Sa Amerika kung saan ay maaliwalas na nag kakape ang mag-asawa habang nakadungaw sa kanilang balkonahe.
“nabalitaan mo na ba ang tungkol sa anak natin? May tumawag sa akin mula sa pahayagan tungkol sa iskandalong ginawa niya” saad ng babae habang taimtim na inaamoy ang kanyang kape.
“sino si Dianne? Bakit ano bang ginawa niya?” tanong ng asawa nito sabay higop ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.
“hindi siya Marcelo, kundi si Brix, hindi mo ba alam na hiwalay na sila ni Vanessa, may ibang babae si Brix” pahayag ng babae sa kanyang asawa.
Sa pagkakadinig ni Marcelo ng balitang iyon ay binitawan niya ang kanyang binabasa at tinignan ang kanyang asawa ng makahulugang tingin.
“si Brix? Baka naman pakulo lang yan ng media, alam mo naman ngayon, basta may Makita lang na magkasama iba na agad ang iniisip, impossible naman na gawin iyon ni Brix” tugon ni Marcelo at agad na humigop sa kanyang kape.
“pero, umamin na si Brix, and guess what, ipinakilala pa niya ang bago niyang girlfriend sa buong publiko” tugon ng babae.
“ano? Luisita, mabuti pa eh, umuwi na tayo ng pilipinas para makausap ang anak natin, tutal eh tapos na ang mga kailangan nating gawin” tugon ni marelo.
“buti pa nga, at miss ko na din si Dianne” nasabi nalang ni Luisita.
**********************************
Sa bahay ni Ramon kung saan nakatanggap ng masamang balita si Precious patungkol sa nangyari kay Nestor.
“What?!! Bakit niyo pinatay?!! Paano na ngayon yan? Tatanga tanga kasi kayo eh, tatlo na kayong nag babantay natakasan pa kayo?!! Mga bwiset!!! Imbes na nag rerelax ako, konsumisyon pa ang binigay niyo!” si Precious na talagang inis na inis sa nangyari.
“pasensya na po ma’am, may sumaklolo po kasi sa kanya kaya wala na po kaming nagawa kundi ang patahimikin siya bago pa siya makapagbigay ng impormasyon, kasalukuyan nga po na hawak ng mga pulis ang kasamahan namin” tugon ng tauhan ni Ramon.
“mga inutil talaga!! Wala na tayong magagawa sa kasama niyo! Buti pa patahimikin niyo na iyon bago pa mapaamin ng mga pulis, bwiset! Kelangan mahanap na nung Martha na yun yung isa pang anak ni Ramon!” si Precious na labis na nag-aalala.
“ma’am, sigurado po ba kayo sa inutos ninyo?” pagliliwanag g tauhan ni Ramon na baka namali lang siya ng dinig.
“nang iinis ka ba? Madaliin mo ang pagpapatahimik sa kasamahan niyo, dahil sa oras na mapaamin ng mga pulis yun, pati kayo papatahimikin ko naintindihan niyo?!” si Precious na talagang dinuro ang dalawang tauhan ni Ramon.
Agad naman na lumabas ng kwarto ang dalawang tauhan para masimulan ang utos sa kanila, samantalang si Precious ay agad hinanap si Martha na agad naman niyang nakita na nagpapasarap sa may gilid ng pool.
“Aba! At tignan mo nga naman, grabe noh, ang sarap ng buhay mo! Ano to? Bahay bakasyunan?!" Pagtataray ni Precious kay Martha.
Agad naman umupo si Martha mula sa pagkakahiga at tinignan si Precious.
“pasensya ka na, sarap kasi mag swimming eh, gusto mo samahan mo ako dito, para bonding diba?” tugon ni Martha.
“hoy! Nang-aasar ka ba?!! Pwede ba?! Hindi ka dinala dito para magpasarap, dinala ka dito para hanapin ang isa pang anak ni Ramon! Pero di kaya niloloko mo lang kami para makatira dito sa mansion na ito?" Si Precious na biglang nagduda kay Martha.
Di naman nakasagot agad si Martha, at tila bahagya siyang kinabahan. Wala itong nagawa kundi tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng pool.
“hmph! Parang nag rerelax lang, masama bang magrelax?” mahinang tugon ni Martha sabay alis.
Tinignan lang ni Precious si Martha habang papalayo, at tila nabuo sa kanyang isip ang pag aalinlangan.
******************************
Lulan ng taxi ay binabaybay nila Steven at Dianne ang maynila papunta sa bar kung saan nagtratrabaho si Steven.
“salamat talaga at dumating ka, di ko tuloy alam kung paano kita mapapasalamatan” si Dianne habang nakatitig kay Steven.
Matagal nakatugon si Steven dahil sa may malalim itong iniisip, nanumbalik lang ang kanyang diwa ng siyasatin siya ni Dianne.
