EPISODE 54

1274 Words

JAXSON Pinunasan ko ang labi kong may bahid ng dugo. Nakipagsuntukan ako upang ipagtanggol si Greg na binubugbog ng mga lalaking malalaki ang katawan. Hindi kami nagpatinag ni Amarillio at Bochok. Nilabanan namin sila kaya lahat kami ay kinulong sa bartolina. Walang pagkain at tubig sa isang araw. “Pasensya na napahamak pa kayo. Dapat ako lang ang nandito,” sabi ni Greg. “Wala iyon, sino ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang.” “Oo nga naman!” Segunda ni Bochok. Naawa ako sa hitsura niya. “Sa susunod huwag na kayong pumunta sa pwesto ng mga iyon. Masyado silang mayayabang na parang pagmamay-ari nila ang lugar na ito,” wika ni Amarillio. “Sorry pre, hindi ko lang matiis ang pumunta sa labas para naman makasagap ng sariwang hangin.” Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Greg. “Puw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD