05

1767 Words
“What the heck are you doing here? Paano ka nakapasok?” I stopped drinking my water when I heard Maurice’s voice. Lumingon ako sa may pintuan at nakitang naroon na pala siya. “Oh. Hindi ko napansin na dumating ka na pala. Take a seat—“ “Danielle,” she immediately cut my words off. “Tinatanong ko kung anong ginagawa mo rito? Kagagaling mo lang dito sa Maynila last week… paanong nandito ka naman? Tumakas ka na naman, ano?” I immediately rolled my eyes upon hearing what she said. “Gosh. What am I, a kid? I can go here wherever I want to. I am already twenty six… why can’t I enjoy my life?” Maurice drew in a long breath and massaged her temples as if I’m giving her a hard time. Hindi ko naman mapigilang umismid sa ginawa niya. Here she goes again… acting as if I am her younger sibling when in fact, I am older than her-- a day older. “Why don’t you just sit here and I’ll explain everything to you?” tanong ko nang ilang minuto na ang nakalipas pero nanatili pa rin siya sa puwesto niya at parang wala yata akong balak kausapin. She looked towards my direction and darted me an eerie glance. I swallowed the lump on my throat unconsciously because of what she did. No wonder her younger brothers are scared of her… Malakas na bumuntong hininga si Maurice at naglakad papunta sa gawi ko. Ibinato niya sa kung saan ang dala niyang bag at padabog na umupo sa harap ko. “So what is it? Anong nangyari?” Kalmadong tanong niya kahit na mukhang hindi naman siya kalmado. “Fine, tama ka,” pagsuko ko at umirap. “Oo, tumakas nga ako sa hacienda.” “Danielle!” Agad akong ngumiwi nang bigla na lamang siyang sumigaw. Bihira lang siyang sumigaw but whenever it happens… Ugh! Parang gusto kong magpalit ng tainga dahil nakakabasag eardrums ang lakas ng sigaw niya! I rolled my eyes and folded my arms over my chest. “Calm down, okay? Let me explain first,” I trailed off. “You’re being stubborn again. Kung pupunta ka rito, dapat nagpaalam ka muna kina Dada or kay Ninang N. Palagi nalang ako ang kumakausap sa kanila kasi pinagtatakpan kita—“ “Kaya nga hindi ako nagpapaalam kasi hindi naman ako papayagan,” I cut her words off and rolled my eyes for the umpteenth time. “Isa pa, I am already old enough to make my own decisions. Hindi ko na kailangan pa ng permiso nila para lang magawa ko kung ano mang gusto kong gawin.” “Danielle…” Nag-iwas ako ng tingin kay Maurice. “You don’t understand my frustrations because you have your freedom. Kung ikaw ang narito sa posisyon ko, trust me… you’ll get sick of it. Hindi ko na kayang mag-stay sa hacienda buong buhay ko, ano! Saka malaki na ako, I can protect myself…” “Malaki ka na? You’re responsible enough now?” Mabilis akong tumango bilang sagot sa tanong ni Maurice. “Then why are you here? Bakit nandito ka sa condo ko ngayon?” I sighed. “Kasi makikitira ako sa ‘yo?” “Oh? Akala ko ba kaya mo na ang sarili mo?” Mabilis akong sumimangot at hindi kaagad nakasagot. She’s… right. Damn. Isang araw lang ang pagitan nang ipininanganak kami pero parang mas matanda siya sa akin nang sampung taon kahit na ang totoo ay mas matanda ako sa kaniya. Bumuntong hininga si Maurice at inilabas ang cellphone niya kaya’t agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Don’t call my mom!” “At ano? Pag-aalalahin mo lang sina Ninang N? Danielle, may sakit sa puso ang Mama mo… gusto mo bang isugod na naman siya sa hospital dahil sa ‘yo?” I heaved a deep sigh and looked away upon hearing what she said. “F-Fine… but I’ll call her instead. Ako na ang kakausap sa kaniya para naman mabawasan ang galit niya sa akin nang kahit kaunti,” pagsuko ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. “You can’t stay here for too long, okay? Kahit na mukhang dala mo na yata ang lahat ng gamit mo…” Dumako ang mata niya sa anim na luggage na dala ko. “Aminin mo nga, dito ka na ba titira forever?” “Excuse me? That’s only a quarter of my wardrobe!” She pressed her lips together and shake her head out of disapproval. “Right, right. Nakalimutan ko na halos boutique na sa mall ang wardrobe mo. Ewan ko sa ‘yo, bahala ka nga diyan. I’ll just take a bath, okay? Dapat pagkatapos ko, nakausap mo na si Ninang N, ha? Si Ninang N dapat kasi baka kapag si Dada Dwayne ang kinausap mo, baka hindi na naman niya sabihin kay Ninang N kasi ayaw na naman niyang madamay. Tsk,” sambit niya at umiling. “Ang sama mo kay Papa, ah? Isumbong kaya kita sa kaniya?” biro ko kaya’t agad siyang umismid. “As if he’ll get mad at me,” mayabang na tugon niya at tumayo na. Magsasalita pa sana ako pero dire-diretso na siyang naglakad papunta sa kuwarto niya kaya’t