumabas si Rylie sa stage at talaga namang sinalubong siya ni Brix para alalayan, halatang halata na namangha ang mga audience maging si sweaty sa maladiyosang ganda ni Rylie/Reya.
“very gentleman naman ni Brix, nakaka inggit, welcome Reya sa SCOOP” si sweaty sabay beso kay Reya.
Sa pagkakakita ni Steven kay Reya ay talagang may kakaibang siyang naramdaman.
“o pre, napatulala ka diyan, ganda niya no?” si Felix habang nakatutok din sa telebisyon.
“pero imposible na siya si Rylie, hindi kaya…” si Steven at agad kinuha sa wallet ang naiwang sulat ni Rylie.
“bakit pre, ano yan?” pag-usisa ni Felix.
“baka siya yung nawawalang kambal ni Rylie! Pre malapit lang ba yung studio 4 dito?” si Steven
“bakit pre, wag mong sabihin na pupunta ka doon? Isang sakay lang yun mula dito” pagtataka ni felix.
“pre, kelangan kong Makita ng malapitan yang Reya na yan, baka siya yung nawawalang kakambal ni Rylie, tiyak ko na baka napapanood din yan ni Rylie at baka puntahan niya din yun, at baka magkita kami” paniniguro ni Steven.
“pero pre, wala naman atang kasiguraduhan yan, tsaka anung oras na, baka maleyt pa tayo” si Felix.
“pero pre, buti pa mauna ka nalang, tapos i-excuse mo nalang muna ako na maleleyt saglit, kelangan ko lang talagang puntahan iyon okay?” si steven at dali-daling umalis.
“uy teka lang! grabe talaga yun oh” si Felix na napakamot nalang ng kanyang ulo.
****************************
Nakadating na si Dianne sa alfiesto resto kung saan ay hinihintay siya ni Harajima para sa isang dinner date, as usual pagkadating niya ay inalalayan siya nitong maupo.
“thanks Dianne at pumayag ka for this date” si Harajima na labis ang tuwa na Makita si Dianne.
“that’s okay, salamat din for this” si Dianne habang inaayos ang sarili para maging comfortable.
“uhm, what would you like to eat?” alok ni Harajima na may halong kaba.
“uhm, kahit ano, ikaw na ang bahala” pormal na tugon ni Dianne.
“okay, yung special menu nalang nila” si Harajima at agad tumawag ng waiter.
Di naman maalis kay Dianne ang kaba para kay Rylie, kung naging maayos lang ba ito.
'sana naman hindi siya pinabayaan ni kuya’ sa isip-isip ni Dianne.
Napansin naman ni Harajima na tila may bumabagabag kay Dianne.
“are you okay? Is there something wrong?” pag alala ni Harajima.
“ah eh, wala, may iniisip lang, inaalala ko kasi yung interview ni kuya Brix ngayon eh” nasai nalang ni Dianne.
“ah, oo, about dun sa picture? Nabasa ko din yung article tungkol doon, grabe, girlfriend ba yun ng kuya mo? Sobrang ganda. Pero siyempre mas maganda ka pa din” si Harajima kalakip ng matamis nitong ngiti.
“asus, bolero! Oo, girlfriend ni kuya yun ( medyo natatawa bigla dahil pati siya ay nagandahan kay Rylie) mas gusto ko na yun kesa kay Vanessa” saad ni Dianne.
“bakit parang natatawa ka? May mali ba sa sinabi ko?” pagtataka ni Harajima.
“ah, wala naman, wag mo nalang akong pansinin” tugon ni Dianne.
Agad naman na dumating ang order nila at sinimulan na ang kanilang pagkain.
*************************
sa Studio 4...
Naging matagumpay ang interview kina Brix at talaga naman na tinangkilik at sinuportahan pa din siya ng kanyang fans maging ang pagpapakilala niya kay Reya sa publiko bilang girlfriend niya.
Di naman mapigilan ang mga offer na lumapit kay rylieeya para sa cover ng magazine at mga guesting.
Dali-daling nag-ayos sina Brix ng kanilang mga gamit.
“uhm, Rylie, este, Reya, okay ka lang ba? Salamat at napapayag ka ulit ni Dianne” si Brix.
