AVA Pagbalik ko sa opisina galing sa labas nakita kong wala na ang mga gamit ko sa lamesa. “Saan napunta ang gamit ko? Mali ba itong napasukan ko?” Kausap ko sa sarili ko. Bumalik ako sa labas at tiningnan ang pinto. Ito naman ang office na pinagtatrabahuan ko? Lumingon ako nang may lumapit sa akin. “You are no longer working in that room, Ms. Gomez. Could you kindly come with me? I'll take you to your new place,” sabi ng isang empleyado. Nagtataka man ay sinundan ko ang babae. Nangamot ako sa ulo. Bakit ililipat pa ako komportable na nga ako. Tahimik pati ang silid na iyon dahil ako lang ang nagwo-work doon. Napahinto ako sa pagpasok sa isang silid na pamilyar sa akin. “Miss anong ginagawa natin dito?” Tanong ko sa babae. “From now on, you will be working alongside Jaxson Cuerva,

