AVA “Are you alright, Ava? You look pale and your hand is so cold?” Hinawakan niya ang kamay ko. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa matinding takot na nararamdaman sa mga sandaling ito. “Bilisan natin,” sabi ko na lang. Halos hilain ko si Rael para lang makalayo kay Jaxson. Ayoko siyang makita, namumuhi ako sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi kami sinundan ni Jaxson. “Are you sure okay ka lang? Nanlalamig ang kamay mo nang hawakan ko. May problema ba?” Tanong niyang muli sa akin. He looks so worried. “Ayos lang ako. Papawisin talaga ang kamay ko.” Pagsisinungaling ko kahit hindi naman. “By the way salamat sa kape,” sabi ko para maiba ang usapan. “Kung may problema ka just tell me, okay?” He flashes a smile. In response, I nodded. Habang nag-aayos ng mga papeles hindi ko m

