JAXSON It’s been five months magmula nang mahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo ang Daddy ni Candy. Saksi ang CCTV camera sa loob ng bahay namin. Iyon ang naging ebidensya para mahatulang guilty ang matanda. Pinagbayad ng danyos ang matanda at iyon ang ginamit ko upang ipagpatuloy ang buhay ko. Kahit sinasabihan ako ni Hermes na i-hire ako bilang manager sa company nila ay tinatanggihan ko. Pinili kong magtrabaho sa mababang posisyon para patunayan sa sarili kong kaya kong umangat sa buhay sa sarili kong pagsisikap. Napangiti ako nang kunin ni Ava ang pinadala kong bulaklak. Napatingin si Ava sa labas ng gate. Tila may hinahanap na tao. Hinahanap ang taong naglagay ng bulaklak sa harapan ng bahay nila. Dinala niya ang bulaklak at inamoy habang papasok sa loob ng bahay nila. Hindi k

