JAXSON Nilunod ko ang sarili sa alak. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ava ay agad akong umalis. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. “Tama na iyan, pre! Kanina ka pa umiinom, lasing ka na.” Kinuha ni Hermes ang baso na hawak ko. “Hey! Get it back to me!” Pilit kong kinuha sa kanya ang baso, ngunit inilayo niya iyon. “Ano ka ba, Jaxson?! Nagkakaganyan ka dahil sa babae? My god! Sa dami ng nagkakandarapa sa iyo mukha kang wasted sa iisang babae,” sabi ni Hermes. “Asshole!” sabi ko sa kanya. “Mahal mo si Ava? Paano na si Candy? Ilang linggo na lang kasal niyo na. Tigilan mo na si Ava.” Kinuwelyuhan ko si Hermes. “Hindi mo alam ang ginawa ko sa kanya! Malaki ang kasalanan ko! I want her to be a part of my life. Wala akong pakialam sa Candy na iyan! I don’t love her!” Napailing si