naiwan akong mag-isa sa living room. Gosh. Napaka-sungit niya talaga! No wonder no boys would come near her. Kahit lalaki ako, hindi ko id-date si Maurice, e. I drew in a long breath before looking towards my phone on the center table. Bago pa dumating si Maurice ay kanina ko pa pinag-iisipan kung kailan ako tatawag kina Mama at Papa. I’m sure by now, they are already aware that I’m gone. HInihintay lang nila akong tumawag sa kanila dahil sabi nila… ‘sawa’ na raw silang tumawag sa akin tuwing nawawala ako. Mukhang pinanindigan nga nila ang sinabi nila, ah? Padabog kong kinuha ang cellphone ko mula sa lamesa at mabilis na idinial ang number ni Mama. Kahit na nainis ako kay Maurice kanina, susundin ko pa rin ang sinabi niya dahil alam ko namang tama siya… she’s always right to begin with. Wala pang tatlong segundo ay sinagot na kaagad ni Mama ang tawag kaya’t agad akong napangiwi. “Danielle Amari Fontanilla… where the heck are you?” I rested my back on the sofa and sighed. Sa buong buhay ko, parang isang milyon ko na yatang narinig ang katagang iyon galing kay Mama. Hindi nab ago. “Lilipat na ako ng bahay, ‘Ma.” “What?” “Right. I’ll stay with Maurice for a while—“ “Danielle.” Mas lalo akong napangiwi nang suwayin niya na naman ako tulad ng paraan ng pag-suway sa akin ni Maurice kanina. Gosh… kaunti nalang ay iisipin kong si Maurice talaga ang anak ni Mama—good thing I looked like her and acts like my father. Kung hindi, iisipin kong nagkapalit kaming dalawa ni Maurice ng magulang. I left out a harsh breath. “’Ma, hindi na ako nagpaalam sa ‘yo kasi hindi mo rin naman ako papayagan. I tried asking Papa about it but he won’t let me, so… I just went through it. Nandito na ako, Mama… papauwiin mo pa rin ba ako?” “You should have told me your plans—“ “Because I already know that you won’t let me,” pagputol ko sa sasabihin niya. “Just try to understand me, ‘Ma… promise, this would be the last. Let me live here for a while.” “At kailan ka naman babalik, hmm?” Ilang beses akong napakurap dahil ang totoo ay hindi ko pa talaga napag-iisipan ang tungkol sa bagay na iyon. Maybe I became too hasty that I didn’t even think about that one. Hmm… “Maybe after four months?” “Danielle—“ “But!” I immediately cut her words off. “Let’s have a deal, ‘Ma. I’ll stay here for four months and I’ll try my best to stay away from any trouble. Kapag wala akong ginawang gulo dito sa loob ng apat na buwan, then you’ll let me go here whenever I want. Hindi niyo na ako pipigilan ni Papa or bibigyan ng time limit… is that a deal?” Hindi nakatakas sa tainga ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Sigurado ako na iniisip na niya ngayon kung gaano kami magkaparehas. My father and my aunts and uncles told me that my Mama is just like me when she was young. Mukhang hindi nga lang inaasahan ni Mama that in the future, she’ll have to deal with someone who is just as stubborn like her. “Ma, trust me on this one, please? Malaki na ako… habang buhay ba, diyan nalang ako palagi sa probinsiya? I mean, fine, I’ll stay there. Ako ang bahala sa hacienda. But you know, minsan, kailangan din nating lumabas ng comfort zone natin. Kung nag-aalala ka kasi baka iwan ko kayo ni Papa at ang hacienda, then fret none. Hindi ako tatakas sa responsibilidad ko… ngayon lang naman ‘to, hmm, Mama? You trusts me, right?” “Danielle…” “Hindi ko pa naman sinisira kahit kailan ang tiwala niyo ni Papa, right, Ma? So don’t worry… kahit kailan, hindi ko kayo ipagpapalit ni Papa. I’ll go back there, I promise,” mahinahong sambit ko upang makampante siya at pagkatiwalaan ako. Alam ko naman na may tiwala sila sa akin but… “Where are you going to stay?” My mouth hanged open upon hearing her question. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa labis na gulat. “Uh… in Maurice’s condo, Ma,” kinakabahang sagot ko sa kaniya. I heard her let out a harsh breath on the other line. Mas lalo namang bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Papayagan niya naman ako… ‘di ba? “You can’t stay there.” “Mama—“ “Mahiya ka naman kay Maurice. Doon ka muna sa bahay ng Papa mo tumira. Ipapalinis ko.” My eyes widened and I almost jumped out of joy upon hearing what she said. “Are you sure, Ma?” She sighed once again. “Basta magtino ka diyan, ha? Tandaan mo, papu—“ “Papunta palang ako, pabalik ka na,” I finished her sentence and laughed. “Don’t worry about me, Ma. I am not a child anymore… malay mo, pagbalik ko diyan, may apo ka na.” “Danielle!” Malakas na sigaw niya sa kabilang linya kaya’t malakas akong tumawa at napailing. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD