Chapter 17 — “The House That Never Slept”

947 Words

Hindi pinayagang umalis ang Friends Club. Ayon sa lokal na pulisya, delikado ang bumiyahe sa dis-oras ng gabi. Masyadong sariwa ang insidente. Masyadong maraming tanong. At higit sa lahat, hindi pa malinaw kung aksidente nga ba ang nangyari kina Miguel at Benjo Natividad. Kaya nanatili sila. Sa bahay. Sa bahay kung saan dapat ay may kasiyahan, hindi kaba. Sa bahay kung saan dapat ay wedding shower, hindi lamay. Ang lumang bahay nina Benjo ay nakatayo sa gitna ng malawak na lupain—ektaryang palayan na hinahampas ng hangin, at fish pond na tahimik sa gabi, tila salamin na nag-iingat ng mga lihim. Mayaman si Miguel Natividad. Halata iyon sa laki ng bahay—dalawang palapag, makapal ang pader, mataas ang kisame, at punô ng mga pasilyong parang hindi na mabilang. Maraming pinto. Maraming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD