AVA Ngayon ang araw na itinakda ko para sa sarili kong iwasan nang tuluyan si Jaxson. Ayokong ma-involve sa kanila at baka maparatangan pa akong mang-aagaw ng nobyo. Magugulo ang buhay ko, kung dati ay malaya akong naglalakad at walang kinatatakutan, ngayon ay tila may tinatakasan akong kasalanan. Malalim akong nagbuntonghininga. Sa abot ng makakaya ko ay iiwasan kong magkrus ang landas namin ni Jaxson. Alam kong mahirap gawin iyon dahil iisang school lang kami. Konting tiis lang dahil ilang buwan na lang magtatapos na si Jaxson sa Senior high, hindi ko na sila makikita pa. “Ava! Ava!” Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad. Ngayon ay mas mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ko. Kailangan hindi niya ako maabutan! Baka maki

