AVA Habang hinihintay ang kaibigan kong si Kara sa loob ng room namin ay dumating ang nobya ni Jaxson kasama ang mga kaibigan niya. Napatuwid ako ng pagkakaupo nang lumapit sila sa akin. Napapalunok ako habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanila. Hindi ko napaghandaan ang ginawa ni Candy. Hinablot niya ang braso ko habang mahigpit ang hawak niya doon. “Leave my boyfriend alone, b*tch!” Galit na sabi niya at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Napangiwi ako. Bumaon ang mahabang kuko niya sa balat ko. “A-Ano'ng sinasabi mo?” Tanggi ko sa paratang niya. Hindi naman ako ang lumalapit kay Jaxson. Nagkakataon lang na nagkakasabay kaming tumambay sa puno o di kaya naman kapag nagkakasalubong sa hallway. Ano'ng pinagsasabi niyang inagaw ko ang nobyo niya? “Itatanggi

