AVA Graduation na namin sa susunod na linggo kaya busy na kami ni Kara sa pag-aayos ng mga grades namin sa Grade 10. Hindi nagparamdam sa akin si Jaxson na kinalugod ko dahil gusto ko na siyang iwasan ng tuluyan. Hindi rin ito para sa akin kundi para rin ito sa kanya. Hindi kami patatahimikin ni Candy kung itutuloy namin ang bawal na relasyon. Tama ang kaibigan ko na dapat pagtuunan ko ang pag-aaral ko. Iyon na lang ang makakaahon sa akin sa kahirapan. Gusto kong tuparin ang pangako kay Nanay na makapagtapos ng pag-aaral. “Ava, may practice tayo mamaya para sa graduation natin,” sabi ni Kara na kadarating lang at bitbit ang folder. “Narinig ko ang announcement kanina,” sabi ko. Umupo ako sa silya at gayon din si Kara. Napalingon siya sa akin. “Mabuti naman sinunod mo ang payo ko

