Nagkaroon ng hindi inaasahang takot sa kanyang dibdib si Dandred na noon lamang niya naramdaman at pakiramdam niya ay nasa panganib ang kanyang buhay. Dahil sa medyo madilim ang eskinita na kanyang dinaanan ay lalo itong nakadagdag sa takot na kanyang nararamdaman. Halos hindi na lumalapat sa sahig ng pathway ang kanyang paa dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo habang palingon lingon sa kanyang likuran na para bang nauulinigan niya ang mga yabag ng mga paa ng humahabol sa kanya. Epekto ba iyon ng m*******a na kanyang ginamit kanina? nagtatanong si Dandred sa kanyang sarili at sa bilis ng kanyang pagtakbo ay halos hindi na niya namalayan ang isang motorsiklo na mabilis na papunta rin sa kanyang kinaroroonan. Huli na ng mapansin ng driver ng motorsiklo ang mabilis na pagtakbo ni Dandred buhat

