CLAIRE NANDITO AKO NGAYON sa opisina pero hindi ako mapakali. Si Mama ay nasa bahay at nami-miss ang apo niya kaya kasama ito ni Yaya Mendy ngayon. Ang plano ko ay magpunta sa hotel na tinuluyan ni JP noong gabi bago kami ikasal mamayang alas-singko pero alas-dos pa lang ay nangangati na ang paa kong magpunta. “Arlene!” tawag ko sa aking sekretarya. Kaagad naman siyang dumating. “Yes po, Ma’am?” “May meeting pa ba ako mamaya? Kung wala ay sa bahay ko na ire-review ang mga ito. I have to go to Paragon Suites. Magtatanong-tanong ako roon tungkol sa nangyari last year.” “Ah ganoon po ba. Wala na po kayong meeting, Ma’am. Last na po iyong kanina bago mag-alas-onse.” “Okay, I will see you tomorrow then,” sabi ko sa kaniya at nag-ayos ng gamit. Ang napansin ko, hindi pa siya umaalis sa p

