Naalimpungatan si Lyndon sa may katagalan din niyang pagninilay nilay ng bigla siyang makarinig ng malakas na katok sa may pintuan na kanyang kinalalagyan. Napabalikwas siya at agad na binuksan ang pintuan. " s**t ano ba naman yan! marami namang bakanteng CR bakit dito..." natigilan si Lyndon ng mapansin niyang wala namang tao sa loob. Nangalisag ang kanyang balahibo ng maramdaman niyang wala namang ibang tao maliban sa kanya.Binuksan niya isa isa ang apat na nakaawang na pintuan ng CR para alamin kung may gustong magbiro sa kanya pero walang tao. Napailing si Lyndon at nasabi niya sa sarili na mukhang naghahalucinate na siya dulot ng m*******a. Napapangiti pa siya ng matiyak niyang nagiisa lamang talaga siya sa loob. Dumiretso siya sa may lababo upang maghilamos para maibsan ang kanyang

