CLAIRE THEY’VE DATED? AT ngayon ay magkasama sila sa Maynila?! Parang nangingimay ang panga at kamay ko sa inis. Iyong galaiting-galaiti na ako kasi hindi siya nagpaparamdam tapos malalaman ko pa na nasa Maynila na siya at kasama ang ex! Mabuti na lang pala at hindi ko siya tinawagan o tinext habang wala siya. Kung nagkataon ay na-istorbo ko pa ang reunion nila ng ex niya! “I'm sorry, did you just say they’ve dated?” I am trying to control my anger but it’s really hard. Migz paled at hindi inasahan ang magiging reaction ko sa sinabi niya. “T-That was back in high school. M-Magkaibigan na lang sila ngayon.” Halos hindi siya makangiti at mukhang ninenerbiyos. “Your brother isn’t planning to come here, right? I mean, I think it’s your first time in Davao so it’s fine. But your brother ha