“okay lang po sir Brix, medyo kinabahan po ako kanina, pero salamat po at hindi niyo ako pinabayaan” si Rylie sabay bitaw ng matamis nitong ngiti.
“wala yun, alam kong gutom ka na, buti pa eh kumain muna tayo sa labas, I think lets consider this as our 2nd date, medyo hindi kasi naging maganda yung 1st date natin eh” si Brix na tila at tulad ng dati ay hindi pa din siya makatingin kay Rylie ng diretso.
Agad namang pumayag si Rylie, at aminin man niya o hindi ay parang nakaramdam siya ng kilig at saya.
Pagkaayos ng gamit ay agad na silang pumunta sa sasakyan at siyempre may mga media na nakaabag sa kanila at isa na doon sa nakaabang ay si Steven para masilayan si Reya, na kung tama ba ang kanyang kutob.
Pilit na umiiwas sina Brix sa media, at sa kakaiwas nila ay di sadyang ma-out of balance si Rylie/Reya dahil sa hindi pa talaga ito sanay mag high heels, at sa di sinasadyang pangyayari ay na out of balance siya papunta kay Brix na agad naman siyang nasalo.
Brix’s arms surround Rylie’s/ Reya's body, napakalapit ng mukha nila sa isa’t isa, mesmerized by each other’s eyes, a different kind of feeling surround them, tila gustong halikan ni Brix ang mapupulang labi ni Rylie tulad ng dati, para bang may humihila sa kanya para gawin iyon habang si Rylie naman ay napapapikit tila ba inaantay niyang halikan siya muli ni Brix.
Bumalik lang ang kanilang diwa ng kantyawin sila ng tiga media na super kinilig sa kanilang eksena na parang pang telenobela talaga, at siyempre hindi nila pinalagpas makuhaan ang eksena na iyon.
Di naman nawala sa paningin ni Steven ang eksena na iyon at tila ba bumigat ang kanyang pakiramdam sa pagkakakita noon, at nagpasya nalang siyang umalis sa lugar na iyon, at tila nakalimutan na ang kanyang pakay sa pagpunta doon.
**********************************
Matapos ang dinner Date ay napagpasyahan ng umuwi ni Dianne, at agad nagpresinta si Harajima para ihatid ito.
“uhm Dianne, buti pa eh ihahatid na kita” si Harajima na talagang gustong ihatid si Dianne.
“uhm, no thanks, I can get a cab straight from home, salamat sa dinner, I gotta go” si Dianne at akmang aalis na ay bigla siyang hinawakan ni Harajima sa kamay para pigilan.
“uhm, Harajima, I gotta go” si Dianne na pilit nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Harajima.
“but Dianne, ihahatid na kita sa inyo” pagpupumilit ni Harajima.
“I can handle, please let me go” pagpupumiglas ni Dianne.
“ano bang problema sa akin Dianne? Hindi mo ba ako talaga magagawang mahalin, hindi mo ba napapansin na I’m courting you? Balewala lang ba talaga ako? Nabibilang din naman ako sa mayamang angkan, gwapo at may ipagmamalaki din” si Harajima na humigpit ang kanyang paghawak kay Dianne.
“nasasaktan na ako! Pwede ba? di ba napag usapan na natin ito! Lets just be as friends” pilit na pagpupumiglas ni Dianne.
“tell me Dianne, may mahal ka na ba kaya hindi mo mabuksan ang puso mo para sa akin? Tell me” hindi pa din sumusukong tugon ni Harajima.
“pwede ba, harajima, I gotta go! Let me go!” pagpupumiglas muli ni Dianne.
Sa di kalayuan ay may narinig si Steven na parang humihingi ng tulong kaya agad niya itong pinuntahan.
“tell me Dianne, meron na ba?” tanong muli ni Harajima.
“teka lang pre, nasasaktan na yung babae, hindi mo ba nakikita?” pagpigil ni Steven
“pwede ba wag kang makialam dito! Umalis ka!” si Harajima sabay tulak kay Steven habang hawak pa din ang kamay ni Dianne.
“pre, hindi mo ba nakikita, na ayaw sayong sumama ng babae” pagpilit ni Steven.
“stop this okay? Baka magkainitan pa kayo, let me go Harajima, oo may mahal na ako at siya yun!” si Dianne at pilit bumitaw kay harajima at agad na niyakap si Steven.
ITUTULOY…..