CLAIRE I DON’T GET it. Siya na nga ang walang paramdam nang mahigit dalawang linggo. Hindi rin siya umuwi rito sa Davao at nagtigil pa sa Maynila ng ilang araw. At kasama pa ang ex niya! I don’t care if it was high school or not, an ex is an ex! How would he feel if he saw me with Samuel, let alone spend a few days with him in another city? Tapos ako pa ang sasabihan ng asal-bata? “I didn’t mean—” “Then what exactly do you mean?” Hindi ko na alintana na nakatapis lang ako ng tuwalya at nasa gitna ng hagdan. Natakot din akong mahilo kaya habang kipit ng isang kamay ko ang towel ay nakahawak naman ang isang kamay ko sa hamba. These days, iba-iba ang pakiramdam ko. I like sleeping in so I am often awake at night. Puwede na nga akong mag-graveyard shift sa call center. My cravings are

