Pagkatapos na pagkatapos ni Brix sa kanyang sexy pictorial for underwear ay agad itong sinalubong ni Vanessa at dumikit dito na parang linta.
Naiirita man ay walang magawa si Brix kundi ang pagpasensyahan nalang ito.
“buti naman at hindi mo kasama yung kapatid mo, walang makakaistorbo sa ating dalawa, what do you think? s*x in the car is a fun thing right?” pambungad ni vanessa at talaga naman na inaakit ito habang hinahawakan ang katawan ni Brix.
“pwede ba Vanessa, pagod ako hindi mo ba nakikita? Ang dami ko pang kailangang asikasuhin, we can do that s*x thing for many times but please I need some rest” pagtanggi ni Brix habang nagsusuot ng kanyang damit.
“what?!!! You ignored my sexy and beautiful body?!! I cant believe this Brix!! Tell me!! Are you flirting with other girls?” si Vanessa na may kasama pang paghampas kay brix.
“pwede ba Vanessa? tigilan mo muna ako sa mga kaartehan mo at pag-oover react mo, I’m damn tired okay?!” si Brix na di mapigilan ang pagtaas ng kanyang boses dahil sa konsumisyon kay Vanessa.
“oh my gosh!!! Just as I thought!! May itinatago ka sa akin! How could you do this to me?!” tugon ni Vanessa na parang bata at talaga namang pinipilit pa niya ang kanyang sarili na maiyak.
Dahil sa sobrang pagkainis ay di napigilan ni Brix na ibalibag ang bote ng mineral water, buti nalang at walang tao sa kwarto na iyon kundi ay baka iskandalo pa ito sa kanyang career.
Nagulantang naman si Vanessa sa ginawa ni Brix at agad itong natameme, akala niya kasi ay susuyuin siya nito pag ganoon nanaman ang kanyang ginawa.
“alam mo Vanessa kung ganito lang din ng ganito, buti pa eh maghiwalay na muna tayo, nakakairita na yung parati nalang ganito, daig mo pa yung bata!” si Brix at dali-daling kinuha ang kanyang gamit at akmang aalis na.
Agad naman na nabahala si Vanessa at agad pinigilan si Brix.
“I’m sorry babe!! Please don’t leave me!! Promise I will not do it again!! We are the hottest and idolized couple in the campus, and also my father was the dearest friend of your family, don’t you think it will be too messy if we ended up like this?” pangungunsensya ni Vanessa.
Napahinto naman si Brix at talagang napabuntong hininga ng sobrang lalim, tila wala nanaman siyang magawa upang kumalas sa yakap ni Vanessa.
Agad naman itong nilambing ni Vanessa ng sobra bilang paghingi niya ng tawad sa pagiging asal bata niya.
*******Sa mansyon ni Ramon********
Di pa din makapaniwala si Andrew sa naging resulta ng DNA test, lumabas itong positive na anak siya ni Ramon, pero paano kaya nagawa ni Martha ang bagay na iyon?
Agad na pinuntahan ni Andrew ang kanyang ina para ibalita ang matagumpay nilang plano.
“nay!! Ang galing niyo ah, paano niyo nagawang palabasin na ako ang anak nung Ramon na yun?” si Andrew na talagang bumilib sa kanyang ina.
“well, napakadali lang naman Andrew, pero infairness medyo nahirapan din ako ng kaunti, buti nalang at nagpahingi ako sa iyo ng pera kay Ramon, at sa pamamagitan noon ay napa DNA test ko yung naiwang buhok ni Rylie sa kanyang suklay at naipa-match ko dun sa kay Ramon” paliwanag ni Martha na talaga namang bilib sa kanyang ginawa.
“eh, paano naman yun nangyari? Wag mong sabihin na napagpalit mo yun? Kung ganoon, nasaan na yung totoong result ng test?” naguguluhan Pa din na tanong ni Andrew.
“siyempre pinagpalit ko no, humanap na talaga ako ng tiyempo, muntik pa ngang di magtagumpay yung plano ko eh, basta wala na tayong ibang problema pa kundi yung kambal nung bwiset na rylie na yun” paniniguro ni Martha.
“pero inay paano kung biglang umeksena si rylie? Paano kung magtagpo ang landas nila ni Ramon?” pangamba ni Andrew.
“ano ka ba Andrew! Yung pesteng yun ay hindi na pinoproblema pa, tsaka nabalitaan ko, wala na siya sa puder nila Amy at walang nakakaalam kung saan siya napadpad, o diba? Baka nga namatay na yun eh, sumalangit nawa nalang ang kanyang kaluluwa” si Martha na tumingin pa sa kalangitan.
“eh paano kung buhay pa siya? Pagala gala lang sa lansangan?” pahabol ni Andrew.
“well, dalawa lang naman ang pagpipilian niya eh, either mabulok siya dun o magpakamatay nalang siyang bwiset siya” si Martha sabay tawa.
Nangiti nalang si Andrew sa kanyang ina. Para sa kanya ay napakagandang balita noon dahil wala ng magiging hadlang o tyansa pa na mawala sa kanya ang kayamanang tinatamasa.
*********************
Sa bahay ng mga dela Merced..
Pagod na nakauwi si Brix ng kanilang bahay at agad nitong nadatnan ang kanyang kapatid.
“kamusta kuya?! Mukhang badtrip ka ah, nako po, mukhang naaamoy ko na kung bakit” si Dianne na napapailing nalang.
“hay nako Dianne, wag mo nang dagdagan pa ang init ng ulo ko” si Brix at agad nahiga sa sofa katapat ni Dianne at napabuntong hininga nalang.
“hay nako, kalian ka ba magtitiis sa babaeng yun? Sabihin na nating malapit siya at ang dad niya kina mommy at daddy, at talaga naman na matalik nila itong kaibigan, pero hindi naman kailangan na isakripisyo mo ang kaligayahan mo para dun, hindi mo naman responsibilidad iyon kuya” si Dianne.
“tama ka naman eh, pero gusto kong mangyari ay siya mismo ang sumuko sa akin, okay naman sana yung plano mo na pagselosin siya, pero grabe naman yung mga babaeng pinapakilala mo sa akin para magpanggap, yung iba mas masahol pa ata kay Vanessa, tapos maliban sa mabaho eh patay na patay pa sa akin” tugon ni Brix.
“well, speaking of that, kuya may naisip akong solusyon, and im sure na eepekto na ito, diba ayaw mo na yung magpapanggap ay super patay na patay sayo o yung maiinlove sayo? At ayaw mo din naman yung maiinlove ka, at higit sa lahat ay okay ang hitsura at ugali na malayo kay Vanessa at wala ding body odor?” suhestiyon ni Dianne.
Labis naman na napaisip si Brix sa naiisip na ideya ni Dianne, hindi niya tuloy mapigilan na kabahan dahil sa baka palpak nanaman ang planong naiisip nito.
“teka, baka naman kung ano nanaman yan Dianne ha? Kinakabahan ako sa balak mo eh" si Brix.
“hay nako kuya, this time im sure na okay na ito, and guess what?!! Si Rylie ang napili ko na magpanggap bilang girlfriend mo, o diba?” paniniguro ni Dianne.
Sa pagkakadinig noon ay biglang nalaglag si Brix sa sofa na hinihigaan niya at muling nilinaw ang pagkakasabi ni Dianne dahil baka nagkakamali lang siya ng pandinig.
“nagpapatawa ka ba Dianne? Si Rylie?” paglinaw ni Brix.
“yup, di ka nagkakamali ng dinig, si rylie nga” pagkumpirma naman ni Dianne.
“eh paano naman yun? Tsaka diba… B-b-bakla s-s-siya?” si Brix na may halong pangamba sa naiisip ni Dianne.
“oo nga, hay nako kuya, alam ko na yang nasa isip mo eh, di porket may hitsura ka at pinapantasya ka ng karamihan eh ibig sabihin noon ay patay na patay din sayo si Rylie, ang hangin mo din eh no, iba si Rylie sa iniisip mo, di mo ba halata, napakabait, magalang, masipag at tsaka maganda naman siya lalo na pag ginawa natin siyang babae” si Dianne.
“sabagay, kung titignan mo nga si Rylie parang kahawig mo siya, pero im sure pag naging babae yun mas maganda pa siya sayo” pang aalaska ni Brix.
“hmph! tanggap ko naman yun kuya no! Baka mamaya magustuhan mo siya ha? Ahaha, o paano, okay na? ako na ang bahala sa lahat, say goodbye Vanessa, I’m sure susuko yung babaeng yun sa plano natin” masayang tugon ni Dianne na tila nakakasiguro sa kanyang plano.
***********************************
Sa bar na pinagtratrabahuhan ni Steven kasama ng baguhan na lalake na naging kaibigan na din niya.
Agad pinaliwanag ng isang matabang lalaki na di mo aakalaing bakla pala ang kanilang mga gagawin, kasabay noon ay ipinakilala din sila sa may ari ng naturang bar na iyon.
“okay guys! magbigay pugay sa nag iisang diyosa, si madam Ursula” pagpapakilala nung matabang bakla na nag ngangalang Fatty.
Agad na tumambad sa kanilang paningin ang isang bakla na di mo aakalain na bakla pala, babae kung ito ay iyong titignan, pero kung susuriin itong mabuti sa malapitan ay mahahalata mo na bakla, marahil ay sa mga pagpapaayos na ginawa ito sa kanyang katawan at mukha.
Mahahalata din dito na may edad na ito, siguro mga nasa edad 50’s
“hello, nice to meet you both, welcome to club exodus, I hope na naipaliwanag na sa inyo ang tungkol sa trabaho niyo, sooner or later you will discover more, na pwede niyong pagkakitaan ng mas malaki, nasasa inyo nalang iyong desisyon na iyon kung gusto niyo o hindi, about naman sa policy, fatty will explain it to both of you later” paliwanag ni Ursula.
Di naman nawala sa paningin ni Steven ang kakaibang tingin sa kanya ng kanilang boss, para tuloy di siya naging komportable nung mga panahon na iyon.
Matapos ang tagpong iyon ay hinatid na sila Steven sa kanilang pwesto para ihanda sa kanilang trabaho.
Di maiwasan ni Steven kung ano ba ang meron sa bar na iyon, di pa man nag-uumpisa eh kinakabahan na siya.
Kung titignan ang bar na iyon ay parang tulad din sa ibang bar, may makukulay na ilaw, magandang ambience na nakakahikayat ng customers, mga nakakaindak na tugtugin, may dance floor at may stage na para siguro sa mga magpeperform, kaya naman hindi mo mahahalata kung may kakaiba ba doon o tipikal na bar lang talaga.
Di nagtagal at nagbukas na sila at ilang saglit lang ay nagdatingan na ang mga customers.
Okay naman ang trabaho ni Steven, serve dito, serve doon, may mga grupo ng babae, may grupo ng bakla, minsan magkakabarkadang bakla at babae.
Pero ang bar pala na iyon ay sikat na sikat pagdating ng 12:30 ng madaling araw, meron kasing mga kakaibang performer na tiyak na dinadayo talaga.
Di kalaunan ay napapansin ni Steven na halos lahat ay puro grupo na ng mga bakla, siguro mangilan ngilan nalang ang babae at yung iba ay mga matrona pa.
Yung iba pa nga eh minsan natitipuhan pa siya, pero umiiwas nalang siya dahil waiter lang naman siya eh.
Di nagtagal at lumabas na si Fatty sa stage, at nagsimula na ang pinakaaabangan ng lahat, halatang halata na excited ang lahat lalong lalo na ang mga beki, yung iba naman ay formal lang para hindi ganong halata.
Haggang sa tinawag na ni fatty ang ilang mga lalaki na animo’y magcocosplay sa entablado.
Noong una ay akala ni Steven na may stageplay na ginaganap doon, pero kakaibang stageplay pala iyon.
Kumukuha sila ng ibang customers para samahan sila sa pagganap ng kwento.
Dahil bago sa paningin ni Steven, ay nagulantang nalang siya ng unti unting nawawala ang saplot ng mga lalaki sa taas ng entablado.
*********************************
Sa bahay ng mga dela merced..
Kinuha naman ni Dianne ang pagkakataon para kausapin si Rylie patungkol sa gagawin niyang plano at talagang ito ay labis naman na ikinagulat ni Rylie.
"Nagbibiro po ba kayo? Magpapanggap po akong girlfriend ni sir brix?” labis na pagkagulat ni Rylie.
“yup, ok lang naman sa iyo hindi ba? Kawawa naman kasi yung kuya ko sa Vanessa na iyon eh, tsaka akong bahala sa iyo, wag kang mag alala” pangungumbinse ni Dianne.
“pero, baka hindi ko po kaya iyon eh, baka pumalpak yung plano niyo ng dahil sa akin, tsaka sa tingin ko po ay marami pa naman diyan na mas deserving kaysa po sa akin” pagtanggi ni Rylie.
“naku, ikaw talaga, wag mong isipin yun, at alam kong ikaw ang pinaka deserving, sige na please, payag ka na” pangungumbinse muli ni Dianne.
Wala nang nagawa pa si Rylie kundi ang sumang ayon kay Dianne, aminin man niya kasi o sa hindi ay para talagang napaka gaan ng loob niya dito kahit noong unang beses palang niya itong nakita.
Kaya naman bigla niya tuloy naisip ang kambal niya na ibinenta ng kanyang tiyahin.
Biglang lumungkot ang kanyang mukha at agad naman napansin iyon ni Dianne.
“bakit Rylie? May problema ba? Wag mong sabihin na mag baback-out ka na agad?” pagkabahala ni Dianne.
“hindi po, naalala ko lang kasi yung tungkol sa kambal ko” may lungkot na tugon ni Rylie.
“may kambal ka? Eh nasaan na siya? Babae ba siya o lalake?” tugon ni Dianne.
“di ko po alam eh, ang pagkakaalam ko lang po ay ibinenta siya ng aking tiyahin nung sanggol pa lamang kami at ayun, isa din siya sa mga hinahanap ko, siya nalang kasi ang maaari kong ituring na kapamilya” malungkot na pahayag ni Rylie.
Agad naman na dinamayan ni Dianne si Rylie at niyakap ito.
“wag kang mag-alala, tutulungan kitang hanapin ang kambal mo, bilang kapalit na din ng pagtulong mo sa plano ko kay kuya, okay ba yun?” pagpapagaan ni Dianne ng loob ni Rylie.
“talaga po? Maraming maraming salamat po” punong puno ng kagalakan na tugon ni Rylie na ikinatuwa din naman ni Dianne.
****************************
Madaling araw na ng matapos ang trabaho nila Steven at pabalik na sila sa kanilang tinutuluyan kasama ng iba pa nilang kasamahan.
Di naman kasi kalayuan yung tinutuluyan nila sa bar na pinapasukan nila.
Nilapitan sina Steven ng dalawang lalaki na kasamahan nila at tiyak niyang nakita niya na nasa entablado kanina ang dalawang ito at nagbibigay ng aliw sa mga customers.
“diba kayo yung baguhan? Alam niyo pre! sa ganda ng katawan niyong yan kikita pa kayo ng malaki, lalo ka na (pagtukoy kay Steven), may hitsura ka pa, tiyak kong ikaw ang dudumugin doon” saad ng isang lalake.
“talaga pre? paano naman kami kikita ng malaki?” interesadong tanong ng baguhan na kaibigan ni Steven.
“madali lang, napanood niyo naman yung performance namin kanina di ba? Ganoon lang, tiyak lalawit yung mga mata ng mga parokyano doon lalo na pag may tinatago kang malaking kargada, nako maglalaway na tila mga aso yung mga yun” pangungumbinse nung isa.
“nako mukhang hindi ko ata kakayanin yan, masaya na ako sa pagiging waiter” tanging naitugon lang ni Steven.
“nako, sinabi ko din yan, dati din akong waiter, pero nagbago din ang isip ko, mas triple pa yung perang natatanggap ko kesa sa pagiging waiter, maraming mayayaman na parokyano doon na malaking magbigay lalo na pag maganda yung performance mo, ang technique lang naman eh ipalunok mo ng buo yung kargada mong iyan o kaya tirahin mo hanggang sa lumawit ang mga mata” sabat nung isa pa nilang kasamahan at nagtawanan yung iba pa.
“tsaka biruin mo ha, nasarapan ka na, nagkapera ka pa, ipangalandakan mo nga lang yung hubo’t hubad mong katawan sa mga bakla doon ay makaka limang libo ka na agad” dagdag pa nung isa.
Di naman makapaniwala si Steven sa kanyang napasok na tranaho, pero masyado pang maaga para mag back-out, kailangan makapag pundar siya, at isa pa ay hindi pa niya nasisimulan ang paghahanap niya kay Rylie.
Nakitawa nalang siya sa iba nilang kasamahan at hindi na nakatugon pa, basta ang nasa isip lang niya ay ang kumita ng pera sa tama at marangal na paraan.
ITUTULOY…..