JAXSON Hindi ako makapaniwala sa balitang natanggap ko mula kay Hermes. Kausap ko lang s’ya last time. Hindi ko inaasahang mangyayari kay Candy iyon sa sarili pa niyang ama. “Napakademonyo ng matandang ‘yon. Imagine mo pati anak pinatay n’ya. Nakokonsensya ako dahil tumakas pa s’ya para lang balaan ako sa masamang balak ng ama. Hindi sana mangyayari ito kung hindi n’ya ako pinuntahan.” Nanghina ako sa nangyari. “Sasabihin mo ba ito kay Ava? Kung ako sa’yo sabihin mo na para aware s’ya sa mangyayari kung sakali. We don’t know kung may mga tauhan pa ang matandang ‘yon sa labas,” wika ni Hermes. May punto si Hermes. Kailangan malaman ni Ava ang nangyari kay Candy. May part sa sarili kong nagsasabing huwag kong sabihin kay Ava. Ayokong mas lalong matakot siya. “I don’t know pag-iisip

