Chapter Seven
“And? Ano naman kung ikaw ang may-ari ng bar na ‘to? What do you want me to do then?” Matapang na tanong ko sa lalaki pabalik.
Sinalubong niya ang mga mata ko kaya’t lihim akong napalunok muli at pasimpleng nag-iwas ng tingin. The way he looks at me… it’s as if he knows me too well. Hindi ako kaagad nakatingin muli sa gawi niya dahil hindi na ako kumportable sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Leave.”
I looked back towards him and raised my brow. “What?”
“You’re asking me what I want you to do, right? I want you to leave.”
My jaw dropped for the umpteenth time. Ipinagkrus ko ang aking dalawang braso at taas-noong tumingin sa kaniya. He’s being ridiculous right now! Ang layo-layo ng ibiniyahe ko para lang makarating dito tapos paaalisin niya lang ako nang ganoon-ganoon nalang? Nonsense!
“I won’t leave… boss ka pero customer pa rin ako. Look! Pumila pa nga ako—“
“I don’t care.” He cut my words off before crossing his arms over his chest as if he’s trying to copy me. Pasimple naman akong umismid dahil sa ginawa niya.
He’s really testing my patience, huh?
Malakas akong bumuntong hininga at hinawi ang aking buhok. “I have almost a million followers on my social media account… sigurado ka bang hindi mo ako papapasukin sa loob? Isang post ko lang…”
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya nang marinig ang sinabi ko kaya naman mas lalo akong napangiti sa loob-loob ko. There’s no way that he won’t accept me—
“Still a no.”
I immediately looked towards him as I gritted my teeth out of frustration. How dare he? Siya… tinatanggihan niya ako? Though it’s not really that much of a big deal because he’s a stranger but still…
Ang kapal naman ng mukha niya na tanggihan ako? Really? Sino ba siya sa tingin niya?
I eyed him from head to toe but I just ended up gulping upon seeing his face and figure. Damn. Kung hindi lang siya guwapo, baka kanina po siya nasampal. Isa pa, umiiwas na rin ako sa away kaya naman hindi ko puwedeng patulan ang pang-aasar niya.
Kung minamalas nga naman, oh.
Malakas akong bumuntong hininga bago muling sinalubong ang kaniyang mga mata. “I want to go inside because I want to talk to you,” walang paligoy-ligoy na sambit ko habang nakatingin sa kaniya.
His blue eyes gaze into mine, dancing with delight as if what I said fascinated him for a while. Mabilis din namang nawala ang ekspresyon sa mga mata niya at agad napalitan ng malamig na pagtingin sa akin.
“I don’t think we have anything to talk about.”
“E ‘di wala,” pang-aasar ko at umirap sa kaniya. “But let me go inside. Kung ayaw mo akong kausapin, then let me talk to other people. Can’t you see that I am alone? I need a companion.”
Bahagyang tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pasimple niyang pagtingin sa aking likuran na para bang sinisiguro niyang wala nga akong ibang kasama.
“Then call your cousins,” kaswal na sagot niya.
Tumaas ang sulok ng labi ko. So he knows about my cousins, huh? Is he keeping tabs about my life? O baka naman masiyado lang akong nag-aassume na kilala niya nga ako? There’s no way that he’s a follower of mine… mukha ngang malaki ang galit niya sa akin, e.
I heaved a deep sigh and lifted my shoulder in a half shrug. “My cousins are not here. They’re all busy with their own lives and I don’t want to bother them anymore. That’s why I’m here…”
“Then go other bars—“
“My cousins and I always hangs out here. My Kuya Dylan also knows the barista… if something bad happens to me, he’ll call my Kuya Dylan immediately. He’s a policeman, you know? Hindi ako mapapahamak kapag nandito ako so…. Let me in.”
“Hindi ka mapapahamak?” he asked and I immediately nod my head in return. He let out a harsh breath before glancing towards me. “Then how about my other customers? Nakarating sa akin ang balita na wala kang ginagawa rito kung hindi gulo… you’ll ruin my business.”
Saglut akong natigilan at hindi kaagad nakapagsalita dahil alam kong may point naman siya. Palagi nga naman akong napapaaway dito sa bar na ‘to kaya’t hindi na nakakapagtaka na nakarating sa kaniya anng balita tungkol doon.
“My staffs told me that the police are always here… ilang beses ka na bang nakulong?”
Umawang ang labi ko at hindi mapigilang umirap. He’s talking as if I am an ex-convict! Hindi pa naman ako nakukulong nang todo kasi inilalabas naman ako kaagad ni Kuya Dylan at ni Tito Damon, ano. I’ve never been in an ‘official’ jail because of all the troubles I’ve caused. Mukha lang akong palaging nakukulong pero hindi pa naman ‘yong seryoso.
“Then you should have known that I am not the one who caused all of that trouble. Kung ako ang may kasalanan, e ‘di sana, hindi mo na ako kaharap ngayon. Silly,” giit ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
“That’s because your family always sorted out things for you. You’ll make a mess and they will clean it for you.”
Nawala ang ngiti ko matapos marinig ang sinabi niya. I eyed him suspiciously as I raised my right brow. Bakit ba parang ang dami niyang alam? Kung makapagsalita siya, para bang kilalang-kilala niya ang buong pamilya ko. How dare he?
