14

3120 Words
Sa isang abandonadong bahay kung saan malayo sa ibang mga bahay at malapit lapit na din ang kinalalagyan sa bundok ay ang lugar kung saan dinala at itinatago si Nestor. “haggang kalian ba ako mananatili dito?!! May balak ba kayong bulukin ako?!” pag-angal ni Nestor sa sobrang pagkabagot. “pwede ba itikom mo yang bibig mo! Nakakaistorbo ka sa paglalaro namin! Ang sisihin mo eh yung asawa mo! Hanggat hindi pa niya natatapos ang pinapagawa sa kanya ni boss eh mabubulok ka dito!” paliwanag ng tauhan ni Ramon habang abala sa pakikipaglaro ng baraha sa dalawa pa niyang kasamahan. Labis naman ang pagkainis ni Nestor, kung matatagalan pa ang bubunuin niya sa lugar na iyon ay baka di na siya makatiis pa. “tsk! Peste talaga! Siguro nagpapasarap na yung mga bwiset na yun, kinalimutan na ata ako! Kelangan makaisip na ako ng paraan para makatakas” nasambit nalang ni Nestor sa kanyang sarili at agad siyang umisip ng paraan para makaalis sa lugar na iyon. ******************************* Maagang naghanda si brix ng kanyang sarili para sa kanyag TV guesting. Tulad ng dati ay si Rylie ang kanyang naabutan na naghanda ng makakain. “good morning po” si Rylie na di masyadong makatingin kay Brix, tila nahihiya siya dahil sa magiging plano ni Dianne sa magiging date nila. “ah, eh, good morning din” si Brix na hindi din makatingin kay Rylie dahil sa may nararamdaman din itong hiya at kaba para sa kalalabasan ng plano mamaya. Di naman nagtagal at bumaba na si Dianne ng kanyang silid at masiglang binati sina Rylie at agad itong naupo sa mesa para sabayan sa pagkain ang kanyang kuya, ngunit napansin nito ang katahimikan sa paligid. “bakit parang nagkakailangan ata kayong dalawa? Samantalang tuwing umaga ay kahit papaano nagkwekwentuhan naman kayo?” pagtatakang tanong ni Dianne ngunit para lang siyang nagsalita sa hangin. “wow ha? May tao ba dito? Hay nako, Rylie buti pa ay sabayan mo na kami sa pagkain, grabe naman, dapat maging komportable na kayo sa isa’t isa, paano nalang mamaya? Nako baka pumalpak tayo ng dahil lang diyan” si Dianne at agad pinuntahan si Rylie at pinaupo sa tabi ni Brix. Pilit mang tumanggi si Rylie ay wala siyang nagawa sa pagpursige ni Dianne. “o kitams, kung ngayon pa nga lang bagay na kayo, paano pa kaya pag naayusan ko na si Rylie? isipin niyo na lang na training niyo na yan para mamaya, basta kuya ha, be nice and gentle kay Rylie” si Dianne na nangingiti nalang Sa dalawa. Di naman nakatugon si Brix at naghapyaw lang ito ng paningin kay Rylie, sa halip ay binilisan niya nalang sa kanyang pagkain. “uhm, pasensya na pero kelangan ko ng umalis, baka maleyt ako, mamaya na lang ulit” si Brix na puno pa ng laman ang bibig dahil sa binilisang ubusin ang kanyang pagkain at dali-daling umalis, ngunit bago pa man siya makalabas ng bahay ay may pahabol muna si Dianne. “kuya! Don’t forget the flowers!!” Pagkaalis ni Brix ay tila nakahinga naman ng maluwag si Rylie. “sure na sure na po ba talaga yung plano mamaya? Baka pwede pa naman na baguhin yung plano o kaya humanap nalang ng ibang kapalit ko?” si Rylie na biglang nagdalawang isip. “ano ka ba, okay na lahat para mamaya, no need to worry, akong bahala sa iyo, tsaka wag kang matakot kay kuya, ganoon lang yun medyo may tama lang sa utak minsan pero hindi ka kakainin nun, and tamang tama dahil wala akong gagawin ngayon kaya be ready dahil madami tayong pupuntahan” masayang tugon ni Dianne. Napalunok nalang si Rylie at sumang ayon nalang siya sa kanilang