AVA Nang maisara ni Jaxson ang pinto tumayo ako para lumabas ng opisina. Napatingin ako sa dinalang pagkain ni Jaxson na nasa ibabaw ng table ko. Bigla ay nanghinayang ako sa pagkain. Dadalhin ko na lang siguro sa canteen. Marahan ang pagbukas ko ng pinto. Sumilip ako sa labas kung nasa labas pa si Jaxson, ngunit wala ng tao sa pasilyo. Pinuntahan ko agad si Rael na naghihintay sa canteen. “Pasensaya ka na dami kong ginawa kaya medyo na late ako.” Hinging paumanhin ko nang makarating sa canteen. Na-late ako ng kaunting minuto. Nilapag ko ang pagkain na bigay ni Jaxson. “Wow! Mukhang masarap ang baon mo, a?” Aniya nang silipin ni Rael ang dala ko. Napangiti ako. “Hati tayo,” sabi ko at hinati ang pagkain. Kumuha si Rael at nilagay sa plato. Tinikman niya ang ulam na sa tingin ko