Hindi niya pinutol ang pagtingin ko sa kaniya kaya’t sa huli ay ako na ang nag-iwas ng tingin. I drew in a long breath before clutching my bag. “Fine. You’re so grumpy. Sa iba nalang ako pupunta kung ayaw mo akong papasukin. Ang arte!” Inis na sambit ko at agad nang tumalikod sa kaniya para bumalik sa kotse ko.
Sayang naman ang pagd-drive ko nang malayo kung babalik din ako kaagad sa condo ni Maurice, ano. Hindi ko rin naman maipapaliwanag kay Maurice na hindi ako pinapasok sa bar na pinuntahan ko dahil kung sinabi ko ‘yon sa kaniya, baka sermonan na naman niya ako. I know her that much.
Padabog kong itinapon ang dala kong bag sa loob ng kotse matapos kong sumakay dahil sa labis na inis. I was so eager to talk to him… tapos ganoon lang ang ginawa niya? Pinaalis ako? Ako pa talaga ang pinaalis niya? Kahit kailan, hindi pa ako itinaboy ng kung sino man tulad ng ginawa niya. Sino ba siya sa tingin niya?
I am f*****g pissed.
Tumaas ang kilay ko nang mapansing hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya kanina mula nang iwan ko siya pero mas lalong nag-init ang ulo ko anng makitang may kausap na siya kaagad na ibang babae. Ang kapal talaga ng mukha!
I immediately drove towards his direction. Nang malapit na ako sa puwesto niya ay saka ako bumusina nang ilang beses kaya’t napatakip ng tainga ang ilang nakapila. I smirked when I saw how he looked furiously towards my car but I immediately drove away. Baka mamaya, ipakulong niya pa ako dahil lang binusinahan ko sila nang ilang beses.
Malakas akong bumuntong hininga habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi naman sumagi sa isip ko kanina na hindi ako papapasukin sa bar na ‘yon. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagmamaneho ay itinigil ko na kaagad ang sasakyan ko para magtext kay Maurice. I’ll just ask her for recommendation.
To: Maurice
Saang bar puwedeng pumunta? Sarado ‘yong pinupuntahan natin nina Kuya Dylan. Reply ASAP.
Hindi pa man nagtatagal matapos kong magmessage sa kaniya ay agad na siyang nagreply. Mukhang masiyado niyang sineryoso ‘yong sinabi kong ASAP.
From: Maurice
Where are you? Do you want me to come?
I heaved a deep sigh. Gusto ko ng kasama ngayon pero hindi siya ang gusto kong kasama. Sabi ko sa kaniya, I wanted to become independent. Kapag nagpasama ako sa kaniya, sasabihin na naman niya sa akin na hindi ko kayang mag-isa.
Sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin kanina no’ng lalaki… na ang pamilya ko palagi ang umaayos ng gulong ginagawa ko. Maybe it’s the right time for me to fix my own mess instead of asking for their help.
I drew in a long breath before replying to Maurice.
To: Maurice
No, thanks. I’m all good. Where should I go instead? Give me your recommendations, please.
By now, I can already imagine her sighing because of my response. Palagi niyang sinasabi sa akin na dapat maging independent ako pero siya naman ang nagb-baby sa akin kahit na mas matanda ako sa kaniya. Gusto niyang maging independent ako pero alalang-alala naman siya sa bawat ginagawa ko. Hay, ewan ko ba rito kay Maurice.
Mayamaya pa ay nag-reply na rin siya sa akin. Mukhang alam niyang malapit lang ako sa bar na palagi naming pinupuntahan kaya’t nagsend siya ng bar na kalapit lamang din niyon. Tiningnan ko sa map ng cellphone ko kung gaano iyong kalayo at agad din naman akong bumuntong hininga nang mapagtantong saglit lamang ang ibibiyahe ko… thank God. Baka mamaya ay maligaw na naman ako nang wala sa oras.
I was about to start my engine when a car parked infront of my car. Kunot noo ko naman iyong tiningnan bago inihanda ang telepono ko para tawagan si Maurice kung sakali mang may masamang mangyari sa akin. Medyo madilim kung saan ako naka-park kaya naman hindi ko mapigilang kabahan.
Hindi kaagad bumaba ang driver ng sasakyan sa harapan ko kaya naman wala sa sarili kong nahigit ang aking hininga. Whoever the driver is, he’s making me so f*****g anxious!
I cleared my throat before starting my car. Kung ayaw niyang umalis, e ‘di uunahan ko na siya—
My mouth hanged open when the driver suddenly went outside his car. Ilang beses naman akong napakurap nang makita kung sino iyon dahil hindi ko inaaasahang siya pala ang driver niyon. He walked towards my car and knocked on my window a couple of times.
Wala sa sarili akong lumunok upang ikalma ang sarili ko samantalang patuloy siya sa pagkatok sa bintana ng sasakyan ko. After a couple of seconds, I heaved a deep sigh and maintained my usual poker face before sliding down my car’s window.
“What?” Mataray na tanong ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.
His blue eyes met mine, making my throat dry. I gulped before looking towards him with a straight face. Of course, I won’t act like I’m affected by his presence! Baka mamaya, kung anong isipin niya sa akin.
He let out a harsh breath, still leaning towards my car. “Balik.”
“Ano?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
“Bumalik ka sa bar.”
---