AVA Nanginginig ang kamay ko habang tinatawagan ang numero ni Mr. Joaquin Cuerva. Nagdesisyon akong tanggapin ang alok niya sa akin. Naisip ko ring tama ang sinabi niya na makakatulong sa akin ang trabaho para matustusan ang pag-aaral ko. Nanikip ang puso ko habang hinihintay sagutin ang tawag ko. Mas lalong nanikip ang puso ko nang marinig ang mababang boses ni Sir Joaquin. “Hello, who's this?” Tanong niya. tumikhim ako bago nagsalita. “Sir Joaquin, si Ava po ito. Pumapayag na po ako sa inaalok niyong trabaho.” Kahit kinakabahan ay nasabi ko ang pakay ko kaya tumawag ako sa kanya. “I am so happy na pumayag ka. That’s a good decision. On Monday come here to my office.” Aniya na kinangiti ko. Napakabuti ni Sir Joaquin, ibang-iba sa ugali ni Jaxson. “Sir, thank you po.” Pasasalamat k

