JP “WHAT ARE YOU doing here?” pupungas-pungas kong tanong kay Liezl na may kapit na bata. I am currently staying at our family home at hindi kalayuan dito ang bahay nila. Bigla na lang siyang pumasok sa kuwarto habang natutulog ako. Hindi ko ugaling mag-lock ng pinto rito sa bahay, even Migz or Dad. “Nandito ka na pala ay hindi mo pa kami binibisita,” sabi niya sa akin nang nakangiti. Is she expecting for me to welcome the baby with open arms? Or her for that matter? Claire is right, this is a such a desperate move from Liezl. I was going to say something sarcastic but I remember my wife telling me not to make this woman angry. “Pasensiya na. Medyo pagod pa ako sa biyahe.” “It’s okay. By the way, this little guy is Paul. Baby, say hello to your Daddy.” Kinuha pa ni Liezl ang maliit

