“You’re going back to Manila? For what?”
Nag-angat ako ng tingin kay Papa na ngayon ay sumisimsim ng kape habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin. I lifted my shoulder in a half shrug and gave him a small smile.
“Just for a change, ‘Pa. Saglit lang naman ako roon—“
“Danielle, you know your Mama wants you to stay here,” he calmly said and before putting his teacup on top of the table. “Huwag ka sa aking magsabi, all right? Tell your mother about this. Hindi sa akin.”
Tinaasan ko siya ng kilay at mapaglarong inismiran. “Papa, masiyado ka naman kasing under kay Mama. Can’t you just you know… help me?” panunuyo ko pa sa kaniya.
My father let out a harsh breath but he also immediately shake his head. “Uh-huh. You know I can’t disobey your mother, right? Siya ang batas na susundin ko, honey. Just go ahead and ask her. Baka pumayag kapag tinanong mo.”
I propped my chin on my palm and rested my elbow on the table. Sinasamahan ko si Papa na magkape ngayong umaga para naman kahit papaano ay gumanda ang araw niya… pero mukhang wala yata akong epekto sa kaniya.
“Papa, Mama will eventually give in to you. Isa pa, I don’t want to talk to her right now. She’s probably still mad at me,” humina ang boses ko at muling bumuntong hininga nang maalala ang huli naming pinag-awayan.
Ugh! I was just looking for that guy. Hindi ko naman alam na may nakapag-picture sa akin at nakapagsumbong sa kaniya. And what did she told me again?
“Papunta ka palang, pabalik na ako.”
What does that even mean? Saan ba ako pupunta at saan siya nanggaling? My mother is so weird that sometimes, I get annoyed by her presence. Sabi ni Papa ay magkaparehas daw kami ng ugali ni Mama at mukha ngang tama siya dahil wala kahit isa sa amin ang nagpapatalo—just like when we got into an argument last last night.
“Danielle honey, she’s not mad at you anymore. Come on. Do you really think that she’ll get mad at you for that long? Ang sinasabi lang ng Mama mo, don’t be too reckless, anak. I know that you’re enjoying your stay in Manila but please… umayos ka naman.”
Nag-angat ako ng tingin kay Papa at pinanliitan siya ng mga mata. “Papa, maayos naman ako, ah? I just kept getting into trouble,” mahinang sambit ko at muling napalabi.
Totoo naman kasi. Parang ang gulo mismo ang lumalapit sa akin kaya’t anong magagawa ko roon, ‘di ba?
My father heaved a deep sigh while shaking his head. “Maayos?” tanong niya at tumango bago ngumiti sa akin. Agad namang sumeryoso ang mukha ko nang makita ang ekspresyon niya. I know this… may alam siya na itinatago ko sa kaniya.
“What is it, ‘Pa?” pagsuko ko dahil mukhang napansin niya na rin naman na alam ko na ang ibig niyang sabihin.
“Do you really think Maurice won’t tell me about what happened the other week? Before you even got photographed… tanda mo na?”
Nagsalubong ang aking mga kilay at takang tumingin sa gawi niya. The other week? Bago ko ma-encounter ‘yong weird na lalaki? What happened back then?
“I don’t really remember anything.”
“Hindi mo natatandaan na nagpakulong ka lang naman sa Kuya Dylan mo, ha, Danielle Amari?”
My lips parted upon realizing what he’s saying. Ah, iyon naman pala. Hindi niya kaagad sinabi sa akin. Hindi ko naman alam na iyon ang tinutukoy niya.
I groaned and casually lifted my shoulder in a half shrug. “That’s nothing, Papa. It’s no big deal—“
“Anong hindi big deal?” pagputol niiya sa dapat ay sasabihin ko at matalim akong tiningnan. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil sa lagay na ‘to, mukha ngang seryoso na siya na kausapin ako hindi tulad kanina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at hinilot ang sintido. “Danielle, your cousin had to sort things out on his own. Kung hindi niya napaki-usapan ‘yong kaaway mo, baka may criminal records ka na ngayon. And please, this is not the first time. Pang-ilang beses na ba ‘to, huh, Danielle?”
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya—hindi dahil sa natatakot ako kung hindi dahil…
“I can’t remember na, Papa, e. Ilang beses na nga ba ako sa kulungan?”
Mula sa direksyon ko ay hindi nakatakas sa aking mga mata anng pag-awang ng kaniyang mga labi nang marinig ang sinabi ko. At dahil mag-ama kaming dalawa, eksaherada niyang sinapo ang dibdib at animo’y inaatake sa puso pero alam ko naman na nagloloko lamang siya.
“Oh, God, Danielle. Your Mom and I are troublemakers too but certainly not like that,” reklamo niya.
I shrugged. “Ang saya kayang tumambay sa selda, ‘Pa. Some people there are kinda nice and accommodating—though it’s quite kadiri rin but anyway, I can handle it naman. I even invited some of them to visit us here kapag nakalaya na sila—“
“Danielle Amari Fontanilla.” Tumigil ako sa pagsasalita nang putulin ni Papa ang kung ano mang dapat ay sasabihin ko.
I lifted my chin up to look towards him and immediately gave him a sweet smile. “Hmm, Papa?”
“You… you invited them… here? Sa hacienda? Those people? Danielle, they’re bad people! Paano kung pagnakawan tayo ng mga ‘yon?”
“Nah, ‘Pa. Sabi ko naman sa kanila, they can go here if they want to work and to change their lives. Hindi ko naman sinabi na pagnakawan nila tayo. And in fact, ano bang nanakawin nila rito sa bahay natin? Our riches are in the city. Bakit ba kasi hindi nalang tayo roon tumira?” reklamo ko pa at muling bumuntong hininga.
“We have our hacienda here, Danielle. We’re giving opportunities to tons of people. Isa pa, your mother loves to stay here… so as long as she wants to stay here, rito tayo. Or you can go to Manila and live on your own but in one condition.”
Pumintig ang aking tainga matapos marinig ang sinabi niya. I eagerly looked towards him. “Condition? What is it, ‘Pa?”
“Don’t go out.”
Nawala ang ngiti sa aking mga labi at seryosong tumingin sa kaniya. “Pinapunta niyo pa ako sa Manila, hindi niyo rin pala ako palalabasin,” may halong inis na sambit ko.
I mean, why can’t they just let me go? I am old enough to live on my own—I am even old enough to have a family but here I am… para pa ring isang teenager na hindi makaalis dito sa probinsiya dahil ayaw nila akong payagan.
Hindi rin naman ako makasuway. I am their only child and I ought to take care of them for the rest of my life. Kung sana ay hindi namatay si Newt, then maybe…
“You’re stubborn and naughty, Danielle. Your cousins have been telling me about your ‘night-life’ in Manila. You’re flirting with tons of boys and eventually making out with them. Tapos ano, iniiwan mo? ‘Nak, ikaw ang nagsisimula ng gulo—“
“But they can’t take no for an answer. Sabi ko na ngang ayaw ko na, hindi ko na gusto, namimilit pa sila. Malas lang nila dahil tinuruan ako ni Mama kung paano lumaban,” giit ko at inis na umismid.
And what did he say? Sinasabi sa kaniya ng mga pinsan ko kung anong pinaggagawa namin? And here I am thinking that my secrets are safe with them—sinasabi rin pala nila kay Papa. Nakalimutan yata nila na may lahing chismosa ang tatay ko at sa lagay na ‘to, baka alam na rin ng buong angkan namin ang pinaggagawa ko sa buhay ko.
“Danielle honey, that’s not my point. Ang point ko, you keep on initiating pero hindi mo naman kayang panindigan. Of course, it’s bad that they can’t take no for an answer but you’re also at fault. If you have a problem, just tell us, honey. My ears are willing to listen,” mahinahong sambit niya.
My lips puckered as I heaved a deep sigh. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin at ang gusto niyang iparating. Gusto niyang sabihin ko sa kaniya kung bakit ayaw kong mag-commit sa mga naging ‘lalaki’ ko.
“Commitment and I aren’t just compatible for each other, ‘Pa. I am not ready to commit to anyone else. I just want to explore and live my life to the fullest… so please, huh? Let me live in the city. Just for a couple of months. Kapag hindi ako gumawa ng gulo, you’ll let me stay there for as long as I want. Pero kapag naman gumawa ako ng gulo, uuwi ako kaagad dito.”
Bumuntong hininga si Papa kaya naman tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naglakad papalapit sa kaniya. I gave him a back hug though he’s still sitting. “Please, Papa? Talk to Mama, hmm?” panunuyo ko pa.
“Danielle, your Mom is the rule---“
“But you can still change her mind, right?” I cut his words off and gave him a small smile. “Dali na, ‘Pa. Payagan mo na ako, hmm?”
“Danielle…”
“Please?” Malapad ko siyang nginitian at nagpa-cute sa kaniyang harapan. Bumuntong hininga naman siya at napailing dahil sa ginawa ko sa kaniya. “I just want to find…”
Him. That guy.
“I just want to find myself.”
---