“pasensya ka na ha? May iniisip lang, wala yun, salamat din at nag abala ka pa na ihatid ako” si Steven at inaninag ng maigi si Dianne.
“mukhang malalim yang problema mo ah, tungkol saan ba yan? Baka may maitulong ako?” pagsiyasat ni Dianne.
“ah, eh, tungkol sa isang kaibigan, matagal ko na kasi siyang hinahanap eh, nag-aalala na kasi ako baka kung napapaano na yun, uhm, sa totoo lang, kung titignan may hawig ka nga sa kanya eh, may kapatid ka ba?” si Steven.
“kahawig ako ng hinahanap mo? Well, meron akong kuya, dalawa lang kami na magkapatid, pero kung gusto mo tutulungan kitang hanapin yung hinahanap mo okay ba yun? May litrato ka ba niya?” si Dianne habang titig na titig kay Steven.
“naku, salamat, pero naiwan ko kasi eh” si steven sabay napakamot sa kanyang ulo.
“ah, o sige, ganito nalang, kukunin ko yung number mo tapos text kita okay?” si Dianne sabay abot kay Steven ng kanyang cellphone.
Agad naman na tinype ni Steven ang cellphone number niya sa cellphone ni Dianne at sakto naman na narating na nila ang lugar kung saan nagtratrabaho si Steven.
Agad silang bumaba ng kotse at agad naman silang sinalubong ni Felix na biglang na starstruck ng Makita si Dianne.
“is this for real?! Pwede po bang makahingi ng autograph ma’am?” si Felix na sobrang nabigla at nanginginig nginig pang nag abot ng ballpen at papel kay Dianne para makahingi ng autograph.
Agad naman tinanggap ito ni Dianne at malugod niya itong binigyan ng kanyang autograph.
“uhm, steven, I gotta go, text na lang kita ha? Here’s my calling card, para if may kailangan ka, you can text me also and pwede mo din akong puntahan” si Dianne sabay bigay ng calling card kay Steven at ng kanyang pinirmahan na papel kay Felix na abot tenga ang ngiti.
Agad naman sumakay si Dianne ng taxi para pauwi sa kanilang bahay.
“pre! (sabay hampas sa balikat ni steven) naks naman! Biruin mo, sa dinami dami ng babaeng makikilala mo eh, sikat pa!” si Felix na inggit na inggit kay Steven.
“oo nga eh, nagulat nga din ako na siya pala yung modelo na tinuro mo noon, nga pala, leyt na ako sa trabaho” si Steven na biglang nag-alala.
“ay oo nga pala pre! Nawala sa isip ko, kanina ka pa hinahanap ni tabatchoy, bilisan mo na pre at magbihis ka na! at pahingi din ako ng cellphone number ni Dianne ha?” si Felix.
“loko loko! Halika na nga, tiyak sermon ang abot ko nito” si Steven at nagmadali ng pumasok sa bar.
***************************
Sa isang sosyal na restaurant kung saan nagpareserve si brix ng isang area para lang sa kanilang dalawa ni Rylie...
Tulad ng dati ay inalalayan ni Brix si Rylie patungo sa kanilang table at talaga namang napaka gentleman ni Brix.
“uhm, Reya, anything you want to eat?” si Brix habang ipinapakita kay Rylie ang menu.
Halos magkanda duling naman si Rylie sa mga nakikita niyang pagkain at sa mga presyo nito.
“uhm, sir Brix, grabe naman po ang mga pagkain dito, ang mahal, pwede naman po na kahit sa karinderia lang tayo kumain” bulong ni Rylie kay Brix.
Natawa naman si Brix sa tugon ni Rylie.
“wag mo nang alalahanin yun, di ba sabi ko naman sayo na akong bahala, tsaka this is our 2nd date right? Dapat lang na sa mas maganda kitang restaurant dalhin” saad ni Brix.
Di naman mapigilan ni Rylie na magblush.
“uhm, sir Brix, kayo nalang po ang pumili ng pagkain para sa akin” nahihiyang tugon ni Rylie.
Isang matamis na ngiti ang naitugon ni Brix at agad niyang tinawag ang waiter at nag order ng pagkain.
“uhm, Rylie I just want to thank you again for this favour and to tell you honestly, you are so beautiful, pero wag mong isipin na ngayon lang ha, im just telling na mas lalo ka pang gumanda” saad ni Brix.
“poh? salamat po sir, okay lang po yun, pasasalamat ko na din po sa pagmagandang loob niyo sa akin, napaka swerte ko po at nakilala ko kayo ni Dianne” tugon ni Rylie.
Di naman maiwasan ni Brix na tignan ang mukha ni Rylie na para bang ito'y kanyang tutunawin, nanumbalik lang ang kanyang diwa ng dumating na ang waiter dala-dala ang kanilang pagkain.
Nagkakahiyaan man ay agad na nilang sinimulang ang kanilang pagkain, pasulyap na tingin lang ang kanilang pakikipag usap sa isa’t isa, nagpapakiramdaman sa kung ano ang maaring sabihin o pagusapan.
“uhm, rylie” “sir brix” magkasabay nilang bigkas.
“go ahead rylie, ikaw na mauna”
“kayo na po muna sir brix”
“sige na rylie, di naman masyadong importante ang sasabihin ko eh”
(parehas na natahimik saglit)
“ang sarap po ng pagkain no?” “masarap ba yung pagkain?” sabay nilang tugon sa isa’t isa.
Nagkatawanan naman ang dalawa dahil para silang sira na nagkakahiyaan.
“buti pa bilisan na natin, may pupuntahan pa tayo, bilang pasasalamat, dadalhin kita sa paborito kong lugar” si Brix sabay kindat kay Rylie.
Napangiti naman si Rylie ng ubod ng tamis kay Brix.
************************
Labis naman ang pagkadismaya ni Cecilia dahil sa hindi na umabot pa si Nestor sa hospital at tuluyan na itong nawalan ng buhay, sa ikalawang beses, sa kanyang pag-aakala na matutuldukan na ang kayang paghahanap sa kanyang kambal na anak.
Isa rin sa mas lalo pang bumabagabag sa kanyang isipan ay ang paglaya ni Ramon mula sa bilangguan.
“ma’am Cecilia, okay lang po ba kayo?” si Raul sabay abot ng maiinom kay Cecilia.
“okay lang Raul, kamusta na yung suspek na bumaril kay Nestor? Nagkamalay na ba?” si Cecilia sabay tanggap ng inumin.
“stable na daw po yung condition pero hindi pa po siya nagkakamalay” si Raul.
“sana naman magising na siya para maimbestigahan na ng mga pulis, kelangan ko ng malaman kung nasaan ang kapatid ko at ang kambal kong anak” pag-aalala ni Cecilia.
Ilang saglit lang ay nakatanggap si Cecilia ng tawag at agad naman niya itong sinagot.
“hello hon?” si Cecilia.
“hon nasaan ka? Tumawag ako sa restaurant wala ka daw” si Shiro mula sa kabilang linya ng cellphone.
“hon, biglaan kasi eh, may inasikaso lang ako, hindi ko na agad nasabi sayo, sorry hon” si Cecilia.
“that’s okay, baka naman nagpapakapagod ka masyado ha? Don’t forget our date later, I’ll pick you up at tha restaurant okay?” paalala ni Shiro.
“okay hon, love you” tugon ni Cecilia.
“love you too” pagtatapos ni Shiro sa usapan.
Pagkatapos ng usapan nila ni Shiro ay agad nagpaalam si Cecilia kay Raul para bumalik sa restaurant.
“Raul I gotta go, ikaw na muna ang bahala dito okay? Tawagan mo ako agad pag nagising na yung suspect, kelangan ko na kasing bumalik agad sa restaurant” si Cecilia habang inaayos ang kanyang gamit.
“opo ma’am, makakaasa po kayo” si Raul at agad inalalayan si Cecilia papuntang kotse.
***********************
Pagkauwi palang ni Dianne sa kanilang bahay ay sina Rylie agad ang kanyang hinanap, ngunit sa kasamaang palad ay si manang lang ang kanyang naabutan na nagluluto ng pagkain.
“hi manang! Ang bango nama po ng niluluto niyo, mukhang espesyal ah, wala pa sila kuya?” si Dianne habang nilalapag ang gamit sa sofa
“ay hija, wala pa eh, baka padating na din yung mga yun” si manang na focus sa kanyang niluluto.
Di naman nagtagal ay may nagdoorbell mula sa gate kaya agad naman na tinugon ito ni Dianne.
“manang ako na po, baka sila kuya na yan” si Dianne na excited papunta ng gate.
Ngunit nagkamali pala siya ng hinala na Makita ang isang babae na nakatayo sa gate.
“hello po, ano po ang kailangan nila?” formal na bati ni Dianne.
“uhm, hello, nandiyan po ba si luisita?”
“si mama po? ano po ang kailangan nila? Wala po kasi sila dito eh” tugon ni Dianne.
“may kailangan kasi akong sabihin eh, kalian kaya ang balik nila?”
“hindi ko po kasi alam eh, sino po ba sila para sabihin ko nalang po kay mama pag dating”
“pakisabi nalang na dumaan dito si Martha Martinez, salamat hija, babalik nalang siguro ulit ako, salamat” pagtatapos ni Martha sa usapan.
ITUTULOY………