06

1797 Words
“Hindi porque pinayagan ka na ni Ninang N na umalis sa Batangas, aabusuhin moa ng tiwala nila sa ‘yo. Danielle, you can’t go out alone—“ I drew in a long breath before I boredly looked towards Maurice. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ako umismid. “And what? You’ll go with me? Tingnan mo nga, oh. Parang isang hinga nalang, mamamatay ka na diyan sa kinatatayuan mo dahil sa pagod. You know what, you should rest sometimes, Maurice. 7PM ang uwian niyo pero 11PM ka umuuwi… Gosh! Saan ka ba pinaglihi? Sa kasipagan?” biro ko. Maurice sighed. “Sa tatay mo ako pinaglihi kaya tumahimik ka diyan.” Mahina akong tumawa at napailing dahil sineryoso niya ang sinabi ko. Tsk. Kahit kailan, hindi talaga parehas ang sense of humor naming dalawa—o kung may sense of humor ba talaga ‘tong si Maurice kasi mukhang palagi siyang seryoso sa buhay. “Huwag mo ngang ibahin ang pinag-uusapan natin, Danielle. Kahit na biruin mo man ako, hindi pa rin ako papayag na umalis ka nang mag-isa. Baka mamaya kung anong mangyari sa ‘yo o kaya naman totohanin mo nga ‘yong sinabi mo kay Ninang N,” she added. My brows drew in a straight line before I glanced towards her. “Sinabi ko kay Mama? Alin? Ang dami ko kayang sinabi sa kaniya,” takang tanong ko pabalik. “Na pag-uwi mo sa Batangas, may apo na siya!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata at para bang nandidiring tumingin sa akin kaya’t tinaasan ko siya ng kilay. “Ano naman? Hello, wala kaya akong planong tumandang dalaga, ano!” She sighed and slowly shook her head. “You can’t even commit to a relationship, Danielle. Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan,” mabilis na pangaral niya. My lips puckered as I crossed my arms over my chest. I looked towards her before giving her a playful smirk. Mas lalo naman siyang sumimangot dahil sa ginawa ko. “I can just raise the child alone. Isn’t that fun? At least may kasama akong tumanda—“ “Hindi ka nga puwedeng mabuntis,” pagputol niya sa kung ano mang sasabihin ko. Nawala ang ngiti sa labi ko at sa halip ay seryosong tumingin sa kaniya. “What?” Maurice scratched her head and looked away before heaving a deep sigh. “Ang ibig kong sabihin, you can’t have a child at this state. Hindi mo nga maalagaan ‘yang sarili mo tapos mag-aanak ka pa?” “Excuse me? I can take care of myself—“ “At sino kaya ‘yong may bahay namang titirahan pero nandito pa rin sa condo ko? You can’t even cook for yourself… God! Ano nang mangyayari sa ‘yo kapag wala ako, huh? Ang lakas ng loob mong umalis sa hacienda, hindi mo naman pala kayang mag-isa,” sambit niya habang umiiling. Masama ko siyang tiningnan pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. I heaved a deep sigh as I held my purse tightly. “Whatever. Magpahinga ka nalang diyan, aalis na ‘ko. I’ll go out and have some fun to celebrate my freedom.” “I am telling you, Danielle. Kapag tumawag ka na naman dahil nasa police station ka, hindi talaga kita pupuntahan. Sina Ninang N at Dada ang papupuntahin ko para naman maabutan ka nila sa kulungan.” I hastily rolled my eyes. “Nagbago na ako, Maurice. I won’t be in trouble from now on… I promise,” I remarked before giving her a wink. Umiling siya at inismiran ako. “Fine, umalis ka na. Basta huwag mong kalilimutang mag-text sa akin, ha? Sabihin mo kung nasaang bar ka o kung saan ka man pupunta para alam ko kung saan kita hahanapin kung sakali mang bigla kang mawala. Umayos ka, ha, Danielle?” Mahina akong tumawa at nagkibit balikat na lamang sa kaniya bago tuluyang tumalikod upang lumabas ng condo ni Maurice. Hindi na naman niya ako sinundan pa kaya’t nakahinga ako nang maluwag. Maybe she’s really tired… aww, poor kid. Malaki ang ngiti ko habang naglalakad papunta sa parking lot. Alam ko na kung saan akong lugar pupunta dahil iisa lang naman ang lugar na gusto kong puntahan. Huh! I will find that guy no matter what. Kailangan kong gumanti sa ginawa niya sa akin, ano. What did he call me again? Ah, basta! I have to get back at him… saka isa pa, may itsura rin naman siya. Hindi na masama. I wonder if he’s still there. Hindi ko pa naman alam ang pangalan niya kaya hindi ko alam kung paano ko siya mahahanap--- pero hahanapin ko pa rin siya. I still remember his face. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon. I smirked before going inside my car. Mabuti na lamang at dinala ko ang kotse ko rito dahil kung hindi, baka abutin ako nang umaga sa pagc-commute—I don’t even know how to commute! Naging tahimik ang biyahe ko papunta sa bar kung saan ako pupunta dahil hindi tulad noon ay hindi ko na kasama ang mga pinsan ko. I just hope that Iverson is not there… Oh God, please. He made a big mess last week because the plane that he’s driving crashed… mabuti nalang at ligtas siya—though he’s not completely safe from his father’s wrath. Balita ko ay natanggal din siya sa trabaho so, good luck nalang sa kaniya. 1AM na nang makarating ako sa bar dahil naligaw ako. In my defense, hindi naman kasi ako pamilyar sa pasikot-sikot dito sa Manila. Even though I don’t look like the typical probinsiyana but… probinsiyana ako, ‘no! Proud probinsiyana! Isa pa, I am not dumb… sadyang hindi lang ako sanay dito. Hindi naman ako naliligaw noon sa Batangas. Mas lalong uminit ang ulo ko nang makitang kailangan ko pa palang pumila dahil maraming nasa labas ng bar. Gosh! Hindi naman ako aware na famous pala ‘tong bar na ‘to… sino bang may-ari nito? Kailangan ko siyang makausap. I have to befriend him or her! Ayaw ko nang pumila pa sa susunod. Mabibigat ang bawat hakbang ko papunta sa may pila. Hindi naman gaanong mahaba kaya’t hindi na ako nagtangkang makisingit sa pila dahil ayaw kong mapaaway. I should stay away from trouble… ayaw ko pang bumalik sa Batangas, ano. “Miss, ang ganda ng suot mo, ah? Sa kabilang bar ka ba nagtatrabaho?” Nagtaas ako ng tingin nang marinig ang boses ng babae sa unahan ko. Nakatingin siya sa akin na para bang sinusuri niya ang buong katawan ko. Gusto ko siyang pilosopohin na bakit naman ako pipila rito kung sa kabilang bar ako nagtatrabaho pero hindi ko na ginawa. Umiling ako. “I’ll go inside,” tanging sagot ko at nag-iwas na ng tingin. “Ay, englishera si Ate. Mayaman, oh,” rinig kong sabi niya sa kasama niya kaya’t lihim akong bumuntong hininga. “Sus. Anong mayaman ka diyan? Mukha ngang fake ‘yong bag, oh.” Napintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ng kasama niyang babae. I looked towards my bag as I gritted my teeth. My bag… is fake?! How dare her? Magsasalita pa sana ako para sagutin siya pero hindi pa man ako nakakapagsalita ay para akong sinampal ng katotohanan. Right. Kapag sinabi kong totoo ang bag ko baka… I looked around and saw a couple of guys. Baka mamaya, manakawan pa ako. I cleared my throat and faked a smile towards the two woman in front of me. Tinaasan naman ako ng kilay ng isa. Itinaas ko ang hawak kong bag at hindi pa rin inaalis ang ngiti ko sa kanila. “Right. This is a fake one… ang mahal kasi! Hindi ko afford ang mga mamahaling gamit.” Mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko para marinig ng iba at hindi na ako pagtangkaan pang nakawan. Huh! “Mahirap na ang buhay ngayon, girls. Ipang-iinom ko nalang.” Nagkatinginan ang dalawang babae at sabay na tumawa. Mas lalo ko namang kinagat ang aking ibabang labi dahil sa ginawa nila. Kung hindi lang talaga kailangan, sasabihin ko sa mukha nila na authentic ‘tong bag ko. Hindi ako bumibili ng counterfeit copies, ‘no! Totoo lahat ng bag ko! “Tama, tama. Saka mas maraming maganda sa ukay… subukan mo roon.” My brows drew in a straight line before confusedly looking towards the woman. “U… kay? What’s that?” takang tanong ko sa kaniya. “Ukay-ukay! ‘Yong second hand! Ito naman, oh. Para ka namang mayaman,” sambit niya at umiling. Magsasalita pa sana ako para tanungin pa siya pero tumalikod na siya sa akin. Hindi ko na napansin na sila na pala ang papasok kaya’t napalabi ako. Second hand? Second hand na bags, ganoon? Like the one that I bought from Kaia? Hmm… I should visit that ukay-ukay sometimes. Napatango ako at akmang papasok na rin sa loob nang harangin ako ng guard. My right brow twitched as I looked towards him. “Hindi ako minor,” mabilis na sambit ko. Ilang beses na kumurap ang guard bago may kung anong tiningnan sa folder na hawak niya. Mas lalo namang tumaas ang kilay ko dahil doon. Mayamaya pa ay peke siyang umubo at kinamot ang kaniyang ulo. “K-Kayo po ba si Danielle Fontanilla, Ma’am?” “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Nagbaba siya ng tingin na para bang hindi alam ang sasabihin. “Uh… kasi Ma’am… ano po…” “Because you can’t go inside. You’re not allowed to go inside.” Agad na pumintig ang tainga ko nang makarinig ng pamilyar na boses. I immediately looked towards my back and saw the person that I was looking for. Nandito pa rin pala siya! My brows furrowed while looking towards him. “And why not? I am not a minor anymore, of course I can go inside—“ “Because I said so.” I drew in a long breath and crossed my arms towards my chest. “At sino ka naman para pagbawalan akong pumasok sa loob? For your information, I am a customer. Hindi mo ako puwedeng pagbawalang pumasok sa loob,” matapang na tanong ko bago ko siya tiningnan. Ilang beses akong napalunok nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyong naglalaro mula sa kaniyang mga mata mula nang una ko siyang nakita. His eyes still looks cold and emotionless. I wonder what’s going on inside his head right now… why is he like this? “Because I am the owner of this bar and I can forbid anyone to enter inside my property. So please leave now, Miss Fontanilla. I don’t want to see your face in my territory." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD