AVA “Congratulation!” bati sa akin ni Tita. It’s my graduation day in college. Sa wakas natapos ko rin ang kalbaryo ko sa apat na taong pag-aaral sa kursong Business Administration. Mahirap ang pinagdaaanan ko. Nagtatrabaho ako habang nag-aaral. As much as possible nakatuon pa rin ang atensyon ko sa anak ko. Mabuti na lamang ay nandiyan sa tabi ko si Tita para tulungan ako. Malaki ang naitulong niya sa akin. “Mama!” Niyakap ako ng anak kong si Ezra. He’s now 5 years old. Ang bilis ng panahon, kailan lang baby pa ang anak ko. May binigay siyang maliit na box. Napatingin ako kay Tita na may malawak na ngiti. “Gusto kasi niya na bigyan ka ng regalo. Kaya bumili kami sa mall,” ani Tita na ang tinutukoy ay ang anak ko. Kinuha ko ang regalo ng anak ko sa akin. “Thank you, bebe ko.” Hi