plano, total ay simpleng date lang naman iyon, kunwari ay mag-uusap lang sila at medyo sweet ng kaunti. Pagkatapos na pagkatapos nilang kumain at mag-ayos ay agad na silang humarurot sa mall para mamili ng damit, kay dra. Vicky belo, sa salon at kung saan saan pa para maayusan at talaga naman na maging super ganda si Rylie mamayang gabi. ****************************** Pagkagising palang ni Steven ay agad na itong nag-ayos ng sarili para masimulan na niya ang paghanap kay Rylie, ngunit sa malapit lang muna sa kanyang tinutuluyan dahil hindi pa naman niya gaanong kabisado ang lugar kung nasaan siya. “o pre, aga mo naman? may date ka ba?” pag-usisa ng kanyang baguhang kaibigan. “wala naman pre, magbabakasakali lang, may hinahanap kasi akong kaibigan, baka napadpad siya sa lugar na ito, nag-aalala na kasi ako eh, ilang araw na din kasi simula nung umalis siya” si Steven sabay higop ng kanyang mainit na kape. “saan ba siya napunta? Gusto mo pre samahan na din kita para naman makapaglibot din ako, teka, may larawan ka ba niya? Para mas mapadali ang paghahanap natin?” suhestiyon ng kanyang kaibigan. “meron, saglit lang (sabay kuha sa kanyang pitaka), magkasama kami dito, kuha yan nung birthday ko” si Steven habang ipinapakita ang picture nila ni Rylie. “ah siya pala, mukhang super close talaga kayong dalawa, teka wala ba itong kamag-anak na artista o lumabas sa telebisyon man lang? Para kasing may kahawig siya eh, di ko lang maalala kung sino bang sikat yung kahawig nito” pagtataka nito. “kahawig? Wala kasi siyang alam tungkol sa ibang kamag-anak niya, sa totoo lang kami nalang ang itinuturing niyang pamilya, kaya nga labis akong nag-aalala, baka kung ano na ang nangyari doon” si Steven na talagang naging seryoso ang emosyon. “bayaan mo, malay mo Makita natin siya? Ang problema lang masyadong malawak ang lugar na to para magbaka sakaling makit siya, di bale sasamahan naman kita" tugon ng kaibigan ni Steven. “salamat pre” si Steven at agad inubos ang iniinom na kape. Pagkatapos noon ay agad na silang umalis para maumpisahan ang pagbabakasakali nilang mahanap si Rylie. *************************** Sa mansyon nila Ramon... Labis na nagulantang si Martha sa ibinalita sa kanya ni Andrew. Nagpasya kasi si ramon na magbakasyon silang dalawa sa hongkong for one week, isasabay na din kasi ni Ramon ang pag aasikaso ng ilang bagay doon. Ang labis din niyang ikinabigla ay ang agarang pag-alis nila ni Andrew. “ano ba yan, ni hindi man lang naisip ni Ramon na isama kami, gusto ko pa naman makapunta dun sa hongkong na yan” pagmamaktol ni Martha. “eh inay, biglaan daw kasi, bayaan mo inay, di lang kita sa hongkong dadalhin gusto mo pati sa America pa, alam mo naman na isang sabi ko lang sa Ramon na yun ay papayag na yun” si Andrew habang nag aayos ng gamit. “talaga anak? O sige, gusto ko na din kasing makakita nung snow, promise mo yan ha? nga pala, wag na wag mong kakalimutan yung pasalubong mo samin ni Shiela ha? naku, kundi pababalikin talaga kita doon para bumili lang noon” si Martha. Di naman nagtagal ay kinamusta ni Ramon si Andrew kung tapos na ba itong mag-ayos ng kanyang gamit. “kahit naman kaunti lang ang dalhin mong gamit, pwede naman na dun nalang tayo bumili, at saka nandito ka na din lang Martha, nagtataka lang ako kung bakit hindi mo pa sinisimulan ang paghahanap sa isa ko pang anak, ano to bahay bakasyunan mo?” si Ramon na talagang matalim ang tingin kay Martha. “nako ramon pasensya ka na, bayaan mo, bukas na bukas ay pupuntahan ko na agad, ikaw naman masyado kang hot, don’t worry, just relax” si Martha na biglang nataranta. “siguraduhin mo lang yan Martha, gusto ko pag balik namin ay okay na, kapag may kailangan ka ay sabihin mo lang kay precious” pagbilin ni Ramon. “teka, hindi mo kasama si Precious?” pagtatakang tanong ni Martha. “marami akong pina paasikaso sa kanya at para mabantayan ka din niya kung ginagawa mo ang dapat mong gawin, o siya tama na ang usapang ito, Andrew sumunod ka na lang sa kotse” si Ramon at agad ng lumabas sa kwarto ni Andrew. “akala ko naman masosolo namin ni Shiela itong mansyon, hmph!” pagkabwisit ni Martha. Tiningnan lang ni Andrew ang kanyang ina at nagmadali na ito sa pag aayos ng kanyang gamit. ***************************** Habang inaayusan si Rylie ay bigla naman tumunog ang cellphone na nasa bulsa ni Dianne. Bago niya ito sagutin ay tinignan niya muna kung sino iyon at sadyang napataas nalang ang kanyang kilay na sinagot ang tumatawag. “yes hello?” pambungad ni Dianne, kunwari hindi niya alam kung sino ang tumatawag. “hello? Teka, Dianne ikaw ba yan? Bakit nasa iyo ang cellphone ng kuya brix mo?” pagtatakang tanong ni Vanessa. “ah, naku kasi mukhang naiwanan ni kuya yung cellphone niya sa pagmamadali, buti pa tumawag ka nalang ulit mamaya” si Dianne. “what?!!! Its impossible?! Alam niyang tatawag ako tapos iiwanan niya yung cellphone?!!! Oh my gosh! Sabihin mo nga sa akin dia….” Si Vanessa at agad na pinindot ang end call ni Dianne para hindi na madinig pa ang pagdadakdak ni Vanessa. “napakaingay na babae, grabe talaga, di na ako nagtataka kung bakit parating natutuliling si kuya, hay nako” nasabi nalang ni Dianne sa kanyang sarili. Sakto naman at tapos ng ayusan si Rylie at agad ng pinakita kay Dianne ang resulta. Pagkakita palang ni Dianne kay Rylie ay talaga naman na napanganga ito sa pagkamangha, ni hindi niya nakilala na si Rylie iyon. "Dianne, okay lang po ba?” pagtatakang tanong ni Rylie dahil sa hindi pa niya nakikita ang kanyang hitsura. “my gosh, Rylie, I’m sure pag super ayos na ayos ka na, talagang mapapanganga yung kuya ko sayo mamaya, grabe, make up pa lang yan ha? Wow” pagkamangha ni Dianne. Namula naman si Rylie sa papuri ni Dianne at ng iba pang nandoon. Pagkatapos noon ay agad na ding inayusan si Rylie para matransform na siya at magmukha na talagang babae. ********************** Sa isang sosyal na restaurant kung saan gaganapin ang plano ni Dianne ay agad na dumating si Brix. Talaga namang napakagwapo nito sa kanyang formal suit na kulay black with touch of red. Napakalinis niyang tignan, halos lahat nga ng kumakain doon ay talagang napapatingin at napapalingon sa kanya habang siya ay papunta sa isang parte ng restaurant kung saan ipinareserve para lang sa kanila ni Rylie. Sa isang malahardin na lugar ang napiling pwesto ni Dianne kung saan dalawa lang talaga sila ni Rylie at para malayo din sa ibang guest na kumakain doon sa restaurant na iyon. Para magmukha talagang sweet ang mangyayari at mamamatay talaga sa inggit si Vanessa. Kinkabahan na naupo si Brix, at nagdadalawang isip pa din kung itutuloy pa ba ang plano o uurong nalang siya. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay may nakakita pala sa kanya na isang photographer ng isang pahayagan. Siyempre, para sa photographer na iyon ay tyansa na niya para makakuha ng magandang scoop, lalo pa at si Brix ay maituturing nang rising star sa showbiz. Di naman nagtagal ang pag hihintay at agad dumating si Dianne kasama ang bagong Rylie. Pagkababa palang nila ng sasakyan ay talagang nagtinginan talaga ang lahat sa kanila. Ibang iba na ang hitsura na ginawa kay Rylie, babaeng babae na talaga at nagningning sa ganda. Mahaba ang buhok na may kulot sa bawat dulo nito, may bangs na talaga naman na naglabas ng kagandahan at magandang hugis sa kanyang mukha, mga nang-aakit at malapusang mga mata, mapupulang labi na handang mang-akit anumang oras, red and black dress na talagang nagpalitaw ng kanyang kaputian at shape ng katawan na talagang labas pa ang kanyang likudan, para talagang babae at walang bakas ng pagkalalake, hindi din naman nawala ang paglagay sa kanya ng fake breasts na sakto lang ang laki para seksi talaga siyang tignan. Dahan dahan na naglakad sina Rylie papunta sa kinaroroonan ni Brix. Di pa din kasi sanay si Rylie sa pagsuot ng high heels kaya talagang nakaalalay si Dianne dito. Kasama sa mga nabighani ay ang photographer at agad niyang nilabas ang kanyang camera para kuhanan ito ng stolen shots. Sa pagtataka ni Brix sa kung sino ang pinagtitinginan ng mga tao ay pinuntahan niya ito at talaga naman na nagulat siya sa kanyang nakita. “kuya, presenting, the new Rylie, you will call her……. Reya” si Dianne at iprinesenta na ang bagong Rylie na si Reya. Isang diyosa... Isang anghel na bumaba sa kalangitan.. Isang natatanginf produkto ng kagandahan... Yan ang labis na pumasok sa isipan ni Brix habang natulalang pinagmasdan ang kabuuan ni Rylie. Dahil dito, ay di niya napigilan na ilahad ang kanyang kamay para maging escort ni Rylie papunta sa kanilang table. “dahan-dahan lang kuya, di pa siya sanay mag high heels eh, dun na ko sa kabilang table para sa guest ko naman, have fun” si Dianne at nangingiting iniwan sina Rylie at Brix papunta sa kanyang pina reserve na table. Parang prinsesa na hawak ng kanyang escort na isang prinsipe ang pakiramdam ni Rylie. Sobrang kaba man ng kanyang nadarama ay parang may pagkakilig din naman na namumutawi sa kanyang damdamin. Pagkadating sa table ay agad inalalayan ni Brix sa pag-upo si Rylie/Reya. Pagkaupo palang ay may lumapit na agad na waiter na may dalang napakagandang boque ng bulaklak na bagay na bagay kay rylieeya at agad itong iniabot ni Brix. “f-f-f-for y-you” kinakabahang ibinigay ni Brix ang mga bulaklak kay Rylie/Reya Di kasi ito makapaniwala na si Rylie ang kanyang kaharap ngayon at tila may kakaibang damdamin ang pilit na pumapasok sa kanya. “thank you po sir Brix” tanging naitugon lang ni Rylie habang pinagmamasdan ang magandang bulaklak. “buti pa, eh, uhm, mag order na tayo” kinakabahang sabi ni Brix at agad kinuha ang menu na nanginginig nginig pa. Samantala sa kabilang table kung nasaan si Dianne ay naaliw itong pinag mamasdan ang dalawa at halatang halata niya kung gaano kakaba ang kanyang kuya. Bigla naman na tumunog ang kanyang hawak na cellphone. “hello Dianne, nandito na ako sa restaurant na sinasabi mo” si Vanessa. “okay, sabihin mo lang sa receptionist yung pina reserve ko at iaasist ka na dito” tugon ni Dianne sabay pindot ng end call. Di naman nagtagal at dumating na si Vanessa at talagang naguguluhan ito kung bakit biglaan siyang inaya nito for dinner. “wala pa din ba ang kuya Brix mo? Alam mo nagtataka na talaga ako doon eh” pambungad ni Vanessa kay Dianne. “nako, baka padating na din yun dito, buti pa eh mag order na tayo” suhestiyon ni Dianne at agad kinuha ang menu. Balik muna tayo sa garden kung nasaan ang table nila Brix at Rylie. Nasimulan na nila ang kanilang pagkain at talaga naman na napaka sweet ng venue nila dahil may waiter pa sa kanilang tabi na tumutugtog ng violin. Di naman makaisip si Brix ng maaari nilang pag-usapang dalawa kaya panay tinginan lang sila. “ah eh… Rylie… este.. uhm Reya, you are so beautiful” si Brix na kinakabahan at hindi niya talaga maisip kung bakit sa lahat ng sasabihin ay yun ang lumabas sa bibig niya. Nagulat naman si Rylie sa sinabi ni Brix at nakadama talaga ito ng hiya. “thanks sir Brix, napakagwapo niyo din naman po eh” tugon ni Rylie na nahihiyang tumingin kay Brix, tulad niya ay hindi niya din maintindihan ng kanyang sarili kung bakit bigla nalang niya itong nasabi. “thanks, tsaka salamat din pala at pumayag ka for this dinner date” si Brix na hindi talaga makaisip ng magiging topic nilang dalawa dahil sa kabang nararamdaman. Habang nagkakahiyaan ang dalawa ay bumalik naman tayo sa table nila Dianne sa loob ng restaurant kung saan sinisimulan na din nila ang pagkain. “alam mo, mauubos ko nalang ito at lahat, wala pa din yung bwiset mong kuya, alam mo kinukutuban na talaga ako eh, may ibang babae siguro yung kuya mo” si Vanessa na dinadaan na lang sa pagkain ang pagkabwiset. Agad naman na sinimulan ni Dianne ang kanyang plano at talagang ginamit niya ang kanyang acting skills para dito. “oh my gosh, I think I saw kuya Brix” si Dianne na kunwari nabigla sa pagkakakita kay Brix. “really? Where?!” gulat na tugon ni Vanessa at talagang sinipat ang buong lugar. “I think siya yun, oh my gosh! and I guess tama nga yung hinala mo!” si Dianne na tinuro ang kinaroroonan nila Brix. Agad naman na naghisterical si Vanessa sa pagkakakita kay Brix na may kasamang ibang babae at talagang super sweet pa ng kanilang lugar. Kaya walang patumpik tumpik ay agad niya itong pinuntahan na dali dali naman na sinundan ni Dianne. Sa hardin kung nasaan sina Rylie… Nagulat nalang sila ng sumigaw si Vanessa. “What is the meaning of this?!!” Agad naman na napatayo si Brix at agad din tumigil at umalis ang tumutugtog ng violin. “V-vanessa? What are you doing here?” si Brix na ginamit din ang pagka actor, kunwari na hindi niya alam na dadating si Vanessa. “my gosh Brix! I must be the one asking that question!! Who is that girl!!??” si Vanessa na talagang dinuro si Rylie na nakaupo lang at siyempre kunwari din na nagulat sa pangyayari. “Vanessa, let me explain” si Brix na di na naituloy ang sasabihin. “Brix, I cant believe this!! Tell me, who is that girl?!!” paghihisterical ni Vanessa. “she….. she… she is my girlfriend… sorry Vanessa” si Brix na naglungkot lungkutan. “what?!!!!! I don’t believe you!!! You are lying to me Brix! you cannot do this!! This is a joke right?! I know you are up to something” si Vanessa. “but Vanessa, she really is my girlfriend” si Brix. “Brix! wag mo kong gawing tanga, this is only a show right?!! sige nga kung girlfriend mo talaga yan then kiss her!!! See, hindi mo kaya di ba? Dahil gusto mo lang akong pagselosin, what a great plan” si Vanessa na confident na pinagseselos lang siya ni brix at may pagpalakpak pa ito. Agad naman na napatingin si Brix kay Rylie at biglang napalunok sa kanyang gagawin. “see? this is just an act, ilang beses mo na din ginawa…” si Vanessa na natigilan sa ginawa ni Brix na ikinagulat din ni Dianne. Nanlaki ang mga mata ni Rylie ng bigla nalang siyang halikan ni Brix as in lips to lips at kasabay noon ay ang tunog ng kamera sa kalayuan… ITUTULOY…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD